KASALUKUYANG minamasahe ni Alec ang kaniyang balikat dahil sa nadaramang labis na pagod.
Holiday season na kasi kaya naman dagsa ang mga taong nag bu-book ng mga silid sa hotel na kaniyang pinagtatrabahuan.
Batid niya sa sarili na hindi na niya magagawang pasukan pa ang schedule ng isa nilang kasamahan mamayang gabi dahil pakiwari niya ay na-drain ang buong lakas niya sa buong shift niya para sa araw na iyon.
Matapos niyang makapagpalit ng damit ay kaagad din naman siyang lumabas sa employee’s room upang umuwi. Nakasalubong pa niya si Robert na pormadong-pormado at nangangamoy fabric conditioner na dahil sa lakas ng amoy ng pabango nito.
Kahit hindi nito sabihin ay alam na niya kung saan na naman ito patutungo. Maya-maya lang ay si Myleen naman ang nakasalubong niya sa hallway.
Nag tanguan lamang silang dalawa bilang pagbati sa isa’t-isa. Pero bago pa siya tuluyang lagpasan ng dalaga ay tinawag niya ito. Huminto naman ito sa paglalakad at pumihit paharap sa kaniya.
Hindi niya alam kung bakit ngunit nababasa niya sa ekspresyon ng dalaga na naghihintay ito at umaasa sa kung ano mula sa kaniya.
Dahil tuloy dito ay na-pressure si Alec at nagkabuhol-buhol ang dila.
“A-ano… gusto mo bang ano…”
“Ano?” tanong ni Myleen na tila nawawalan na ba ito ng pasensiya.
“G-gusto mo bang kumain muna sa labas?” Pikit matang pagtapos niya sa nakabinbin niyang katanungan para sa babae.
Nakunot naman ang noo ni Myleen dahil dito. “Are you asking me out on a date?”
Napamulat naman si Alec, subalit, hindi niya pa rin magawang tingnan ng diretso ang dalaga ng mga sandaling iyon dahil sa labis na hiyang nadarama.
“Y-yes?”
Lumiwanag naman ang mukha ni Myleen dahil sa kumpirmasyong narinig. Animo’y napakatagal na nitong hinihintay na ayain siyang lumabas ni Alec. “Sure!”
Nagtungo sila sa isang restaurant. May kamahalan ang lugar pero hindi na ito inisip pa ni Alec dahil minsan lang siya gumasto para sa sarili.
Paulit-ulit nga lang niyang isinasakokote ang kasabihang treat yourself after a long and tiring work.
“Are you okay?” tanong sa kaniya ni Myleen nang mapadako sa kaniya ang tingin nito. Tumango at nagpakawala naman si Alec ng isang alanganing ngiti.
Nakakailang rounds na sila ng alak ni Myleen mula noong lumipat sila sa isang bar mula sa restaurant pagkatapos nilang kumain, subalit pakiramdam niya ay ngayon pa lamang nag iinit sa pag inom ng alak ang babae.
Muli pang umorder si Myleen ng isang bucket ng beer mula sa waiter ngunit tatlo pa lamang ang nauubos nila ay tuluyan na ngang nakatulog ang binata dahil sa labis na kalasingan.
NANG magmulat si Alec ay tanging kadiliman lamang ang bumungad sa kaniyang mga mata. Wala ni katiting na liwanag siyang nakikita sa paligid.
Hindi niya mabatid kung nasaan siya ng mga sandaling iyon kaya naman maya’t-maya siyang lumilingon sa kaniyang magkabilang gilid.
Tumayo ang kaniyang mga balahibo nang biglang umihip ang malakas na hangin dahilan upang mapayakap siya sa kaniyang sarili.
“Pagbati aking lunawan!”
Sunod-sunod ang naging pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa pag-alingawngaw ng malamig at hindi pamilyar na tinig.
“S-sino ka?” tugon niya sa kung sino mang nag salita. Muli pa sana siyang magsasalita nang walang marinig na tugon subalit kagyat siyang napahinto nang may mapagtanto.
Lunawan? Narinig na niya ito noon pero hindi niya mapagtanto kung saan niya unang narinig ang terminong ito.
YOU ARE READING
LUNAWAN: The Devil's Vessel
FantasyAlec Saavedra is a 27-year-old man working in the Hospitality Industry. But series of events will turn his world upside down. He will find himself fighting alongside the God of Darkness; Sitan and his faction against the latter's arch-nemesis Bathal...