CHAPTER 8

352 12 4
                                    

A/N: Hello! Salamat sa lahat ng nagbabasa nito. Alam kong medyo magulo ang story at konti lang ang action scene pero don't worry! Aayusin/iimprove ko pa to kaya sana hwag kayong mabore dito. Lakas makatama ng writer's block eh. Ilang chapters na lang balik action na din ako. Warning lang pala, mukhang malalate na ang mga update nito kasi mag-uupisa na ang klase at Oo, sa kasamaang palad, balik eskwelahan din po ako pero don't worry, once a week kung hindi every weekend pa din ang UD nito.. Pasensya na po! *360 degrees bow* Thanks pala sa PengYou friends ko na nagpa-uso na term na half-smile na madalas gamitin dito ni Laurence. Half-smile means na kung may nangyari sa iyo hindi kaaya-aya at napilitan ka lang ngumiti para lusutan ito. Thus resulting to pilit smile o half-smile. Thanks again! Sorry if it sucks! XD

--------------------------------------------------------------------

"Nasaan na siya? Kailangan ko siyang makita..." the old man lying on the bed said weakly. The wrinkles on his face and skin are prominent and his veins are already showing under his thin skin.

"I'm sorry. Nabigo akong kunin siya." Lumapit ang isang lalaki sa kanya at umupo sa tabi niya. Tinignan lang niya ng sandali ang matandang lalaki at pinag-aralan ang mga aparatong nakakabit dito, ang tanging bumubuhay sa matanda. He imagined what would happen if he removed those. But he won't do that. Kailangan niya ang tiwala nito. Not now, while everyone was still looking.

"Konti na lang ang mga nalalabi kong araw. Kailangan ko na siyang makita." The old man slowly reached for his hands. Tama, ilang araw na lang ang kailangan niyang hintayin. Bakit nga hindi pa to mamatay-matay, he thought to himself. Kahit noong malakas pa ito ay hindi siya pinag-tutuunan ng pansin nito, even until now.

"Don't worry Dad. Susunduin ko siya kung nasaan man siya, ngayon mismo." He stood up at iniwan ang matanda at lumabas na ng kwarto nito na nakangiti.

"I'll kill her before you can even meet her." He laughed out loud, enough to cause everyone to stare at him inside the hospital. But he doesn't care. Mapapasakanya ang lahat ng mana ng Dad niya, ang lahat ng pinaghirapan niya. Hinding-hindi niya ito ibibigay sa kahit sino mang madungis at walang karapatang tao. Kahit pa ang mismong kadugo niya.

"I don't trust my son enough. Ikaw na ang bahalang magbantay sa kanya." He motioned the man standing in the shadows to come forward. Agad naman itong lumapit sa kanya.

"Don't worry Sir. My loyalty belongs to you, ako na ang bahala."

~~

"Uy, Laurence. Nakikinig ka ba?" untog sa akin ni Andie ng kanyang gitara.

"Ah..Oo..." Sinapo ko lang ang masakit kong ulo at nagpatuloy sa kanina ko pang tinitignan na langgam sa ibabaw ng mesa. Ewan ko ba, parang wala ako sa sarili ngayon. Pati langgam pinagtripan ko pa.

"Mukhang hindi eh. Z, alam mo na ang gagawin mo." Narinig kong sabi ni Alex pero hindi ko pinansin kasi malapit na sa finish line tong pinapanood kong langgam na may buhat-buhat na pagkain na mas malaki pa sa kanya.

"Roger!" Hindi ko napansin ang agad na paglundag ni Z sa likuran ko habang sinasakal ako ng kaliwang kamay niya habang yakap-yakap ako. Aba, pasimple tong batang to ah!

"Aray ko naman, kanina pa ako nakakahalata ah. May plano ba kayong itsugi ako? Pagod na ba kayo sa pagpapalamon sa akin dito? Plano niyo ba akong paalisin na dito?" Drama ko na hawak-hawak pa ang tinidor at tinuro-turo sa kanila.

"Over na Ate ah. Baka tanggap ka nang artista mamaya, mawawalan kami ng trabaho. At naku, hindi ka pa pwedeng mamatay. Ididisect pa kita! Nyuruhuhuhu." Masamang tawa ni Z na mukhang may pinaplano nga.

"Mukhang wala ka sa sarili mo ngayon ah. Tignan mo, nakakalahati na ng langgam yung cake mo. Ano bang problema?" Turo ni Alex sa cake sa harap ko. Paano ko namang hindi papansinin tong cake, itong cake ang may kasalanan ng lahat! Hinding-hindi na ako kakain ng cake magpakailan man! Sa tuwing nakikita ko ang cake, hindi kong mapigilan na hindi maalala ang mga nangyari. Ahh! Ayan, namumula na naman ulit ang pisngi ko! At ang mas malala pa, nung hindi inaasahang magkasalubong kami noong isang araw, iiwas na sana ako, pero sinunggaban niya ako. Sabi niya, kalimutan ko lang yung nangyari. Kalimutan! Ha! Paano ko yun makakalimutan! Ilang araw akong hindi pinatulog nun, tapos kakalimutan? Walang hiya siya! Hindi na kami friends! Sa tuwing naalala ko yun, sobrang naiinis ako na hindi ko mapigilang mamula. Magmula noon, apat na araw ko na siyang hindi kinakausap, hindi ko na din sinispot ang mga training ko sa kanya. Nakakainis siya!

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon