Kabanata 29

84 3 0
                                    

Ilang minuto na ang lumipas simula nang umalis si Samantha. Ang mommy ni Lucas ay sumunod sakanya at naiwan naman sa amin si Savannah. Pinagbigyan siya ng kanyang kuya maglaro. Nasa gazebo pa rin ako, pinagtutuunan ng pansin ang iba't ibang cake. Bakit kaya parang ayaw nilang kumain samantalang ako gustonko ng tikman lahat.





"Darling, go to your nanny and change clothes." Mabilis kong binitawan ang hawak kong tinidor. Bumaba ako mula sa gazebo at dahan-dahan na naglakad palapit kay Savannah at Lucas.




Nanakbo na kung saan si Savannah, may sumunod naman sakanya, nahirapan pa itong hulihin ang bata dahil sa kalikutan.

"Are you going to stay for dinner?" she asked when she neared us. Her face is straight at his son, who stands beside me.

"No, I just came to finally introduce my girlfriend.  I don't have any intention to stay." He bluntly answered to his mommy, which made eyes widen.

Mabagal na nagtaas-baba ang balikat ng kanyang mommy, ang katabi kong si Lucas ay matikas ang tindig samantalang ako para na mabubuwal sa dalawang ito. 

"That's sad to know, your father will be home today" she sadly answered back. 

Parang ang tagal ng segundong paghihintay sa sagot ni Lucas. Nakipagtitigan ito sa mommy niya bago sumagot.

"I don't have time for my stepfather, mom. I have lots of things to do at home." He simply answered. 

Hindi man lang natinag ang mommy niya sa naging sagot ni Lucas. Kumilos ang mommy at sumulyap sa pinanggalingan bago binalik sa amin. 

" I see.  Are you going home now?" she asked with a deeper tone of voice.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Lucas sa baywang ko, sinundan iyon ng kanyang mommy at mariin na tumingin bago umiwas.

"Yes, mommy. We'll get going now," sa mababang boses na sinabi ni Lucas. Nakikiliti ako sa haplos niya sa tiyan ko, alam kong mas lumaki iyon dahil sa paglamon ko ng pagkain kanina. 

"Alright then, paalam kana sa kapatid mo. You can visit her anytime you want, she misses you and often asks for your existence. Savannah is always with Samantha, but she knew she had a brother, and I hope you'll let her feel that she has one." Malungkot na sinabi ng mommy niya. Ang boses nito ay pabago-bago subalit ang ekspresyon ng mukha ay nanatiling matatag, mataas at may paninindigan. 

Lucas faced me before he landed his lips on my forehead before heading to his sister. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko, nangangatog ang binti ko dahil sa tensyon. I am 167 cm tall, and she's taller than me because of her block-heeled shoes.

" Are you living together?" kulang na lang ay mailuwa ko ang mga mata ko sa gulat. Mas mariin pa ngayon ang tono ng pananalita ng kanyang mommy nang tinanong iyon. Mabilis akong umiling at hindi na nakapagsalita pa, nangangapa ako ng pwedeng sasabihin. 

"Good to know, my son is still young. He might be distant to me, but he's precious. Do not rush things for your future relationship. It's hard to be tied up in a relationship when someone is being deceitful." Ang tono ng pananalita niya ay ibang-iba sa mga mata niyang malalim. Nakipagtitigan ako dahil hindi ko naintindihan ang gusto niyang sabihin. 

"We're not rushing things, po. We're still learning, and we hope that you could help us with our relationship. Lucas is my first boyfriend, he is precious to me, and I am very glad that he brought me here to see you. I hope you're happy with that, po." I tried to sound as casual as usual. 

Sa tagal ng pananatili ko rito ay ngayon ko lang nakita ang pagbabago ng mukha niya. Kunot ang kanyang noo na wari mo'y hindi naintindihan ang ibig kong sabihin.

Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon