06/06/15
-------Katatapos lang ng P.E class namin at kukunin ko lang sana yong mga gamit ko sa locker ng mapansin ko si Nikka sa harap ng locker ko
"Nikka !"
Nagulat siya sa sigaw ko at pati yong hawak niyang cellphone nabitawan niya.Lumapit ako sa kanya at napatingin sa cellphone na nahulog.
"Paano napunta saiyo itong cellphone ko?"
"H-huh? Nakita ko lang ilalagay ko lang sana dito sa toktok ng locker mo"
"Pwede mo namang ibigay huh!"
"Ah basta sige ma--"
"Teka lang"
Napatingin ako sa bracelet niya.Parang familiar yong mga pendant ng bracelet niya.Kinuha ko yong pendant na nakabulsa lang sa akin at hindi nga ako nagkakamali kay Nikka yon.
"Ikaw ang naglagay ng answer key dito sa locker ko?"
"Hindi ah!"
"Eh paanong napunta tong hawak kong pendant ng bracelet mo sa locker ko?"
Tinanggal niya yong bracelet niya
"Ah ito ba? Uso kasi to eh.Hindi lang ako ang gumagamit"
May itinuro siyang dalawang babae na may suot ding bracelet na kagaya niya.
"Sige bye"
Tsk hindi parin talaga siya nagbabago.Magaling paring gumawa ng palusot.
Dumiretso nalang ako sa Music Room kasi lunch time na naman.Pero pagdating ko doon --
"Ano to huh ?"
Namumulang tanong ni Danica kay Zowin habang pinapakita yong cellphone.Pagkakita ko palang sa cellphone niya kinutuban na ako.
"L-let me explain" Zowin
"Gago ka gasgas na yang linya mo ! Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako na mahal mo! Tapos nakikipaghalikan ka lang pala sa iba !"
Umiiyak na si Danica.Hindi nakaimik si Zowin.Sigurado akong akin yong picture na yon.Sigurado akong si Nikka na naman ang nagsend non.
Kainis nagaaway sila ng dahil sa kagagawan ko.
"Is not that what you think"
"Eh ano? Pinaglalaruan mo kaming dalawa?"
"Danica List--"
"Zowin,isang tanong isang sagot"
"Ang sarap ng halikan niyo dyan.Nong hinalikan ka niya,ibinabalik mo din ba yong halik niya?"
Hindi agad nakaimik si Zowin
"Oo"
Nagulat ako sa sagot niya.So talagang binalik niya yong halik ni Hancel?
"Pinaglalaruan mo ba ako? Wow lang nakakadiri ka !"
Hindi man siya hinalikan ni Zowin pero pinunasan niya yong bibig niya.
"Nakakadiri ! Hinahalikan mo siya tapos humahalik ka naman sa akin? Ang kapal naman ata ng mukha mo!Katulad mo din ang ibang mga lalake diyan ! Hindi ka naiiba sa kanila dahil manloloko ka !"
"Danica"
Umalis na si Danica na umiiyak.Napatigil siya sa harapan ko.
"Magusap tayo"
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...