Chapter 1

3 0 0
                                    



"I thought that, this university is the creepiest place, but I guess I was wrong."

"I thought that, every corner of this place has a scattered dead body and clot bloods. But I guess I was wrong at the second time around."

"And I also thought, that every student study here was holding a knife covered with blood not books," sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga estudyante na naglalakad sa harapan namin na may bitbit na makakapal na libro.

My forehead creased. The information I receive was fake, pity me believing in such gossip. I laughed as I realized I was fooled again.

"Ms. Laurentious this way please," ani ng SSG officer na nagngangalang Khynzer.

Habang naglalakad kami ni Khynzer sa hallway panay bati ng mga estudyante na nakakasalamuha namin at parang nirerespeto talaga ang kasama ko dahil sa may papel s'ya sa paaralan bilang isang SSG.

Alam ko din naman na nagpapa-impress sila sa kasama ko.  Boyfriend material ang appeal niya, height na nasa 6'4, dark messy hair na nasa two inches ang haba at 'yong makinis niyang balat na hindi naman kaputian.

The students in this university was so well mannered compared from my former school, this is something they lack so.  That's was my first impression from this school after analyzing the surroundings.

Kapag napapatingin naman ang mga estudyante sa'kin para bumati ay blangkong ekspresyon lang ang binibigay ko sa kanila dahil parang iba ang dating nito sa akin. Ang plastik ng ngiti at bati nila ramdam na ramdam ko.

Napapansin ko din na parang disiplinado talaga ang mga estudyante dito base sa mga kinikilos nila but there's a side of me says the opposite.

Ang lilinis ng mga damit na suot nila mula ulo hanggang paa, iisa lang ang estilo ng pagkakatali ng buhok ng mga babae at sa mga lalaki naman iisa lang ang estilo ng gupit

Napahinto kami sa tapat ng isang office. Napatingin ako kay Khynzer na inaayos ang kwelyo at manggas ng damit, tapos ay pinapagpagan ang sariling pantalon n'ya para maalis ang ilang alikabok na nandoon. Ang arte naman, pinupormahan ba n'ya ang tao na nasa loob ng office?

"Ms. Laurentious dito ka muna pupuntahan ko si Mr. Forteo para ipaalam na nandito ka na," tango lang ang naisagot ko dahil parang nakakatamad magsalita ngayon.

Nilibot ko ulit ang tingin sa paligid at isa lang talaga ang masasabi ko, iba talaga ang lugar na 'to kesa sa lugar na nakasanayan ko. Hindi ko batid kung ilang ektarya ang inakupa ng Unibersidad na'to dahil malawak ang field nila at madami ang building nila.

Mukhang mamahalin ang mga ginamit na gamit, materyales at mga disenyo para pagandahin lang ang lugar na'to. Gusto lang siguro nila na pagandahin ang lugar para komportable ang mga estudyante mag-aral. 'Yon nga lang kung gaano kaganda at katibay ng mga gusali dito kasalungat naman ng mga nagtuturo ang tibay ng mga gusali.

Matatanda na ang mga nagtururo dito. Nadaanan namin kanina ang isang prof sa hallway, parang may hinahanap s'ya sa bag ni'to pero hindi pa rin n'ya nahahanap dahil nakalimutan daw ang salamin sa classroom kung saan s'ya nagtururo.

Siguro mga makakalimutin na ang mga guro na nandito dahil sa katandaan, wala ba silang balak kumuha ng bago?

"Ms."

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Khynzer na kanina pa nagsasalita, hindi ko kasi maalis-alis ang mga mata ko sa paligid sa ganda nito.

Mag-isa akong pumasok sa loob ng office at pagkapasok ko ay nilibot ko agad ang tingin sa paligid. Libro, libro lang talaga ang makikita mo kahit saang sulok ng office.

Napako ang tingin ko sa nakasandal na lalaki sa isang lamesa magkasing edad lang kami siguro, may hawak s'yang libro na animo'y bawal galawin dahil nasa sukdulan na s'ya ng kwento, para kasing hindi n'ya ako naramdan na nandito na ako sa loob ng office.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon n'ya mula sa libro pero na bigo ako, kaya tumikhim ulit ako sa ikalawang pagkakataon na mas nilakasan ko pa, para naman marinig n'ya, pero wala eh hindi n'ya ako narinig.

"Mr. Forteo."

Hindi ko na napigilan magsalita, dahil hindi ako sanay na naghihintay ng matagal dahil naiinis ako ng isang linggo o 'di kaya naba bad mood ng isang buwan. Kaya 'wag lang akong subukin ng Forteo na'to baka kasi magkaroon na naman ng ubo ang utak ko pasensyahan na lang sa mga mabibitawan kong salita pagnagkataon o baka mawalan ako ng respeto sa kanya. Naningkit na ang mga mata ko dahil sa inis.

Bingi ba s'ya talaga o nagbibingi-bingihan lang?

"Mr. Forteo," pag-uulit ko na mas diniinan ang dalawang salita na binigkas ko bago lang.

"Don't you know how to knock?" may pagkakadiin ni'tong tanong sabay tingin sa'kin na para bang may ginawa akong malaking kasalanan. Ang malamig nitong titig na wala man lang bahid na emosyon na kaya kang patahimikin ang napatulala sa'kin.

Nakatingin pa din s'ya sakin na parang may hinihintay na sagot, "don't you know how to knock before entering someone's office?"

Imbis na sumagot tinaasan ko s'ya ng kilay para ipahiwatig na hindi ako natatakot sa tono ng pananalita n'ya at sa kung ano ang kaya n'yang gawin sa'kin.

Hindi ako kumurap kakatitig sa kanya at kung ano ang susunod n'yang gawin. Gusto kong basahin ang kabuuan n'ya pero parang pinipigilan ako ng kulay ng suot n'ya. Ang weird dahil sa kulay ng damit n'ya hindi ko kayang mabasa ang kabuuan ni'to.

Gusto ko din basahin ang mga mata n'ya pero hindi ko magawa, para kasing may nakaharang na libo-libong makakapal na pader bago mo malaman ang totoong nararamdaman n'ya.

Marahas s'yang bumuntong hininga bago magsalita.

"You got expelled and that's the main reason why you enroll here?" malamig pa sa bangkay na tanong ni'to na parang tinatamad magsalita.

"Seems like that," sagot ko na parang natatamad din.

Nakita kong may kinuha s'yang puting folder sa table n'ya sabay upo sa isang swivel chair.

"Your name is Vaux Ashleigh Laurentious, right?" kunot noo ni'tong tanong, nandiri ba 'to sa pangalan ko? Doon ko lang din napagtanto na ang hawak n'yang folder ay may ilang pirasong bond paper na ang nakasulat ay maliliit na impormasyon tungkol sa'kin, panigurado na ang nakasulat doon ay ang buong pangalan ko, birthdate, edad at kung ano-ano pa na maliliit na detalye na hindi naman big deal para sa'kin.

"17 years old, right?" tanging tango na lang ang naisasagot ko.

Hindi lang man niya ako sinabihan na pwede na ako umupo o di kaya sabihan ng make yourself comfortable bago magtaning sa akin pero hindi ganun 'yong nangyari, basta-basta na lang siya nagsimulang magtanong.

I want to turn the question around does he not know how to take good care of his guest?

"Where do you live?" tanong n'ya na nagpainis sa'kin at nakapagpaubos ng pasensya ko. May hinala ba s'ya na maling tao ang kaharap n'ya ngayon?

I'm not used to this kind of conversation.

"I live in hell."

"And wanna know my fathers name?"

"My fathers name is Lucifer. "

He's so annoying. Why he keep asking me those question if he already know the answer? And another thing his not that type of students assistant that would treat you nicely.

I saw him chuckled because what I've said earlier.

Nakakatawa ba 'yon?

He clap slowly like his so amazed.

Then the door violently open that obtained both of our attention.

"Bro I've heard the conversation between you and this girl," isang lalaki ang marahas na bumukas ng pinto na parang ang saya-saya na pumunta kay Forteo na sinagot-sagot ko kani-kanina lang.

"Bro, okay lang sa'yo na mainsulto ng transferee."

"If I am in your position  I will clap so hard for that girl because of her courage to talk to you like that," sabi n'ya kay Forteo na tinatawag n'yang bro, habang natatawa pa rin sa sariling sinabi.

Napailing-iling naman si Forteo dahil sa pinangsasabi ng bagong sulpot na lalaki. "As you said Kairus she's a transferee, it clearly means she don't know anything. Anything."

"Leave Kairus I'm talking with Ms. Laurentious," sabay titig sa'kin ng sobrang lagkit dahilan para irapan ko.

"Ok fine, see you later," ani ni'to sabay taas ng dalawang kamay na parang suko na s'ya. "Don't be late," dagdag pa n'ya sabay tapik ng balikat ni Mr. Forteo at umalis na ng office.

"Khynzer will take care of you, he'll gonna give all of the information you needed while you are here, " aniya. Why does it feels na may double meaning ang sinabi n'ya? "While you were here. "

"And he'll gonna give you the school uniform and the key for your room. I have to finish something," sabi ni'to at kinuha ang libro na binabasa n'ya kanina ng dumating ako.

Napangisi ako ng natukoy ko kung ano'ng gawain ang kelangan n'yang tapusin ngayon, 'yong pagbabasa lang pala ng libro.

Umalis na lang ako ng office n'ya para kasing wala naman akong mapapala kung mananatili pa ako doon at napansin ko din kanina na napakadaming alikabok ang mga libro at shelves. Parang lumang library ang pinasukan ko.

Binigay nga talaga sa'kin ni Khynzer ang mga impormasyon na kailangan ko.

Nilibot namin ang buong lugar at binigyan din ako ni Khynzer ng mapa para naman hindi ako maligaw dahil sa laki ng lugar. Doble yata ang numero ng mga estudyante na nandito ngayon kung ikukumpara ang rami ng mga estudyante sa former University na pinag-aralan ko.

"Ash hanggang dito na lang ako bawal kasi pumasok ang boys sa girls dormitory isa 'yon sa golden rules ng University na'to," Sabi ni'to na palinga-linga sa paligid. Students stay in the dormitory and that is school rule need to follow.

Napangisi na lang ako sa sinabi n'ya. He don't need to act like an innocent child in front of me. Akala n'ya mauuto n'ya ako sa mga rules na 'yan. Alam kong may milagrong nangyayari kahit hindi n'ya sabihin. I'm just  stating the fact based on my experience.

Marami ng schools, academies and universities ang napasukan ko at iba d'yan ay boarding school na katulad din ni'to. And no one could deny that every school has its own dark myths and stories, whether prestigious or not.

Same rules lang din naman, bawal pumunta ang boys sa dormitory ng girls at bawal pumunta ang girls sa dormitory ng boys pero hindi nasusunod. May nangyayari pa rin na hindi naman dapat mangyari sa loob ng paaralan.

"Ba't ka nakangiti Ash?"

"It's none of your business."

Habang naglalakad ako papunta sa room ko may nakakasalamuha akong estudyante na nagkukwentuhan.

Nandito na ako sa tapat ng Room 23.

Sabi ni Khynzer sa'kin kanina room 23 daw ako kaya dito ako dumiretso at aniya may kasama daw ako sa iisang kwarto.

Hindi naman bago sa'kin na may kasama na ibang estudyante sa iisang kwarto, naranasan ko din kasi 'to nong nasa ibang school ako nag-aaral.

Tigtatlo o tigdalawa daw muna ang estudyante sa iisang kwarto dahil pinapagawa pa daw nila ang tubo ng tubig sa isang building dahil may sira na daw, kaya mas minabuti na lang nila na tigdalawa na lang daw muna ang mga estudyante sa isang kwarto kesa manatili sa ginagawang building at walang may magamit na tubig. Girls dormitory was in the east wing of the campus while sa west wing naman ang para sa lalaki.

I didn't make myself sweat just to knock my own room. Napako naman ang tingin ng dalawang estudyante sa'kin pagkapasok ko. I know what they're thinking, that I don't have manner before entering someone's room.

'Yong isa nasa isang kama naka-higa habang may hawak na libro at 'yong isa naman nakasandal sa pader na naninigarilyo. Kambal pa talaga ang makakasama ko sa isang kwarto. Napatingin ulit ako sa babae na naninigarilyo at napangisi, hindi na rin masama suwayin ang batas ng patago.

"Hello, ikaw siguro ang makakasama namin dito sa kwarto na sinasabi ni Khynzer kanina just make yourself comfortable here. "

"Ako pala si-" I cut off her word sa pamamagitan ng masama kong titig at diretsong pumunta sa bakanteng kama na katabi lang ng hinihigaan n'ya kanina, sa pagtatanto ko ay kanya.

Inosente akong nakatayo sa harap ng higaan pagkatapos kong ilagay sa sahig ang maletang dala-dala ko. Inilapag ko ang shoulder bag kong dala sa tabi ng unan at inosenteng nilibot ang tingin.

"Sa'kin talaga 'tong kwarto na'to," ani ng babae na may hawak na libro. "S'ya pala 'yong kakambal ko si-."

I cut off her word again. Hindi naman ako nagtanong ng mga bagay na pinangsasabi n'ya pero dada na ng dada, nakakarindi pa naman ang boses n'ya na parang pumiyok na mikropono. Halata kasing pinipigilan n'yang tumili dahil sa saya.

Napairap ako sa kanya at napatitig sa kakambal n'ya na ngayon ay kumukuha ng panibagong stick ng sigarilyo at sinindihan. Humithit s'ya sabay boga, paulit-ulit lang n'ya 'yon ginagawa at titig lang ang ginagawa ko na parang bang binabasa ko ang kabuuan n'ya.

Para s'yang walang pakialam sa paligid n'ya dahil sa kisame lang s'ya nakatingin na animo'y ang lalim ng iniisip.

Gusto kong lihisin ang tingin sa kanya pero hindi ko magawa dahil gusto kong magkatinginan muna kami, gusto kong basahin ang kabuuan n'ya pero 'di ko kaya katulad din ni Mr. Forteo 'di ko kayang basahin dahil parang pinipigilan ako ng kulay ng damit. Ang weird bakit hindi ko kayang basahin ang galaw nila. Bakit pakiramdam ko kayang pigilan ng kulay abong jacket na basahin ko sila?

"So bakit ka pala nag-transfer dito?"

"Na kick out ako sa previous school ko," sinagot ko na lang ang tanong n'ya para naman tumahimik s'ya pero 'di ko akalain na magbibigay s'ya ng speech na sobrang haba. "Hala ba't naman?, basag ulo ka ba o di kaya may rumors na lumaganap sa paaralan n'yo tungkol sa'yo pero hindi naman totoo o di kaya may nang back stab sa'yong kaibigan o 'yong pinakamalala may nakalaban kang anak ng dean kaya na kick out ka. Sila talaga 'yong lintik sa lahat porket anak ng dean aasta na silang pinakamakapangyarihan sa lahat sarap pang-uuntugin 'yong mga matitigas nilang ulo, spoiled brat kasi kaya ganun na lang makaasta. Pero 'wag kang mag-alala walang spoiled brat o ano dito pero gangatser marami, at paniguradong ito na 'yong paaralan na babagay sa isang mabait at magandang katulad mo."

Sa haba ng lintaya n'ya sa tingin ko 'yong naintindihan ko lang ay 'yong sinabi n'ya na mabait ako. 'Yon ba 'yong unang impresyon n'ya sa'kin mabait? Ewan ko kung hahalakhak ba ako

"Ako mabait? Ano klaseng salita 'yon nage-exist ba 'yon? Bagong salita na naman ba 'yon na naimbento ng mga scientist na nabored kaya nakakagawa ng bagong salita?" pagbabara ko.

"Grabe, paniguradong magiging matalik tayong kaibigan," natatawa n'yang saad na napahawak pa sa tiyan ni'to dahil sa kakatawa.

Siguro biro ang pagkakaintindi n'ya sa sinabi ko para tumawa s'ya ng ganun.

Hindi ko nilagay lahat ng mga gamit at damit ko sa drawer as if naman kasing tatagal ako dito. At buti naman tumahimik na sa kadada si Ezekiene.

I want to spend my weekend in a quite place alone.

Kakalabas ko lang sa banyo ng may nakita akong puting rosas sa tabi ng table lamp ko. Lumapit naman ako at kinuha 'yon, may maliit na papel na nakadikit at may nakasulat na 𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙩𝙤 𝙇𝙞𝙫𝙚 𝙐𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙞𝙩𝙮. 𝙔𝙤𝙪 𝙖𝙧𝙚 𝙥𝙖𝙧𝙩 𝙤𝙛 𝙪𝙨, 𝙖𝙨 𝙬𝙚 𝙥𝙖𝙧𝙩 𝙤𝙛 𝙮𝙤𝙪.

Napatigil naman ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya at napangiti. Sa dinami-dami ba namang bulaklak na pagpipilian para sa patay pa talaga ang binigay nila sa'kin tapos may bahid pang dugo 'yong ilang petals ng bulaklak. Bakit ganitong klase ang binigay nila. Para naman itong death threats kyng tutuusin hindi isang regalo para sa bagong estudyante.

Akala ko ba mabait sila? Pero ba't parang kabaliktaran ang nararamdaman ko sa bulaklak na ito.

Nanakot ba sila? Sana naman galingan nila para kasing batang three years old lang ang matatakot sa death threat nila. Kailangan ko na bang magtago sa ilalim ng kama o 'di kaya sa loob ng cabinet dahil sa death threat nila? Ang weak naman.

Itinago ko ang bulaklak sa loob ng maleta at bumalik sa loob ng cr para kunin yung naiwan kong damit pagtapos ay lumabas ako para magpahangin. Lumabas si Ezekiene at yung kapatid niya para kumain daw sa cafeteria, nag-paalam pa talaga sa'kin as if namang may paki-alam ako sa mga gagawin nila sa buhay nila.

To be continued......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

draftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon