Prologue

0 0 0
                                    

Karyl P.O.V

"Karyl pagkatapos mo jan pumunta ka sa tindahan bantayan mo don"
Utos saakin ng kapatid kong maldita, naglalaba ako ngayon at kung ituring nila ako dito sa bahay ay parang di nila ako kapatid. Ako gumagawa ng mga gawaing bahay samantalang silang tatlong magkakapatid ay puro lang gala at magdadala ng mga bisita dito sa bahay.
Minsan na iisip ko na pamilya ba nila ako, mabait sila kapag uuwi na si papa pero kapag wala na si papa pinagtutulungan na naman nila ako.

"Hoy! Di kapa ba tapos diyan!? Ang hina mo naman kumilos! Bilisan mo jan ihatid mo si Mj sa school niya at bantayan mo don"
Utos na naman ng isa kong kapatid, mga impakta talaga ang mga to hindi pa nga ako nakatapos sa ginagawa ko may utod na naman?

"Pero ate,  inutusan kasi ako ni ate Lady Heart na bantayan ko ang tindahan pagkatapos ko dito."
Lumapit siya saakin at hinawakan niya ang panga ko masakit ang pagkahawak niya dahil sobrang diin ng mga palad niya sa panga ko.

"A-ate nasa-saktan po ako"  pag makaka awa ko sakanya sobrang sama ng tingin ng mga mata niya saakin.

"Sinusuway mo na ako Karyl!? Wala akong paki sa mga inuutos nila sayo! Iba ang utos ko sa mga utos nila! Kaya sundin mo din yun at wag kang mag reklamo!" Tinulak niya ako sa kadahilanan na tumba ako at sobrang sakit ng bewang ko dahil malakas ang pagkabagsak ko sa lupa.
Napa iyak nalang ako, wala akong magawa mga ate ko sila at wala akong laban sakanila. Total nasasanay na ako sa mga pinaggagawa nila saakin, araw araw ganito ang nararanasan ko sakanila kaya ano pa ba ang pinagka iba sa nangyayari ngayon?
Pinunasan ko nalang ang luha ko at nag patuloy ako maglaba.

After 1 hour natapos na din ako, kaya hinatid kona sa school si Mj. Bibilisan ko nalang ang pagmamaneho para maka abot ako sa oras na mag open ang tindahan. Bata palang si Mj 10 years old na pero sana di siya tutulad sa mga ate namin na sobrang kalat ng ugali. Nakadating na kami sa school at nakita ko si Kerzen kaya nilapitan ko siya.

"Hi Kerzen good morning" hinarap niya ako at sobrang lapad ng ngiti niya.

"Grabi ang ganda talaga ng morning ko dahil sayo"
Pambobola niya agad saakin. Grabi ang aga aga nambobola na pero napapangiti niya ako sa mga banat niya lagi saakin.

"Paano naging maganda ang morning mo dahil saakin?" React ko naman sakanya, sinusungitan ko nalang muna siya ng mukha para di niya mahalata na kinikilig ako.

"Dahil kasing ganda mo ang morning ko" hindi na talaga ako maniniwala, puro bola lang ang nalalaman ng lalaking to eh.

"Babantayan mo ba si Joe ngayon?" Panimulang tanong ko.
"Oo naman nakalimutan mo na ba? Ako yung substitute teacher nila Joe ngayon"
Ay oo nga pala, resident teacher na pala tong lalaking to.

"Pwede ba na paki tingnan din ng kapatid ko si Mj? Magbabantay kasi ako ngayon ng tindahan, babalikan ko nalanh siya dito kapag lunch time na"
Umiba naman ang hirsura niya sa favor ko, tiningnan niya ako from head to toe. Grabi naman to parang bagong kilala lang?

"Saan pala ang mga ate mo? Bat ikaw ang gumagawa ng lahat? At isa pa gaano ba sila ka busy na hindi nila kayang bantayan ang kapatid nila?"
Haist, nandito na naman ako sa stage nato. Kapag nang hihingi ako ng favor sakanya palaging madaming nakahandang tanong.

"Busy talaga ata sila kaya di nila kaya akong tulungan. So pwede ba Kerzen?" Nagpapa cute ako sakanya baka kasi gagana eh. Napa buntong hininga nalang siya at tumango saakin.
"Omg! Thank you Kerzen, don't worry babawi ako sayo ililibre kita kapag magka sweldo ako."
Hindi parin nag bago ang mood niya sa sinabi ko, alam ko naawa siya saakin at di niya kayang sabihin.
Humarap ako kay Mj at inayos ko ang curly niyang buhok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth Untold Where stories live. Discover now