BLOOD 16: New Start?

112 4 0
                                    

Oo tama kayo, double update! Hahaha! Gusto ko lang bumawi sa inyo. Start na ng pasukan namin sa Monday eh. Di ko na alam kung gaano ka-frequent akong makakapag-update :(


Luna's POV


"Here you go miss, Maria Mikaela" sabi nung lalaking nagtitingin ng passport dun sabay kindat, napangiwi na lang ako. Hindi pa kasi ako nakakapagpa-renew ng passport since biglaan 'tong plano ni dad


"Seriously? Good thing that flirt doesn't know your true name" sabi ni Calix na siyang may dala ng gamit ko at ng gamit niya. Hell yeah, that guy's such a flirt


"D'you wanna buy anything before we proceed to the plane, princess?" tanong sa akin ng isa sa mga tauhan ni daddy na sumama. I shook my head kaya naman naghintay na lang kami dun hanggang sa tinawag na yung flight namin. We then proceed inside


"Hi miss" sabi nung lalaking nago-occupy ng seat sa likod ko. I cursed under my breath, what the hell's wrong with these guys?


"Hey, palit tayo ng seat. You seat by the window" sabi ni Calix na ino-occupy yung window seat ng row namin. Napa-roll na lang ako ng mata ko at tumango na kay Calix, tinignan ko lang ng malamig yung lalaki habang etong si Calix eh pinanlisikan na siya ng tingin


"Overprotective jerk" bulong ko pero mukhang narinig ng hayop na 'to kaya naman tumingin siya sa akin


"I really am supposed to be overprotective. Hindi ka kasi dapat naga-attract ng atensyon ng iba eh. Delikado pa rin" sabi niya kaya napairap ulit ako. Delikado delikado psh!


"Hindi ko na kasalanan kung masyado silang naa-attract sa kagandahan ko" mataray kong sagot sa kanya pero nag-smirk lang siya.


"Taas ng confidence natin ah?" sabi niya, hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako sa labas. Gabi na pero dahil matalas talaga ang paningin ko, malinaw pa rin sa akin ang mga nangyayari sa labas.


"Flight 525 heading for Italy ready for take-off" sabi nung piloto at unti-unti nang nagsara yung mga pinto. Napahinga ako ng malalim. This is it. Oras na iwan ko ang bansang 'to kasamang iiwan ko na din nun ang dating ako. Iiwan ko na lang si Mikay dito. Tama na yung may isa sa kanilang nakakaalam ng tungkol sa akin. Tama nang nagkaroon ng closure kahit na hindi gaano.


"Can I ask you a favor?" nabaling ang tingin ko kay Calix na mataman akong tinitignan. I look at him with a puzzled look. Mag-mula talaga nung makabalik ako sa bahay parang tinatamad na kong magsalita. I've been very silent since then. "Never cry like a Mikay again. It pains me" sabi niya. Nagulat naman ako sa favor na gusto niya pero hindi ko pinahalata. Tumango lang ako sa kanya, that's what I am planning to do kahit hindi niya sabihin.


Binalik ko na lang ang tingin ko sa labas at nakatingin sa kawalan. Lumilipad na ang eroplanong sinasakyan namin at alam kong malapit na rin akong makaalis ng tuluyan sa area of responsibility ng Pilipinas. I closed my eyes and suddenly nag-flash sa utak ko lahat ng mga alaala ko noon— Mikay with her fiends, family, with her Gino; Mikay laughing and smiling genuinely at the world and having a simple yet more than enough life. I suddenly felt a tear escape my eyes, then another and another. I just can't stop them from flowing so I decided to turn my back from Calix. Pagdating kong Italy wala nang ganito, pagdating kong Italy hindi na ako umiiyak sa ganitong rason ulit.

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon