Kabanata 8
Reemo
I could feel Rig's stares while I'm changing the magazine of my handgun. Siguro ay pansin niyang kanina pa mainit ang ulo ko kaya nang matapos kong ubusin ang laman ng bagong magazine ay tuluyan niya akong nilapitan.
"Why the fuck are you throwing a tantrum about, hmm?" he asked.
I let out a frustrated sigh. "She bought a bunch of make up and other beauty products."
Kumunot ang kanyang noo. "Who?"
Umigting ang panga ko. "Ian."
He scoffed. "Well doomsday must be coming then?" Natawa siya nang mahina. Muli naman akong bumuntonghininga saka ako naupo sa bench.
Rig grabbed his gun, loaded it with enough bullets and then hit the target effortlessly. Kung normal na araw ay pumalakpak na ako dahil madali naman akong mapabilib, kaya lang ay masyadong mainit ang ulo ko ngayon.
Ian bought make ups to look pretty for Troy on their next day. Putang ina, hindi ko matanggap! Hindi lang dahil selos na selos ako ngayon kun'di dahil kilala ko siya. Her skin can get irritated with some beauty products. Hindi rin naman niya iyon hilig saka ang ganda-ganda na niya. Ano pa bang kailangan niyang gawin? Anong kalokohan iyong sinasabi niyang kaya siya bumili ng beautiful products ay dahil gusto niyang maging maganda para kay Troy.
Bullshit. That's complete bullshit. Kung gusto talaga siya ng lalake, hindi niya na kailangang magpaganda pa. Mas matatanggap ko pa kung gusto niya iyong gawin para sa sarili niya, pero kung para kay Troy, putang ina.
"Maybe she realized that she wanna be a soft feminine kind of girl already. Dapat masaya ka but you're looking so bitter right now," ani Rig.
Isinuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. "I would've been happy if she didn't buy those products to look good for Troy. Tang ina no'n, ang sarap hamunin na naman ng suntukan. Ano bang mga pinagsasabi no'n kay Ian at parang bigla na lang ginusto niyang mag-make up?" I sighed. "Uwi na nga tayo. Pupuntahan ko 'yong babaeng 'yon."
Rig jerked his head. "I'll see you on Friday," aniya.
Tumango ako't sumabay na sa paglabas. Nang makasakay sa kanya-kanya naming sasakyan ay bumusina na lamang ako saka nagmaneho na papunta sa Sunflower Farm nina Helian.
Noong isang araw ko pa siya hindi kinikibo kahit sa chat kaya lang ako rin naman itong hindi napapakali. Para bang sandali ko pa lang siyang hindi kausap o kasama, damang-dama ko nang ang laki ng kulang sa akin. It was as if she owns a huge part of me. A part I am so scared to lose someday once she decides to be with someone else.
Naiisip ko pa lang, hindi na kaagad ako makahinga. Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, magiging masaya ka kung kanino siya sasaya. Siguro nga maramot ako kasi aminado akong hindi ko magagawang pumalakpak oras na ikasal siya sa iba. I will surely get so drunk until I will have no more strength to keep myself silent about what I truly feel for her.
Kaya takot na takot akong malasing nang sobra. Baka masabi ko. Baka maamin ko.
Baka doon siya mawala sa akin. Hindi ko kaya.
I parked my car and went out. Nagmano ako kay Tyong Pogi at kinumusta ang mga trabahador nilang kasama niyang magbunot ng mga damo.
"Si Ian ho, Tyong?" diretsahan kong tanong.
"Naku, nagbilin. Kung pupunta ka raw ay huwag kang patuluyin?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit daw ho? Galit ba sa'kin?"
"Parang hindi naman?" Nagpunas siya ng pawis gamit ang bimpong nakasampay sa balikat. "Mukhang nahihiya lang sa'yo."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit naman ho mahihiya? Ngayon pa nahiya, ang tagal-tagal na naming magkaibigan?"
"Eh, paano? Bumili ng kolorete noong nakaraan tapos pinag-practice-an ang sariling mukha. May pinanood sa internet na video tungkol sa paggamit ng make up. Kinabukasan nangati ang mukha."
Binalot ako ng matinding pag-aalala. "Nasaan ho siya? Ayos lang ba siya? Baka allergy na ho 'yon."
"Nandoon sa kwarto niya. Ayaw lumabas at pati sa amin nahihiyang magpakita dahil sabi ng Tyang niya, pulang-pula raw ang mukha at may ilang tigyawat na tumubo sa mukha. Imbes kasi ang kinis-kinis ng kutis, ayan. Ewan ko ba sa batang 'yan kung ano ang nakain at biglang naisipang mag-make up--Teka, Reemo! Ayaw kang patuluyin ni Ian!" habol niyang sabi nang maglakad na ako papunta sa bahay nila kahit hindi pa siya tapos sa sinasabi niya.
"Ako na hong bahala, Tyong! Huwag kayong mag-alala," paniniguro ko bago halos maglakad-takbo papunta sa bahay nila.
Naabutan ko naman si Tyang sa bungad, at pagkakita pa lang niya sa nag-aalala kong mukha, sinenyas na kaagad niya ang ulo niya na tila sinasabing pumasok ako.
"Nandoon sa kwarto niya. Bukas 'yon at kagagaling ko lang doon. Dinalhan ko ng tanghalian kaso ayaw kumain. Nakataklob lang ng kumot."
I sighed. "Silipin ko lang ho, ah?"
Tumango siya bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Pumasok naman ako sa loob at dumiretso sa kwarto ni Ian. Naabutan ko siya sa loob na nakataklob ng kumot. Isinara ko ang pinto at nilapitan ang kama niya. Nang madama ang pag-upo ko sa gilid ng kama ay umikot siya para tumalikod. Mukhang kahit hindi niya ibaba ang kumot, alam na kaagad niya kung sino ang dumating.
Ganoon nga siguro namin kakilala ang isa't isa. Tipong yapak pa lamang ng mga paa ay kabisado na namin.
"Umalis ka na, Reemo. Isi-send ko na lang sa account mo ang bayad ko," aniya.
I sighed before I laid next to her. Tiningnan ko siya pagkatapos ngunit hinayaan lang na magtakip siya ng kumot habang nakatalikod sa akin.
"Hindi kita sinisingil. Nandito ako kasi nag-aalala ako sa'yo. Hindi ka sanay mag-make up kaya parang hindi ko matanggap na gusto mong gumamit ng gano'n para lang sa isang lalake." I swallowed the lump forming in my throat and stared at the ceiling. "Nasasaktan ako, Ian. I hate seeing you try to change yourself just to fit a man's standards. K-Kasi kung ako 'yon, hinding-hindi kita papayagang baguhin ang sarili mo para sa'kin."
Nabalot kami ng katahimikan. Maya-maya ay naramdaman ko ang unti-unti niyang pagharap sa akin. Dahan-dahan din niyang ibinaba ang kumot habang tila nahihiyang nakatingin sa akin. Naawa naman ako nang makita ang namumula niyang mukha, kaya nang tuluyan niyang naalis ang kumot, itinulak ko ang ilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng tainga saka ko siya payak na nginitian.
"Do you wanna go to a derma?" I asked.
Marahan siyang tumango. Lumawak naman ang ngiti ko. Maya-maya ay sinalat ko ang kamay niya't pinagsalikop ang aming mga palad habang nakatitig ako sa kanya. A part of me badly wanted to confess already, but every time I will try to open my mouth to say the words I've been dying to say, my fear of losing her for good conquers my heart.
Sa huli ay bumuntonghininga ako saka ko hinaplos ang kamay niya gamit ang hinlalaki ko. "Please don't ever change yourself for someone if you know it's not really necessary. I hate seeing you lose yourself, Ian."
She sighed. Maya-maya ay bahagyang umusog palapit sa akin. Kinuha ko naman ang pagkakataon para paunanin siya sa dibdib ko. I wrapped my arm around her as she rested her head on my chest, my lips pressed on top of her head with my eyes shut.
"I feel stupid," she said.
"You're not."
Tiningala niya ako. Ang mga mata ay namumungay. "M-Maganda ba ako kahit . . . hindi man lang ako marunong maglagay ng lipstick?"
A small yet genuine smile made its way to my lips as I cupped her cheek.
"If only I could lend you my eyes, you'd realize how much I wanna gatekeep you." I caressed her cheek with my thumb as my eyes softened. "You're beautiful, Helian. Even more beautiful than I could ever explain . . ."
BINABASA MO ANG
TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomansaReemo likes classy girls. Helian dresses up like she's going to punch someone in the face. Reemo likes soft-spoken girls. Helian talks like she's always trying to put up a fight. Reemo likes sweet smiles and tantalizing eyes. Helian smirks and rolls...