Kabanata 9
Helian
"Naku, sinasabi ko talaga sa'yo, Ian! Kagagaling lang niyang mukha mo, alikabok naman ang lalanghapin mong bata ka!" asik ni Tyang nang magpaalam akong sasali sa motocross competition sa kabilang bayan.
I sighed. Si Tyong naman ay pangisi-ngisi lamang habang hawak ang tasa ng kanyang kape. Nakatayo siya sa likod ni Tyang kaya paminsan-minsan ay ginagaya kunwari si Tyang kapag bumibira ang bibig. Hindi tuloy ako makapagseryoso. Itong matandang 'to naman kasi!
Nagkamot ako ng ulo saka ko sinenyasan si Tyong na tulungan na akong kumbinsihin si Tyang. Kahit naman feeling pogi 'tong matandang 'to, numero unong kunsintidor ko 'to sa mga delikadong bagay na trip kong gawin sa buhay.
Isa pa, alam ni Tyong na saka ako sinusumpong ng kagustuhan kong mag-motocross o kaya ay mag-rock climbing at sky diving kapag masama ang loob ko sa nanay ko. Nakwento ko kay Tyong na dinalaw ko ang Facebook account ni Mama kagabi. Nag-message din ako para mangumusta. Binati ko rin sila ng happy anniversary ng asawa niya pero tiningnan lang ang message ko saka nag-like sign. That was it.
Tumango si Tyong sa akin bilang sagot. Maya-maya ay sandaling sumimsim sa kanyang tasa na tila bumibwelo na.
"Kung makasabi ka naman ng tungkol sa alikabok, para namang hindi kotang-kota 'yang anak mo sa alikabok dito sa farm." Inilapag niya ang tasa ng kape sa papag saka niya kunwaring minasahe si Tyang. "Payagan mo na. Hindi naman pabaya, eh. Saka malapit na ang bert-day niya. Ngayon mo pa ba paghihigpitan kung kailan pa-bente singko na?"
"Eh, iyon na nga! Magbebente singko pa lang! Paano kung mapahamak? Naku, Pogi! Kapag 'yan nawala sa akin, habambuhay akong maglulupasay o kaya susunod na ako kaagad!" singhal ni Tyang.
Tila may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Bakit gano'n? Bakit mas takot pa si Tyang na mawala ako kaysa sa sarili kong nanay? Sa taong nagluwal sa akin? Kahit kakarampot ba, wala na talaga siyang nararamdamang pagmamahal para sa akin? Did her new family occupy her whole heart that she couldn't even say hi to me without me messaging her first?
Matanda na ako. Akala ko kapag umabot ako ng ganitong edad, hindi na magiging big deal sa akin ang malaking lamat sa relasyon namin ni Mama, pero heto pa rin ako, nasasaktan tuwing mas nakikita akong mahal ako nina Tyang.
Tumikhim ako't nagpaalam na ipapasok ang mga tasa sa loob kahit ang totoo ay ayaw ko lang talagang makita nilang maluha ako sa harap nila. Nasasaktan sila kapag nasasaktan ako. Ayaw ko 'yon. Kahit naman mas madalas kaming magbardagulan, mahal ko sila. Mahal na mahal.
My phone vibrated. Sumandal ako sa sink counter at dinukot iyon sa shorts ko. Nang makitang si Mama ang nag-chat ay kahit paano nabuhayan na naman ako ng loob, kaya lang ay noong nabasa ko ang laman ng chat niya, muntik ko nang tawanan ang sarili ko.
Mama: Please stop messaging me and calling me Mama when you're chatting me. Ilang beses ko na sinabi na ang alam ni Ichiko, pamangkin kita. Muntik na niyang makita ang chat mo. If you will not listen to me, I'm going to block you again.
Nangilid ang aking mga luha at ang ibaba kong labi ay nanginig. Bakit ba ako umasa na sa pagkakataong 'to, maayos na ang magiging chat niya sa akin?
"Ian, nandito ka raw--umiiyak ka ba?" salubong ang kilay na tanong ni Reemo ngunit tumalikod kaagad ako at nagpunas ng luha.
"Hindi. Napuwing lang," rason ko.
He sighed. Maya-maya ay lumapit sa akin at inagaw ang cellphone ko. Nang mabasa niya ang chat ni Mama ay napailing siya kasabay ng pagbuntonghininga.
"Hayaan mo na. Huwag mo nang i-chat. Nandito naman kami ng tiyahin at tiyuhin mo. Mas mahal ka naman namin," aniya sa malungkot na tinig.
My tears bluried my vision. Alam ko namang pinalulubag lamang niya ang loob ko pero ewan ko ba kung bakit parang lalo lang yatang sumikip ag dibdib ko. Dahil ba parang sinampal ako ng katotohanang mas minamahal pa ako ng hindi ko naman kamag-anak?
Si tiyang, hindi naman sila magkadugo ni Mama, eh. Magkapitbahay lang sila noon. Kung tutuusin wala namang lukso ng dugong dapat na maramdaman si Tyang para sa akin pero bakit mas mahal niya pa ako? Kapag nasusugat ako, mas nag-aalala pa siya? Tuwing nilalagnat ako, mas napupuyat siya. Kapag masaya ako, mas nagiging masaya siya.
Bakit siya iyong gumagawa at nagpaparamdam ng mga bagay na dapat sarili kong ina ang nagpaparamdam.
"Ian . . ." tawag ni Reemo bago ako kinabig para ikulong sa mahigpit na yakap.
Tuluyan akong nanghina sa kanyang mga bisig. I cried out of pain and anger for my mom. "Hindi ko maintindihan. Malaki na ako, Reemo, pero bakit umaasa pa rin akong babalikan ako ni Mama at ituturing na anak? Bakit hindi ko kayang bumitiw? Bakit kahit mahal na mahal ako ng mga umampon sa akin, hinahanap-hanap ko pa rin siya? Pakiramdam ko nagiging masama akong anak kina Tyang kasi kahit ginagawa na nila lahat ng makakaya nila para hindi ko maramdamang may kulang sa pagkatao ko, ang tigas pa rin ng ulo ko. Panay pa rin ang pagpapapansin ko sa tunay kong ina."
He tightened his hug on me. "Hindi ka masamang anak at naiintindihan ka nila kasi mahal ka nila, Ian. Kapag mahal natin ang isang tao, naiintindihan natin sila. Alam din naman nilang nangungulila ka lang talaga sa Mama mo, pero hindi naman ibig sabihin na hinahanap mo pa rin ang presensya niya sa buhay mo eh itinatapon mo na rin ang pagmamahal at kalinga ng mga umampon sa'yo. Maniwala ka sa'kin. Masyado ka nilang mahal para isipin nilang masama kang anak dahil lang gusto mo ng atensyon at pagmamahal ng totoo mong nanay." He cupped my face and flashed a genuine smile. "Mahal ka nila. Namin. M-Mahal kita, Ian . . ."
My eyes softened as I stared into his eyes, wishing silently that the last part means he loves me the way I love him.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa.
"M-Mahal ko rin kayo, Reemo." I swallowed the lump in my throat before I flashed a small smile. "M-Mahal din kita . . ."
Reemo's eyes flickered with happiness. Muli niya akong ikinulong sa kanyang mahigpit na yakap. Maya-maya ay pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking ulo bago niya ibinulong ang mga salitang nagdala ng pag-asa sa aking puso.
"I love you so much, Helian. I love you in all the ways possible to love a woman . . ."

BINABASA MO ANG
TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceReemo likes classy girls. Helian dresses up like she's going to punch someone in the face. Reemo likes soft-spoken girls. Helian talks like she's always trying to put up a fight. Reemo likes sweet smiles and tantalizing eyes. Helian smirks and rolls...