Kabanata 10
Helian
Something changed that moment I cried in Reemo's arms because of my biological mom. Hindi ko matukoy kung ano ngunit tila nagkaroon ako ng pag-asa na baka pwedeng hindi lang kami hanggang pagkakaibigan.
"Reemo, baka naman hindi mo na pasakayin ng motorsiklo 'yang si Ian? Kanina ka pa check nang check sa helmet at motor niya," asik ni Crude Andrade, isa sa mga kaibigan namin ni Crude.
I smirked then looked at Reemo. "Bakit mainit yata ang ulo niyan ngayon?"
He sighed. "Dahil na naman yata kay Azul. You know he's got bad blood towards his brother-in-law."
"Akala ko ba okay na sila?" Nilingon ko si Crude na ngayon ay nakasandal na sa kanyang motocross at abalang magtipa sa cellphone. "Baka dahil kay Astrid?"
Nagkibit-balikat si Reemo. "Hayaan na natin. Kung ayaw magkwento, bahala siya." He checked my jacket this time. "Is this thick enough?"
Umismid ako. "Reemo, sabihin mo na lang kung ayaw mo akong pasalihin."
"Hindi naman sa gano'n. You know I hate watching you hurt."
His answer warmed my heart. Lalo tuloy umasa ang lintik kong puso na baka pareho kami ng nararamdaman at kagaya ko, hindi lamang niya kayang aminin iyon dahil takot din siyang masira ang pagkakaibigan namin.
Lumunok ako. "R-Reemo?"
"Hmm?" may lambing niyang tugon.
I inhaled a sharp breath, trying to borrow some courage from it. "D-Do you . . . think friends can . . . love each other romantically, too?"
Napansin kong napakurap siya sa aking tanong. Bigla tuloy akong kinabahan at gusto na sanang bawiin ang tanong ko nang dumating sina Evan. The girl next to Evan caught my attention when she smiled at Reemo in a flirty way.
"Hi, Reemo! Tuloy tayo sa Saturday, ha?"
I felt my heart shrunk. Tuloy sa Saturday? Bakit? Ano ang mayroon sa Saturday?
Tila nataranta si Reemo. Halos hindi rin alam kung ano ang isasagot sa babae. Panay ang tingin sa akin na tila nais magpaliwanag ngunit tinawag na lahat ng participants sa competition kaya kahit gusto ko pang hintayin ang sagot niya sa babae, kinailangan ko nang itulak ang motor ko patungo sa starting line.
"Good luck," Reemo said with a worried look on his face.
Tanging mahinang tango ang naging tugon ko saka ko itinulak ang dirt bike habang naninikip ang dibdib ko. Mas sumakit pa noong nakita ko mula sa side mirror kung papaanong lumingkis ang braso ng babae sa braso ni Reemo habang papalayo ako sa kanila.
I sighed, trying to ease the heaviness I'm feeling in my heart. Sino ba iyon? Bagong babaeng idini-date ba ni Reemo? Kaya ba noong nagtanong ako ay parang biglang hindi niya alam ang isasagot?
I pursed my lips tightly. Tang ina kasi. Bakit ang bilis-bilis kong umasa? Hindi pa ba ako nasanay na malambing si Reemo at sinasabi niyang mahal niya ako? Of course he loves me. Best friend niya ako! Ako lang naman 'tong mahilig magbigay ng kahulugan sa mga ginagawa at sinasabi niya. Kasalanan ko kung bakit ganito kasikip ngayon ang dibdib ko.
"You good?" tanong ni Crude sa akin habang inaayos niya ang strap ng kanyang helmet.
I sighed. "Yeah. Kabado lang."
Umismid siya. "Ikaw pa, Ian? Kakabahan? Huwag tayong maglokohan. Wala kang kinakatakutan."
Payak akong ngumiti. Mabuti na lang at nakasuot na ang helmet ko kaya hindi na niya nakita kung gaano kapakla ang kurba sa aking mga labi.
Hindi iyon totoo. Marami akong bagay na kinatatakutan gaya ng makilala ko ang totoo kong tatay at harap-harapan din niya akong hindi tanggapin gaya ng kung paano ako itanggi ni Mama sa asawa niyang Hapon.
Takot akong mawala sina Tyang at Tyong. Takot akong makitang may minamahal nang sobra si Reemo, at takot akong mag-isa.
Takot na takot akong harapin ang buhay nang mag-isa. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin kahit gaano kalakas ang tingin sa akin ng mga taong nakakikilala sa akin.
"45887, you're next!" sigaw ng facilitator. Doon ko lamang namalayang napalalim na pala masyado ang pag-iisip ko.
I let out a heavy sigh before I pushed my bike towards the right spot. Nang matapos ang sumunod na kalahok ay sumakay ako sa bike ko't tuluyang binuhay ang makina.
My bike roared to life. Umalingawngaw ang sigawan ng mga sumusuporta sa akin, at nang tuluyan kong pinaandar ang motor para gawin ang una kong trick, bigla akong na-distract nang matanaw ko sina Reemo.
The girl leaned towards Reemo, tip-toed, and then pecked a kiss on his cheek. Parang biglang tumigil ang tibok ng aking puso. Nawala sa kompetisyon ang aking isip kaya pagdating sa platform ay hindi ko naibwelo nang maayos ang motor.
Huli na bago ko napagtanto ang nangyayari. My eyes widened in fear as I approached the end of the platform. The adrenaline rushed through my body, activating my fight or flight mode. I had no choice but to jump from my dirt bike. Dahil kahit i-preno ay mahuhulog pa rin ako sa dulo ng platform kasama ang bike.
Bumagsak ako sa lupa't nagpagulong-gulong. My bike dropped from the top of the platform. Napasinghap ang mga tao. Nahilo ako sa impact ng pagbagsak ko't pagpapagulong-gulong kaya hindi kaagad nakabangon.
Everything around me seemed distorted and blurry. I could hear Reemo's voice calling my name. It was getting louder but I was in a state of shock to still pay attention. Maya-maya ay tuluyan akong narating ni Reemo ngunit kaagad siyang pinigilan ng medical team mula sa paglapit sa akin. They put me on a stretcher, and as they lifted the stretcher up, I saw how the girl held Reemo by his arm. She even stroked his chest as if trying to calm him down.
Umiwas ako ng tingin habang ang mainit na luha ay unti-unting dumaloy sa gilid ng aking mukha.
No, I wasn't crying because of what happened to me. I'm crying because I failed my poor heart again by thinking that Reemo would look at me differently.
Sinampal na naman ako ng katotohanang hinding-hindi magiging tugma ang nararamdaman namin. Narito na ang ebidensya. May bago na naman siya.
I swallowed the lump in my throat as I shut my eyes.
Tama na, Helian. Tama na ang kaaasang titibok din para sa'yo ang puso ni Reemo . . .
BINABASA MO ANG
TAMED SERIES 2: Reemo Esguerra (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceReemo likes classy girls. Helian dresses up like she's going to punch someone in the face. Reemo likes soft-spoken girls. Helian talks like she's always trying to put up a fight. Reemo likes sweet smiles and tantalizing eyes. Helian smirks and rolls...