“Ugh.” Mariin kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ang malakas na ulan mula sa labas ng bintana.
Isang babaing may dalang kingke ang mahinang lumapit sa akin at kaagad na napaupo banda sa upuan malapit sa kinahihigaan ko.
Nilagay niya ang kingke sa gilid ng mesa at hinaplos niya ang noo ko gamit ang basang tela. Ang lamig sa noo at gumagaan ang pakiramdam ko.
Lahat ng mga sugat ko sa katawan ay kanyang nilinisan at muling nilagyan ng gamot. Nilagyan niya ng bandage ang dibdib ko paikot sa likuran ko hanggang pababa sa tiyan ko upang matakpan lahat ng sugat at pasa na natamo ko mula rito. Kasunod na ginamot niya ang mga paa ko na halos na puno ng maliliit na gasgas. At itinali ang mahaba kong buhok.
“Maraming salamat.” Napatalon ang puwit niya sa kinauupuan niya sa labis na pagkabigla. Napatawa naman ako ng mahina ng mapahawak siya sa kanyang dibdib.
“Gising na po pala kayo, Madam.” Si Señorita Lilia pala, ang ina ni Melvin.
Pilit akong umupo upang magbigay respito sa kanya at pinayohan niya nalamang akong humiga at magpahinga.
“Kinakailangan mong bigyan ng pagpapahalaga ang sarili mo, Iha. Bilang isang reyna hindi ka nalang dapat basta nalang sumusugod sa palasyo ng mga mafia ng walang kinakasama. Alam mo naman ang asawa mong si Sebastian, hindi ba?” Napabuntong hininga ako.
“Paumanhin, sabik na kasi akong makita ang sanggol ko ng mga panahong iyon. Isa pa-”
“Hindi sa ganoon. Sa paggawa ng hakbang kinakailangan mo maging mapanuri at mayroong kang sapat na impormasyon sa paggawa ng natatanging plano. Sa pagbuo ng plano, kinakailangan alam mo ang magiging pros and cons nito.” Inayos niya lahat ng gamit niya at inilagay sa ilalim ng kama.
Muli siyang napatingin at ngumiti sa akin. “Hindi minamadali ang mga bagay-bagay. Higit na kapag alam mo na ang magiging kaharap mo ay hindi lamang isang ordinaryong tao. Dahil talagang bogbog sirado ang magiging kalabasan nito. O siya, dito ka na muna at lalabas pa ako at magsasampay ng mga basang damit hahaha.”
Lumabas na siya ng kwarto at isinara na ang pinto. Maya-maya paman ay pumasok ang isang dalaga dala-dala ang anak ko at sumunod pa sa kanya ang isang batang babaing may dalang pinggan na puno ng pagkain.
Dahil sa bango na galing sa pinggan ay kaagad na umipon ang laway sa loob ng mga labi ko, at nagbigay narin ng ingay ang tiyan ko. Lumapit ang batang babae at mahinahong nilapag ang pagkain sa mesa ko.
Kasabay ng paglagay niya ng sabaw na nakaloob sa plato, katabi ng pinggan.
“Kumain na po kayo hehe.” Ngiting saad niya at kaagad ko namang pinunit ang mga pisngi niya.
Ang cute na bata. Ang mga mata niya ay talagang ngumingiti sa galak habang ang mga pisngi niya ay namumula. Ang kanyang mga labi ay kulay rosas at ang mga buhok niya ay kulay itim kagaya ng kulay ng mata niya.
Napaupo na ako ng insakto sa harap ng mesang nasa gilid ko at nagsimula ng kumain gamit ang kutsara at tinidor. Dahil sa gutom at sarap ng pagkain ay lahat ito naubos ko.
Uminom na ako ng tubig at inayos na ang sarili kong humarap muli sa kanila.
“Uhmmm. What's your name again?” tanong ko sa kanya at kaagad naman niyang hinawi ang mga buhok niya at sumayaw-sayaw sa kinatatayu-an niya.
“My name... is... Jennifer Lorenza Hidalgo!... I am five years old a-and I live... In... In the Province of Estancia, Iloilo City!” Pagpapakilala niya sabay na itinaas ang dalawa niyang mga kamay. Malakas naman akong pumalakpak at muling pinunit siya sa ilong.
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
ActionCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...