Chapter 4

0 0 0
                                    

KUMURAP-KURAP si Alec upang siguruhin na hindi siya namamalikmata. Ang nagliliyab na bolang liwanag kanina sa loob ng hotel ay muli na naman niyang nakikita.

Kaya agad niyang napagtanto na hindi talaga siya nag i-ilusyon lamang. Nanindig pa ang kaniyang balahibo nang makarinig siya ng tinig.

Lunawan…

Kaiba sa usual niyang naririnig sa kaniyang isipan ay para bang nasa harapan lamang niya ang pinanggagalingan ng tinig na iyon. At nang mga sandaling iyon ay ang lumulutang na bolang apoy lamang ang naroroon.

Lunawan…”  Muli pang tawag sa kaniya ng bolang apoy, dahilan upang humakbang siyang patungo rito.
Pero hindi siya lubusang lumapit dito. Kahit papaano ay dumistansya pa rin si Alec upang madali siyang makatakbong papalayo kung sakali man na katulad ng nilalang na gustong pumatay sa kaniya ito.

“S-sino ka?” Nag-aalangang tanong ni Alec sa bolang apoy.

Bahagya pa siyang napasigaw nang bigla na lang gumalaw ang nilalang na para bang isang ordinaryong bola at lumapit sa kaniya. Dahil na rin sa pagkabigla ay nawalan siya ng balanse at napaupo sa lupa.

Alec didn’t know how to react that time. He was scared yet amazed at the same time.

“Huwag kang mangamba, Lunawan. Ako’y hindi kaaway bagkus ay iyong kaibigan…”

“A-ano ang ibig mong sabihin? Sino ka? Ano ka?”

Muling lumipad palayo ng ilang metro mula kay Alec ang bolang apoy bago ito muling nag salita.

“Ako si Alab. At isa akong santelmo… ipagpaumanhin mo ang aking nahuling pagpapakilala sa iyo, Lunawan,”  ani ng bolang apoy.

“Alab? Santelmo?” Naningkit ang mga mata ni Alec dahil sa narinig. Pakiwari niya ay narinig na niya noon ang salitang ‘Santelmo’ na inihayag sa kaniya nito.

Stories of Santelmo say that it is the spirit of a man who has died near a river, lake, ocean, or during heavy rains.  The lost soul appears as a ball of fire and some say it seeks revenge on those who may have done him wrong, while others claim the soul is seeking peace.

Alec also remembered that many cultures have stories attached to them of magical balls of floating flame, seemingly under intelligent control, or perhaps even supernatural, sentient forms of life.

They travel the skies by night, amazing and sometimes even terrifying for those that encounter them.  Very often they are seen in the vicinity of marshes, bogs and other watery bodies.

But he was not in swamp or any body of water, in fact, Alec is currently in a city. At ito ang labis niyang ipinagtataka.

“N-narinig ko na ang tungkol sa iyo noon, Santelmo. Isa kang ligaw na kaluluwa,” ani Alec.

“Paumanhin, Lunawan. Subalit pawang hindi katotohanan ang iyong kaalaman tungkol sa aming mga Santelmo.”

Nag salubong ang kilay ni Alec dahil sa narinig. Mga?

“Ang ibig mo bang sabihin ay marami pa kayo?” Nagtatakang tanong ni Alec kay Alab.

“Siyang tunay. Ngunit hindi ako nagtungo rito upang ilahad ang mga patungkol sa bagay na iyan,”  wika pa ng Santelmo.

“Kung gayon ay ano ang ginagawa mo rito?”

“Narito ako upang balaan ka sa nagbabadyang panganib, Lunawan…

Binundol naman ng kaba ang dibdib ni Alec. Pakiramdam niya ay may libo-libong elepante ang tumatakbo ngayon sa loob niyon. “A-ano ang ibig mong sabihin at bakit ba Lunawan ang itinatawag ninyong lahat sa akin?”

LUNAWAN: The Devil's VesselWhere stories live. Discover now