Chapter 5

1 0 0
                                    

NANIGAS sa kaniyang kinauupuan si Alec. Hindi niya mabatid kung ano ba ang nararapat niyang gawin ng mga sandaling iyon.

Nasisiguro niyang si Bathala ang dahilan kung bakit ganito ang ikinikilos ng mga tao. Nais niyang ipaliwanag dito na hindi niya nais na maging sisidlan ni Sitan subalit hindi niya magawang mag salita.

Pakiramdam niya ay nasasakal siya dahil sa lakas ng aura na nagmumula sa mga taong ginagawang instrumento ni Bathala upang ipaalam kay Sitan ang paalala nito.

At lalong hindi niya alam kung paano siya mag sisimulang mag salita under the presence of the deity who wishes to kill him. Pero may bigla siyang naalala. Naalala niya kung paanong manalangin ang ilan sa mga kakilala niya.

“M-mahabaging Bathala. Ako po ay inyong kaawaan at huwag sasaktan. Hindi ko po kagustuhan na ako ay maging isang sisidlan—”

“Katahimikan, Lunawan! Hindi ka na kabilang sa aking mga nasasakupan!”

Natahimik at lalong pinamutlaan ng mukha si Alec sa naging tugon sa kaniya ni Bathala. Nag mistulang kulog sa lakas ang tinig nito.

Mababakas din dito ang pagka-disgusto sa kaniya ng Diyos.

“Ilang salinlahi na rin ang nag daan mula noong itakwil ko ang inyong lahi dahil sa ginawa ninyong pagtataksil sa akin at pag-anib sa aking katunggali!” galit na dagdag pa ni Bathala.

Hindi naman nakaimik si Alec. Hindi niya maunawaan kung bakit ito nagawang sabihin sa kaniya ni Bathala. At kung ano ang pagtataksil na tinutukoy nito.

Kaya bago pa makagawa ng paraan si Bathala upang patayin siya ay mabilis siyang tumalon mula sa jeep at kumaripas nang takbo palayo.

Napahinto siya sa isang eskinita nang makaramdam nang pagkahapo. Wari niya ay sasabog na ang kaniyang dibdib dahil sa magkahalong takot at kakulangan ng hangin.

Bahagya pa siyang nagulat nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Alab.

“Humayo ka na at lumisan sa lugar na ito, Lunawan! Mahalagang maging ligtas ka sapagkat sa iyo nakasalalay ang pagbabalik ni Apo Sitan!”

Hindi na napigilan pa ng binata nang humulagpos na ang nadaramang galit.

“Kayo ang umalis! Kayo ni Apo Sitan ang dahilan kung bakit nanganganib ang aking buhay! Siya ang dahilan kung bakit ako nais paslangin ni Bathala!”

“Lubos kong nauunawaan ang iyong nadarama ngunit hindi ito ang oras upang iyo siyang talikuran. Tanging ang Apo Sitan lamang ang siyang makapipigil kay Bathala. Kung kaya’t humayo ka na at umuwi sa iyong tahanan, Lunawan!”

Alec felt the urgency from Alab’s voice. Kaya naman hindi na siya muling nag salita pa at sinunod na lamang ang payo ng Santelmo.

Madilim na ang daan ng mga sandaling iyon dahil inabot pa siya ng halos tatlumpung minuto bago narating ang labas ng kanilang tahanan.

Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin na hindi pa nakabukas ang ilaw ng kanilang tahanan. Unusual ito para sa lalaki sapagkat nasa tahanan naman ang kaniyang ina at lola.

Umihip ang malakas na hangin dahilan upang mag sayawan ang mga puno at saglit na mapayakap sa kaniyang sarili si Alec. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang may mapagtanto.

Dali-dali siyang tumakbo papasok sa kanilang tahanan. Kinapa niya ang switch ng ilaw. Nanlumo pa siya nang tumambad sa kaniya ang gulo-gulong kagamitan na para bang binaliktad ang kanilang buong bahay.

Mabilis siyang tumakbo sa hagdan upang pumanhik sa mga silid ng kaniyang ina at lola.

“Ma!” tawag niya sa ina kasabay nang kagyat na pag bukas sa pinto ng silid nito. Ngunit wala roon ang hinahanap niya. Kaya naman sunod niyang tinungo ang silid ng kaniyang lola.

LUNAWAN: The Devil's VesselWhere stories live. Discover now