Brutal Content Alert:
Read at your own risk!----
Nang maramdaman ang kaba at pag kibo ng puso ay mabilisang napatayo si Kylie at Lyle upang tumakas palayo.
“Saan kayo pupunta!?” tanong na pasigaw ni Señorita Lilia.
“Paki hawak po.” Hindi ako masyadong makagalaw kaya't napag desisyonan kong ibigay muna ang bata kay Señorita Lilia.
Ang sama at ang dilim ng panahon, dumadagdag pa ang mga punyetang ito. Hindi ko papalagpasin ang araw ang pagkakataong ito.
Dali-dali akong lumabas ng silid at mismo hinanap sila papasok papunta sa pinakaloob ng barko banda sa kusina. Maraming mga tao na nagluluto dito at gulat na tumititig sa akin, habang ang iba naman ay kurot noong pinapalabas ako ngunit hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paghahanap sa dalawa.
“May nakita ba kayong babae at lalaking pumasok dito?” tanong ko sa kanila at kaagad naman silang napailing.
“F*ck saan na sila?” Patuloy sa pag-ikot ang mga ulo ko hangga't napahinto ito sa labas mismo ng bintana ng barko kung saan makikita ang mga mukha nila doon. May ginagawa sila, para bang may kinukuha silang lambat. Ano sa tingin nila ang pinaplano nila?
Mabilis akong pumunta ng pintu-an pero hindi ko kaagad ito nabuksan dahil mayroong kung anong mabigat na bagay ang humaharang sa likuran nito.
Napaatras ako at mismo ginamit ang kaliwang braso ko upang mabuksan ang pintuan sa pamamagitan ng biglaang pagbangga dito.
Ngunit nasawi ako, napabanda lang ako pabalik. Kailangan kong mag hanap ng iba pang pintuan palabas.
Napatakbo ako pabalik at pumunta sa main door na kung saan dito ang pinapasokan ng mga pasahero. Dalawang lalaki ang humaharang dito at hindi nila ako papahintulutang lumabas dahil umuulan sa labas.
Muli akong napatingin sa labas na kung saan masisilayan parin ang dalawang nagmamadali. Isang maliit na bangka pala ang binabalak nilang pakawalan sa dagat.
Ng mapamasid si Kylie sa paligid ay napatuon ang tingin niya sa akin at ng sumalubong ang mga mata namin ay bigla siyang napasigaw kay Lyle. Telling her little brother to make things more faster.
Pasapilitan kong binuksan ang pinto kahit na hindi ako pinapahintulutan ng mga nakabatay dito. Dahil sa pamimilit ay pinabayaan na lamang ako nila na makalabas na makalabas sa pinto, pagkatapos ay kaagad kong inikot ang ulo ko at hinanap sina Lyle at Kylie. Wala na sila sa kinatatayuan nila kanina maaring lumayo-layo sila.
Dahan-dahan akong napalakad habang nakakuyom ang mga kamay at nakahanda ang mga paa. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may bigla tumakbo palapit mula sa likuran ko upang bagsakan ako ng malaking kahoy. Aktibo kong inilagan ang dalawang besis ng paghampas ni Lyle, hanggang sa madakip ng braso ko ang kahoy na ginagawa niyang sandata.
Biglang namutla ang mga mukha nito ng malamang hindi na maialis ang hawak niya sa mga kamay ko. I smirked at him and little I did not know na nasa likuran ko pala si Kylie.
Bigla niya akong pinasalubungan ng malakas na sipa sa gilid ng beywang at dahil dito kaagad akong napapunta kay Lyle at kaagad naman itong lumayo at umilag tsaka na pinabayaan akong muntik ng matumba sa sahig.
“It's over, Giana,” saad ni Kylie.
Napakurot ako ng noo at napangiwi ang mga mukha. “As long as I'm alive it's not yet over, Kylie!” Nilingon ko siya at kaagad na tumakbo padikit sa kanya sabay na sinalubong siya ng isang malakas na suntok sa mukha.
BINABASA MO ANG
The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge)
ActionCOMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illiterate prostitute wife of a mafia lord. Her bruises have become scars from her past, which includes an abusive family and a toxic relationship...