"Maliligo ka pa ba Aloha?" simple akong tumango kay Inay at sinampay na ang mga kurtina at kumot na nilaban namin dito sa ilog.
" Kung ganon mauna na ako sa'yo, huwag ka masyadong magpagabi kapag natuyo na ang mga kumot umuwi ka narin" muling bilin ni Inay na tinanguan ko lang muli.
"Ingat po kayo Inay" nakangiting sabi ko at itinaob na ang batsa sa malaking bato para patuyuin din ito.
Nangingiti akong lumubos sa malinaw na tubig ng ilog na'to habang nakatanaw sa mga niyugan ng mga Alcaraz.
Gusto ko rin magkaroon ng sarili kong niyugan,manggahan at farm tapos kaming buong pamilya ang mag-aasikaso nito, ang magpapalago nito at kapag linggo ay magpapakain kami sa lahat ng aming trabahador at makipagkatuwaan sa kanila.
Ang sarap lang pangarapin ng ganoong buhay pero alam ko sa sarili ko na mahirap din itong abutin.
Napalingon ako sa paligid ko ng mapansin ko na parang may nakamasid sa akin.
"Sino yan? may tao ba diyan?" tanong ko malapit sa malaking bato kung saan tinatalunan ng mga bata na naliligo din dito.
Nang walang sumagot, nagbuntong hininga ako muli at muling tinanaw ang niyugan at binalikan ang aking pangarap pero ganun nalang yung gulat ko ng may bumagsak sa likuran ko dahil sa sobrang lakas ng hampas ng tubig.
Hawak ang dibdib ay nilingon ko ang aking likuran at ganoon nalang yung gulat ko ng may nakita akong lumalangoy na lalaki na papalapit na sa akin.
Sa sobrang linaw ng tubig dito sa ilog ay ganun din kalinaw ko nakita ang katawan ng binata, napaatras ako ng konti ng umangat siya sa harapan ko.
"I didn't know there was such a beautiful woman bathing here in the river near our ranch" bungad niya na ikinakunot lang ng noo ko dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.
" Ahmm, I'm Hicarus Alcaraz and you are? " nanlaki bigla ang mata ko dahil sa apelyido niya na ipinakilala niya.
Alcaraz siya!!! ibig-sabihin isa siya sa may ari nitong niyugan na tinatanaw ko???
"Uhmm do you have a hearing or speech problem?" tanong niya ulit sabay tingin sa dibdib ko at tingin ulit sa mukha ko.
" Ugh hindi ko maintindin ang iyong sinasabi pasensya na" sabi ko sabay layo sa kanya ng kaunti, hindi ako kumportable.
Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat pero agad din itong nakabawi at ngumisi.
" Ako pala si Hicarus Alcaraz, ikaw ano ang iyong pangalan? " nakangiti niyang sabi.
" Ahh, ako naman si Aloha Sarmiento"simple kong sagot sa kanya.
" Masaya akong makilala ka Aloha" nakangiti niyang sabi sabay tingin ulit sa dibdib ko.
Napatingin ako sa dibdib ko at ganun nalang ako nataranta ng makita ang itim kong brasiyer na bumabakat ngayon sa aking puting bestida.
Natataranta ko itong tinakpan at mabilis na tumalikod sa kanya at nagsimula ng umahon sa tubig.
Nagmamartsa akong pumunta sa batuhan para kuhanin yung tuwalya at ipalupot ito sa aking katawan, sunod ko naman kinuha ay ang batsa na tinaob ko at sinimulan ng kuhanin ang mga sinampay kong kumot at kurtina sa mga bato.
" Pasensya na kung nagulat kita at hindi ka naging kumportable" wala sa sariling napatango tango nalang ako dahil sa kahihiyan.
"Araw-Araw kaba nandirito?" muli akong tumango sa kanya ng hindi siya nililingon.
Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.
"Ibig bang sabihin nandirito ka ulit bukas?" muli akong tumango at marahang inayos ang mga dadalhin ko pauwi sa aming bahay.