"Anak!"
Napatingin ako sa babaeng nagmamadaling lumapit sa amin.
"Mama!" Tumayo siya sa pagkakaupo at tumakbo papunta don sa babae at niyakap.
"Anak, salamat at ayos ka"
"Tinulungan po ako nila ate at kuya" sabi nong bata kaya napatingin yung babae sa amin.
"Maraming salamat sainyo"
"Wala po 'yon" sagot ko
Nagpaalam lang yung bata sa amin at kay Shiro bago sila tuluyan ng umalis. Nawala na din bigla si Shiro, napagod siguro sa pakikipaglaro don sa bata. Saka hindi pa rin talaga siya sanay sa mga tao.
"Magsisimula na ang festival"
Napatingin ako kay Kein
"Talaga?"
"Hm... Let's watch the parade"
Tumango lang ako at sumunod na sakanya, pumunta kami sa plaza para doon manood ng parade.
"Hold my hand" sabi niya at inabot ang kamay niya sa 'kin. Saglit ko pa tinitigan 'yon bago ko 'yon inabot. Alam ko naman na ayaw niya lang na mawala ako tulad kanina kaya walang malesya...
Maya-maya lang dumaan na sa gawi namin ang mga nag-parade, wala naman 'yon masyado pinagkaiba sa parade sa mundo ko. May drummers, may majorette at mga kung ano-ano pang pakulo nila tapos nagpasabog pa sila ng confetti.
"You have..."
Natigil ako nang bigla siyang humarap sa 'kin at may kung anong kinuha sa buhok ko.
"Thank you--" hindi ko naituloy sasabihin ko nang may biglang bumunggo sa 'kin kaya halos masubsob ang mukha ko kay Kein, naramdaman ko din ang isang kamay niya na nasa bewang ko at ang isa ay nasa balikat ko.
"Sorry" sabi nong nakabunggo sa 'kin at nilagpasan na kami
"You okay?" Tanong ni Kein
"Hm..." Sabi ko at hindi makatingin ng maayos sakanya.
"Ang dami ng tao dito, let's go there" sabi niya at hinawakan ulit ako sa kamay at hinila.
The f*ck is wrong with me?
So we went somewhere not crowded, tahimik lang siya at ganun din ako habang pinipigilan 'tong nararamdaman ko.
"Eiri"
Wala sa sariling nag-angat ako ng tingin sakanya. Napatitig ako sakanya habang nagsasalita siya, hindi ko alam kung ano sinasabi niya, nanatili lang akong nakatitig sakanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sakaniya at hindi ko din alam kung bakit ganito nararamdaman ko kapag subrang lapit niya o kaya kapag hinahawakan niya ako.
"Eiri, you okay?"
Saglit akong nabalik sa huwisyo ko nang tawagin niya ako pero natulala ulit nang hawakan niya ang noo ko. Subrang lapit ng mukha niya...
"Hindi ka naman mainit, are you okay?"
Hinawakan ko ang kamay niya at inalis 'yon sa noo ko, umiwas ako ng tingin sakanya at umatras para lumayo sakanya.
"I'm fine" sabi ko at tumingin sa paligid
Nasa parang palengke kami, sa mga gilid may mga nagtitinda ng mga gulay, prutas at kung ano-ano pa tulad lang din ng dati pero mas madami ang nagtitinda ngayon at doble ang saya ng mga tao ngayon.
BINABASA MO ANG
A Famous Killer Who Got Reincarnated As A Commoner (Isekai Series 5)
FantasiYana Flores known as Lady Killer. She killed to protect and to defend her self. One day a unexpected day happened, a Goddess showed up and told her, God will give her another chance to live and she's going to reincarnate in another world to have a n...