THESIS LOVE 10

42 2 0
                                    

WALA AKONG MAALALA

**

"You can start your thesis anytime soon. Deadline of submission is until midterm. Your defense will be held last week of March so be prepared."

Hindi ko alam kung nakailang lunok na ako ng laway sa mga surprise announcements ni Ms. Guevarra. Monday pa lang, kaka-umpisa pa lang ng linggo, pero pakiramdam ko ay ang dami-dami ko na agad kailangang gawin.

Id-defend pa namin yung thesis. Yung makasama nga si Xylem at i-topic ang marriage for the whole sem ay nakakawala na ng bait, may defense pa. Magpakamatay na lang kaya ako ngayon?

"Okay, class dismissed."

Suicide is not a good idea. 20 pa lang ako, sayang naman ang mga dadating pang opportunities.

Kinuha ko ang gamit ko at naglakad na palabas ng room. Kailangan ko ng mag-lunch para makagawa ng assignment dun sa susunod kong subject. Excited na excited na kong pumasok sa Bliss mamaya. Sir Clark, magkikita na tayo ulit!

"Naveen wait up."

Ito nanaman 'tong siberian na 'to. Parang aso kung makasunod. Akala niya ata okay na kami pagtapos ng ginawa niya last Friday. Nasira ang ambiance ng girl talk namin ni Gertrude. Hanggang mag-hiwalay kami ay panay ang hingi niya ng sorry dahil sa eksenang ginawa nung gago. Hindi tuloy kami nakapag-usap ng maiigi.

"Ano nanaman?"

Tinapunan ko siya ng isang matalim na titig habang pinapasok lahat ng gamit ko sa loob ng bag.

He just smile at me bago iaabot ang phone niya sa'kin.

"Anong gagawin ko 'dyan?"

"Ahhhhm. Ibabato?"

He answered sarcastically

"Akin na!"

Akmang kukunin ko na para ibato nang bigla niyang nilayo sa'kin. Ibabato ko talaga 'yon! Akala niya ata nagbibiro ako eh. Pag sinabi ko, sinabi ko. Hindi gaya niyang puro pangako.

"Save your number."

Tinignan ko lang siya, hindi makapaniwala. Number? Ano 'to back to basics lang? Feeling high school?

"Bakit?"

Come on asshole, give me one good reason why sould I give you my damn contact?

He smirk sabay tapon ng tingin sa malayo. What? Nahihirapan siya sa treatment ko? Then stay. Away. Wala namang may gustong lumalapit siya sa'kin eh.

"Bukod sa I'll text you every sunrise, call you every night, I'll be needing your number for thesis matters. You want this to work right? Dito nakasalalay ang graduation mo."

Tang-nang 'to pinanakot pa yung graduation ko, kala mo siya hindi graduating. Call and Text huh? Mind asking me first kung magr-respond ako sa mga 'yon? Were not here to work for a lost friendship, were here to do the study and win this subject.

But then again, may point siya. Kailangan naming mag-keep in touch para sa ikabubuti at ikagaganda ng thesis namin. Ngayon pa ba ako aarte? Hindi! If I'll play the role of the victim at magpapadala na lang akobsa lahat ng paandar niya, ako talaga ang lalabas na kawawa sa bandang huli. All I need to do now is to act normal with him and be professional.

Mabilis kong kinuha ang phone niya at tinype ang number ko.

Nilagyan ko ng naka-capslock na NAVEEN bago i-save. Agad kong naaninag ang mga ngisi niya pagkabalik ko ng phone.

I arc my eyebrow to him na lalong nagpalakas ng tawa niya.

"Wala wala."

Umiling siya habang natatawa pa rin. Guess what, wala akong panahon pakinggan ang tawa niya habang buhay. Tumalikod na ko para umalis. Laking gulat ko nang makita ang tumpok ng mga babae na nanunuod sa aming dalawa ni Xylem. All this time they're eavesdropping? I can't believe them! Patay na patay lang talaga? Sa kanila na! Hindi ko naman kukunin. Wala na kong balak ulit.

Humakbang ako para makalapit sa pinto nang magsalita si Xylem sa likuran ko.

"I remember Gertrude's debut. The first time your number invades my phonebook. Naalala mo?"

I was froze. Stucked. Dumbfounded. Hindi ko malaman ang expression na dapat kong ipakita dahil sa dami ng taong nakatingin sa akin ngayon.

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. I grip on my fist at hinigpitan ang yakap sa mga libro sa dibdib ko. Pigil na pigil ang buong sistema ko na umalma. No Naveen. Not now, not here. Hindi ko hahayaang dito, sa harap ng madaming tao ako susuko kay Xylem. Hindi ako tanga para ipahiya ang sarili ko sa kanila.

"Wala akong maalala."

Matigas kong sagot.

Pinilit kong ihakbang palayo ang mga paa ko. Kusang humawi ang mga tao sa tapat ng room para bigyan ako ng daan. I even heard some of them asking kung ano bang meron sa amin ng lalaking ini-idolo nila.

Hindi ko na pinansin ang bulong-bulungan. Ang alam ko lang ay ang kagustuhan kong makalayo sa kanilang lahat, makalayo sa lalaking sumira ng buong pagkatao ko.

Hindi ko napigilan ang mga traydor kong luha na sunod-sunod ang pagpatak sa bawat hakbang na ginagawa ko. Tinungo ko ang pinakamalapit na cr at agad nagkulong sa isa sa mga cubicle. Bumuhos ang kanina ko pa pinipigil na mga luha.

Ang galing. Ang galing galing. Lahat ng sinabi ko ay kinain ko na din ngayon. Ang sabi ko hindi na ko iiyak, hindi ko na siya iiyakan. Pero nasaan ka ngayon Naveen? Mag-isa ka nanamang, tinitiis lahat ng sakit na ipinaalala niya

Tangina ka Xylem! Tangina ka! Bakit kailangan mo pang magpa-alala ng mga bagay na ang matagal ko ng ibinaon sa limot?

Bakit ngayon pa kung kailan malapit na. Kung kailan malapit na kitang makalimutan?

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon