LIZA'S POV:Andito ako ngayon sa loob ng classroom. Saktong breaktime namin at busog pa naman ako. Binasa ko ulit ang binigay ni ate Cecille na book sa akin about sa dating and relationships.
Ngayon ay halos mag aanim na buwan na ang relasyon namin ni Reggie. Masasabi kong lumalim na ang nararamdaman ko sa kanya. Napatawad na ko rin sya sa mga nangyari noon. Nagsikap syang mabuti at pinatunayan na worth it syang bigyan ng chance.
Halos buong pamilya ko ay boto sa kanya maliban kay Martin, sa bunso namin. Pakiramdam nya kasi ay inagaw ako ni Reggie sa kanya.
Madalas na syang tahimik at nakakulong sa kwarto nya lalo na at halos araw araw ng nasa bahay namin si Reggie.
Ako naman ay nakafocus ngayon sa pag aaral at sa amin ni Reggie. Gusto ko kasing maging maayos ang lahat. Ayoko kasing magpalit palit pa ng boyfriend tulad ng iba. Tutal, gusto naman sya ng pamilya ko. Sisikapin ko na lang mag work ito hanggang sa huli.
" Wow, para ibang book na yang binabasa mo ah, pamilyar na boses ang narinig ko sa bandang likuran ko.
" Hay, naku Helen, nang aasar ka na naman, tugon ko sabay lingon sa kanyang direksyon.
" Baka ayan yung maisagot mo sa exam mamaya ah. Sige ka! muli pa nyang hirt sa akin.
" Of course not! sabi ko sabay irap sa kanya. " Gusto ko lang maging okey ang lahat sa amin, paliwanag ko sa kanya.
" Hindi yan nakadepende sa isang tao lang. Dalawa kayo sa relasyon kaya dapat dalawa kayong nag e effort no! Mula nung maging maayos na kayo napansin ko na ini enjoy na lang ng unggoy na yun ang lahat ng efforts mo, reklamo nyang saad.
" Grabe ka naman sa kanya! Saka di ba babae naman talaga yung dapat maalaga? pangangatwiran ko pa sa kanya.
" Hindi no! Ewan ko ba sa laman ng book na yan. Basta ang lalake di dapat ini spoiled . At saka give and take ang relationship ano? Ano sila hari? mariing pahayag ni Helen.
" Teka! bakit ba kasi gigil na gigil ka kay Reggie ? May nagawa ba sya sayo? Dont tell me ex mo sya way back at di nyo lang masabi? pagtataka kong tanong sa kanya.
" Yuck! No way! napasigaw pa nyang tugon sa akin.
Maya maya pa ay natanaw na naming parating si Reggie..
" Speaking of unggoy , pabulong nyang sabi sa akin.
" Hi love, bati ni Reggie habang papalapit sa direksyon namin.
" Am... Hello love , nakangiti ko namang tugon sa kanya.
" Makaalis na nga , baka makaistorbo pa ko eh, saad ni Helen sabay labas ng classroom.
" Ano bang problema non? Bakit ba pakiramdam ko may galit sa kin yun. Mula nung maging tayo mas tumindi pa lalo ang gigil nya sa akin eh, saad nya sabay upo sa tabi ko.
" Ewan ko nga ba? Wag mo na lang pansinin. Ganon lang talaga yun moody pero mabait yun, pagpapakalma ko na lang sa kanya.
" Ewan ko ba! Pinipilit kong maging okey kaming dalawa pero talagang ang cold nya sa akin. Minsan tuloy iniisip ko na baka may gusto sayo yun kaya ganon na lang ang galit nya sa akin, naiinis nya pang sabi.
Natawa naman ako sa sinabi nya. Napakaimposibleng mangyari non. Mas maigi pa syang mag ayos sa akin pati sa pananamit.
" Ano ka ba? eh para nga syang model kung mag ayos eh. Kaya nga ayaw syang makasama ni Claire kasi matatalbugan daw sya. Tapos sasabihin mo may gusto sa akin si Helen? Hindi yun haha! natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
Hayran KurguThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...