"Bwisit! Nasaan na ba kasi 'yun?" rinig kong sabi ni mama.
Napamulat ako at nakita si Mama na basta-basta na lamang binabagsak ang mga libro ni Aeious dahil sa paghahalungkat niya sa cabinet ko.
Inis akong bumangon mula sa kama. "Mama!"
Bakit ba pumapasok s'ya ng kwarto ko nang walang paalam?
"MA!" sigaw ko nang marinig ang pagkahulog ng iba ko pang mga libro. Pinulot ko ang mga iyon. "Alam n'yo namang ayokong nadudumihan yung mga libro ko 'di ba?!" Sobrang special ng mga librong 'to! Masterpiece kaya 'to ni Aeious, hello?
Hinipan ko ang mga 'yon at siniguradong walang dumi o sira. Napakamahal nito kaya walang dumi dapat ang mapunta sa mga librong 'to.
"Pwede ba, h'wag mo kong paandaran ng kaartehan mo," abalang sabi ni mama habang may binubungkal sa kailaliman ng cabinet.
Bumuntong hininga na lang ako at inayos ang mga libro sa dati nitong pwesto. "Ano na naman ba 'yon, Ma?" inis kong tanong.
"Uuwi muna ako sa Kuwait, magpapakasal na kami ng Papa mo," aniya nang makuha ang passport mula sa kasuluk-sulukan ng cabinet.
"Psh," bumusangot ako habang inaayos ang aking kama. "Magpapakasal? Tapos kapag nagaway kayo babalik ka samin?"
Pang-anim na beses na n'yang babalik sa Kuwait, pero anong nangyari? Nakakasawa na.
From my peripheral vision, I noticed that she is looking at me. "Anak, mag-asawa kami, natural na 'yon sa mag-asawa. At saka, may chance na makapagtrabaho ako doon habang magkasama kami--"
Lumingon ako kay Mama. "Natural? Natural pala sa mag-asawa ang mag plano na parang wala silang anak."
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Kahit kailan kasi ay hindi kami sinali sa future plans ni mama at ng ama naming Arabo. B*tch, ano to? Inanak lang kami tapos pinabayaan ng magaling kong ama lahat ng responsibilidad niya. Hindi ko tuloy mapigilan sagutin si Mama.
"Ma, paano naman kami?" I said with a disappointed look.
"Solace." Naramdaman kong sinundan n'ya ko rito sa salas. "Solace, alam mong matagal ko nang pinapangarap na maikasal kami ng Papa mo, 'di ba?"
Pwede bang magmura? Gusto kong sumabog at magwala. "Ma, napakarupok mo. Alam naman nating sa bandang huli kami pa rin ng kapatid ko ang sasalo sa'yo."
"Hindi mo 'ko naiintindihan," sagot n'ya. "Hindi mo maintindihan dahil hindi mo pa nararanasan, anak..."
I raised my brow. "Kung magmamahal man ako, hindi ko papabayaan ang magiging anak ko."
My mom sighed, trying to compose herself. "Solace, kahit kailan hindi namin kayo isinantabi-"
Hindi ko na nakayanan ang pagkainis sa sarili kong ina. Kinuyom ko ang kamao ko at tinignan siya ng diretso.
"UMALIS KA NA LANG! HUWAG N'YO NA LANG I-TRY IPAINTINDI SA'KIN KASI HINDI KO NAMAN MAIINTINDIHAN!" Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa sobrang pagkairita.
Alam kong sa isip ni Papa, hindi n'ya kami kayang panindigan. Mas duwag pa kay Courage, the cowardly dog. Bwisit.
Narinig kong humikbi si Mama. May parte sa puso ko ang nasasaktan tuwing nakikita s'yang umiiyak. Pero nakakadala na. Nakakasawa na.
Pabalik na sana ako ng kwarto nang makita kami ni Simon, ang bunso kong kapatid. Kalalabas niya lang ng kwarto.
"Mama, saan ka po pupunta?" mapungay pa ang mata n'ya, halatang kagigising lang.
Here he goes again. Hindi pa ba s'ya nadadala? Paulit-ulit na kaming iniiwan para sa lalaking 'yon. Kung ganon lang pala, sana 'di na lang kami inanak ni mama.
BINABASA MO ANG
Plagiarism Is Not A Crime
Roman d'amourSolace stole a manuscript to impress her long-time crush, Aeious - a famous writer and respected editor from Prime Publications.