PINAC 2

4 0 0
                                    

10 years ago...


"A-anak, gising na, mag-almusal na tayo," paggising sakin ni mama.

Bumangon ako mula sa maruming semento. Sa bangketa kasi kami nananatili ngayon.

Iniwan kasi kami ni papa... kung kailang malapit na manganak si mama.

"Pumunta ka muna sa palengke, umutang ka muna kay Evelyn ng tinapay," sabi pa ni mama habang inaantok. Hinang hina na s'ya dahil mas pinili n'yang ipakain na lang sa'kin ang ninakaw kong manok kagabi.

"Opo, ma." Tumayo ako at agad na tumakbo papunta sa malapit na palengke.

Pagdating ko sa pwesto n'ya, agad akong nagsalita. "Tita Evelyn? Pwede po ba makakuha si mama ng—"

"Wala na! Wala na kong mapapautang sa inyo! Puro kayo utang, 'di naman kayo nagbabayad!" Kinuha n'ya yung pamaypay at ginamit iyon sa sarili.

Agang aga ang sungit ni Tita Evelyn. Ang dami dami namang tinda, ayaw ipautang.

"Pero gutom na po kasi si mama, kailangan n'ya po ng pagkain... baka po mamatay yung kapatid ko..." mahinang sagot ko.

"Aber, wala akong pakielam, namumuhunan ako rito. Kung nagugutom kayo, bat 'di n'yo habulin 'yang Arabiano n'yong ama? Ang yaman yaman ng asawa, puro utang."

Napatungo na lang ako sa kahihiyan.

Kasalanan mo 'to, Papa. Kung 'di dahil sa'yo... 'di naming 'to mararanasan.

Bago pa ako masabihan na maarte ni Tita Evelyn ay tumakbo na ako. Kung ayaw n'ya kaming pautangin, eh 'di h'wag! Marami pa naman akong paraan!

Tumakbo ako papunta sa isang pwesto ng bilihan ng tinapay. Maraming tao ang abala sa pamimili. Iginala ko ang mga mata kung may nakatingin sa'kin. At nang sa makakuha ako ng tyempo, kinuha ko ang dalawang balot ng tinapay, itinago sa loob ng damit, at tumakbo ng mabilis.

"HOY! 'YUNG BATA NAKITA KO, NAGNAKAW!"

"AY PUTANG INA!"

"HABULIN N'YO!"

Nakita kong hinahabol na ako ng mga tambay pati na rin yung may ari ng tindahan. Mabilis akong tumakbo, at dahil don, nahulog yung isang balot ng tinapay. Pero 'di bale na, kay mama na lang 'to.

Napatigil ako sa pagtakbo ng harangin ako ng mga pulis at tanod.

Patay. Na-corner ako.

Nakita kong inilabas ng isang pulis iyong posas at nilapitan ako.

"H-huwag po!"

Bago pa sila makalapit sa'kin, tumakbo ako pa-kaliwa.

"BARILIN N'YO!"

Matuling akong tumatakbo at nagdadasal na sana ingatan ako ni Lord.

Pero hindi...

Dahil wala pang isang segundo, nakaramdam ako ng tumutulong dugo sa likod ko.

"PUTANGINA!"

Napabangon ako sa higaan at kinapa ang aking likod. Phew. Bakit parang totoo yung pagkakabaril sa'kin? Damang-dama ko talaga...

Napahilamos ako sa mukha. Bakit ba napanaginipan ko na naman yung nangyari sa'kin noon?

Wait...

Oh, Lord...

Dahil ba sa nagnakaw ulit ako?

Eh, hindi!

Hindi ko ninakaw yung manuscript. Wala. Wala akong ninakaw. Bitch, panaginip lang 'yung nangyari kahapon. Promise, Sol, it is just a dream. Pwede kayang magkaroon ng dalawang panaginip sa isang gabi! Minsan nga lima pa, eh.

Plagiarism Is Not A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon