"Hi, ikaw si Ms. Solace Abboud?" salubong sakin ng isang petite na babae pagkalabas ko ng 12th floor. Naka blouse s'ya na may napakalaking pink ribbon sa collar, may bangs rin s'ya at naka-braid. Di ko akalaing ganito ang sasalubong sakin after ng orientation kanina sa ground floor.
Ngumiti ako ng pilit. "Oo, just call me Sol." Nakakabwisit yung pronunciation n'ya sa pangalan ko.
"Oh..." Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa. Masyado ba kong naghanda? Bitch, hindi n'ya alam hiram lang yung blazer ko. "Halika, dito tayo. Ako ang na-assign ngayon na magsilbing tour guide mo during your first day, late ka kasi," aniya habang naglalakad kami.
Sarkastiko akong ngumiti. "Pasensya na, traffic pala talaga pag Monday?" pagpapa-alam ko. Hindi ko naman sasabihing late ako nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos.
"Oo nga naman," she stopped. "Ako si Lily, bago lang rin ako dito, ako ang editorial assistant ng Prime Publications."
Tumango lang ako at sumunod sa kan'ya. Sinamahan n'ya ako sa iba't ibang department tulad ng Production Department, pinakita n'ya sakin kung paano nagiging libro ang isang manuscript lang. Sumunod ang department ng book designers. Binati ko sila pero masyado silang busy sa pag b-brain storm sa harap ng computer kaya ngumiti lang sakin ang isa sa kanila.
Pagkaraan ng ilang segundo, nakaramdam ako ng sakit sa paa. Hindi ko naman akalain na puro gala ang gagawin ko sa first day. Nakakabwisit. Pero at least, may trabaho na 'ko. Hindi ko na kailangan maglakad sa bawat kumpanyang madaraanan ko.
"Solace, I mean – Sol, s'ya si Miss Stella, head ng copy editing team. Ma'am, si Solace po, marketing assistant natin." Napaangat ako ng tingin sa mid-30's na babae. Matangkad s'ya at may suot na purple feather-ish scarf. Nakasuot rin s'ya ng barette. Copy editor ba talaga 'tong nasa harapan ko? Bitch, mukhang model yata 'to eh!
Pinagmasdan ako ni Ma'am Stella mula ulo hanggang paa, katulad ng ginawa ni Lily. Again? Ganito ba ang ritwal nila rito? "Hindi bagay ang blazer na 'yan sa'yo, pwede bang pakihubad?"
"Ano po?" Teka, anong sinabi n'ya? Ino-offend ba n'ya ako?
"Hubadin mo raw," bulong ni Lily sa'kin. "Sundin mo, senior natin 'yan," dagdag pa ni Lily nang 'di ko magawang hubarin ang blazer.
"Oh sige, sabi n'yo eh," bulong ko sa sarili. Sinunod ko ang utos ni Ma'am Stella, dahilan para yellow polo na lang at skirt ang suot ko.
"Better," puri ni Ma'am Stella. "You look fresher, minsan pwede ka namang magsuot ng kahit ano bukod sa polo at skirt, it's boring, you know," dagdag n'ya pa at natawa silang dalawa ni Lily.
Hindi na lang ako umalma pa sa opinyon nya. Mas may alam naman sya sakin tungkol sa fashion kaya hinayaan ko na lang.
Pagkatapos ay pumunta kami sa Editing Team, sila pala ang naabutan kong sobrang busy kahapon paglabas ko ng 12th floor. Wala silang sariling kwarto, sila ang mismong nasa gitna ng floor. Napansin kong si Aeious lang ang may sariling office sa kanila. Akala ko sa school lang may favoritism, sa trabaho rin pala.
"Hi, sir Desmond, si Solace Abboud po, new member ng marketing department," pagpapakilala sa'kin ni Lily. "S'ya ang Editor in Chief ng Publications."
Napatingin sa'kin si Sir Desmond na ngayon ay busy sa mga papel na nakakalat sa desk n'ya. Mukha s'yang in his early 40's. After checking me, bumalik s'ya sa trabaho. Tumayo pa s'ya at umalis sa place n'ya.
"Pagpasensyahan mo na s'ya, Solace."
"Di ba sabi ko 'just call me Sol'? inis kong tugon sa kan'ya. Grabe naman ang attitude ng matandang 'yon. Siguro matandang binata pa kaya kung makaasta parang matandang hukluban.
BINABASA MO ANG
Plagiarism Is Not A Crime
RomanceSolace stole a manuscript to impress her long-time crush, Aeious - a famous writer and respected editor from Prime Publications.