Awe and respect
Are two
Different things.
Which one do you
Give off?
"Ser, hindi nga ako lasing! Kulit-kulit n'yo naman, eh! Papasok akoooo--" Nakakabwisit na 'tong si Manong Guard. Pag sinabi kong 'di ako lasing, 'di ako lasing!
"Hindi talaga pwede ang lasing dito, miss. 8:30 PM na, hindi na po kayo puwedeng pumasok."
"Sir, 'di ako lasing promise, 'di talaga, tignan mo, nakakapaglakad ako ng maayos, tignan mo ha."
Naglakad ako papasok ng Prime Publications habang pinipigilan 'kong huwag gumewang-gewang. Ang tapang kasi masyado nung alak, eh! Bobo yung alak, nilasing ako, punyeta.
"Oo na miss, hindi ka na lasing, pwede bang lumabas ka na?"
"Ba't pa ko lalabas? Eh narito na ko sa loob? Che!" Binilisan ko ang paglalakad papuntang elevator.
"Susmaryosep! Lagot na naman ako kay sir nito!"
Bago pa ko tuluyang mapigilan ni Manong Guard na makasakay, napindot ko na kung saan ako floor pupunta. Nakahinga ako ng maayos. Desidido na talaga ako, sasabihin ko na kay Aeious. Total, lagi ko naman s'yang makikita dito, hindi naman nila siguro ako tatanggalin sa trabaho. Sumandal ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Sol?"
Napaalis ako sa pagkakasandal nang makita ako ni Lily pagbukas ng elevator.
"Yo," natawa ako. "Si Aeious nandyan pa?"
Tumango s'ya. "Oo, nasa office... Teka, lasing ka ba? Namumula mukha mo, eh."
Sa halip na sumagot, nilagpasan ko lang s'ya at nagtungo sa office ni Aeious.
"Solace?" tawag n'ya sakin. Nakatayo s'ya sa harapan ng shelves kaya lumapit ako roon.
I gave a pout. "H'wag mo kong tatawaging Solace, call me Sol, okay?" ani ko at napahagikhik.
Pumaeywang s'ya. "Bakit ka bumalik dito? Anong problema? At bakit parang lasing ka?"
Humikab ako at inaantok na tumingin sa kan'ya. "So much question, ha."
"Nababaliw ka na."
Humagikhik ako at mabilis na niyakap s'ya. I tapped his back a couple of times. "Sorry."
"Hey, stop—" Inalis n'ya ang pagkakayakap sa'kin. "What are you sorry for? Is this because of Tita Victoria said?" Kumunot ang noo n'ya. "Are you okay?" Hinawakan n'ya ko sa balikat.
"H'wag mo nga akong hawakan, lalo lang akong nai-inlove sa'yo." Inalis ko ang kamay n'ya.
"Are you drunk because of Tita Victoria said? Alam mo bang bawal pumasok ang mga lasing dito? I can suspend you—"
Tumango ako. "I am drunk because of her, pero higit pa roon..." I intently looked at him. "Patawarin mo 'ko."
"For what?"
"For..." I gulped. I suddenly felt something heavy coming out from my stomach.
"Hey, for what?!"
"F-for—" Hindi ko na nakayanan at sumuka ako sa harap n'ya. Dahilan para masukahan pati ang damit n'ya. "Oh, God, I hate vomiting!" Sumuka pa ulit ako hanggang sa maubo ako.
"What the hell?! YOU ARE FIRED!" Umalis s'ya sa opisina at narinig ko ang pagmumura n'ya sa labas. Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina.
"Solace? Solace, anak!" Nakita ko si Sir Henry na palapit sa'kin at inalalayan akong makatayo. Pinahiga n'ya ako sa sofa at tumawag ng janitor. "Magpahinga ka muna saglit hija at ipahahatid kita kay Jenny, bukas na lang kita kakausapin."
BINABASA MO ANG
Plagiarism Is Not A Crime
RomanceSolace stole a manuscript to impress her long-time crush, Aeious - a famous writer and respected editor from Prime Publications.