PINAC 5

2 0 0
                                    


Kumatok ako ng ilang beses sa pinto. "Tao po!"

Marahang binukas ng isang matandang babae ang pinto. Halata na ang katandaan sa kanyang buong katawan at nahihirapan ng lumakad.

"Sa Prime Publications po ako, pinadala po ako ni Sir Henry para kausapin kayo tungkol sa libro. Kayo po ba si Mrs. Flores?"

"Oo, ako nga. Ay s'ya, sige, pumasok ka, upo ka at maghahanda ako ng kape." Pinapasok n'ya ako sa kan'yang bahay, at sa tingin ko hindi lang s'ya ang naririto. Inalalayan ko s'yang makaupo sa sofa at umupo naman ako sa tabi n'ya.

"Apo, magtimpla ka nga ng kape," utos n'ya sa batang kalalabas lang ng kwarto.

I swear, hindi ko nakikini-kinita na papaya s'ya a proposal ko.

"Anong pag-uusapan natin, hija?" baling n'ya sa'kin.

Napa-cross fingers na lang ako sa kaba. Bitch, galingan mo. Dito nakasalalay ang kung ano mang relasyon n'yo ni Aeious.

"Didiretsuhin ko na po kayo, gusto po naming i-release at ibenta ang iba pang copies ng librong isinulat n'yo."

Nakita kong nagbago ang reaksyon ng mukha n'ya. Kinabahan tuloy ako sa mga matatalim na tingin n'ya. "Ibinigay ko sa inyo ang latha kong 'yon para mabasa ng aking anak. Para sa anak ko lang ang librong iyon, wala kayong karapatang pagkaperahan ang librong isinulat ko."

Ibinigay sa'kin ng apo n'ya ang kape, agad ko naman 'yong ininom dahil sa kaba.

Nakikita ko sa mga mata n'ya ang inis. "Gusto kong may maitago ang anak ko kapag nawala ako, para sa anak ko lang ang ginawa ko, kung hindi n'yo kayang respetuhin ang desisyon ko, lumayas ka sa pamamahay ko."

I swear, lalo akong ninerbyos sa mga sinasabi n'ya. Hindi ko nakikini-kinitang papaya s'ya.

"You have to convince her, Solace, dito nakasalalay ang growth ng kumpanya."

"Layas!"

Muntik na akong mapasigaw sa gulat.

"O-opo, lalayas na..." Wala na akong choice! Sasabihin ko na lang kay Sir na pinalayas n'ya 'ko, basta 'yun na 'yon.

Tumayo ako at akmang lalabas na nang marinig kong bumulong s'ya.

"Mga makakasarili, walang modo."

Napalingon ako sa kan'ya na inaayos ang sofa. Hindi ko hahayaang ganoon na lamang n'ya kami tignan. Alam kong mukhang pera ang mga workmates ko, pero ayokong maisip nilang makasarili kami. We have to earn money because that is our job.

Sumagot ako. "Sa totoo lang, kayo po ang makasarili."

Lumingon s'ya sa'kin at matalim akong tinitigan. "'Di ba sabi ko lumayas ka na? Hindi ko kailangan ng pera n'yo, palibhasa kasi wala kang anak!"

Kailangan ko lang maging pasensyoso. Kaya mo 'to.

"Nabasa ko po ang manuscript n'yo... and I must say it is great. Ginawa n'yo ang librong 'yon para ipakita ang pagmamahal mo sa anak mong nasa mental hospital, hindi ba? Na kung dumating man ang oras na wala ka na, hindi n'ya maramdamang nag-iisa lang s'ya sa mundo. Babasahin n'ya ang librong sinulat n'yo."

"Wala akong pakialam kung nabasa mo o hindi, lumayas ka na sa teritoryo ko!"

I let out a heavy sigh. "Kung papayag kayong i-release namin sa market ang libro n'yo, maraming tao ang makakabasa ng latha n'yo... na katulad ko. Marami kaming katulad ng anak ninyo. Na nag-iisa... na iniwan ng magulang. Sana hayaan n'yong maramdaman din namin ang pagmamahal sa bawat salitang isinulat n'yo. Dahil ako, ramdam na radam ko na may inang nagmamahal sa'kin kahit mula sa libro. H'wag n'yo naman pong ipagkait ang pagmamahal na 'yon sa iba, kaya kung pwede lang po... pumayag na kayo, mama."

Plagiarism Is Not A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon