PINAC 8

4 0 0
                                    


"Good morning, Mr. Aeious!" bungad ko sa kan'ya pagkalabas n'ya ng elevator.

Pero laking gulat ko nang matalim n'ya akong tinignan at hinagis sa'kin ang isang folder. Hindi ako nakakilos agad at mukhang nag-loading ba ang brain cells ko sa ginawa n'ya. Nahulog tuloy ang folder sa sahig. Pinulot ko iyon at binigay sa kan'ya.

Hinablot n'ya ang folder. "Come to my office, now."

Oh God, bakit parang badtrip s'ya? Ano bang nagawa ko?

H-hindi kaya... nalaman na n'ya? Tangina, Sol!

Mabilis pa sa alas-kwatro akong sumunod sa kan'ya sa opisina. Umupo s'ya sa swivel chair habang napatungo na lang ako sa harapan nya dahil sa kaba.

"Bakit 'di mo sinabi sa'kin, ha, Solace?"

"H-ha?"

"Anong "ha"?" Hinagis n'ya ang manuscript ko sa sahig. "ANONG "HA" SOLACE?!" he stood up from his chair as he shouted at me.

Halos mapalunok ako sa kaba dahil sa pagsigaw n'ya. Napa-sign of the cross na lang ako sa pagka-burn out n'ya. Buti na lang talaga at soundproof ang office kung hindi, lintik na kahihiyan ang mangyayari sa'kin. I just stole a manuscript from my classmate, sinong 'di magagalit sa'kin... I would never expect Aeious will forgive me.

He calmed himself. "Explain yourself."

"Aei—Sir. Aeious, s-sorry, hindi ko sinabi kasi gusto ko lang naman na a-ano... mapalapit... tama, mapalapit sa'yo. Alam mo 'yun? Idol kita, crush, tinitingala, I just wanted to do this kasi---"

"Can you please stop repeating things over and over again?! Yes, I know! You rushed your manuscript and you forgot to give the ending! How unprofessional you are, Ms. Abboud! You could've just informed me before this time! Alam mo bang naka-set na ang release date ng libro mo?!"

I stopped, and stared at my hot-tempered colleague. Halos mamula na s'ya sa galit. At hindi naman ako na-inform na wala pa lang ending ang manuscript na ninakaw ko? Badtrip, punyeta. Akala ko naman nabitag na 'ko ni Aeious.

"Teka—galit ka dahil lang doon? Akala ko naman kung ano!"

Nag-igting ang panga n'ya at lumapit sa'kin. "You." Napaatras ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. He even pointed at me! "You don't know my struggle just for your own success, Ms. Abboud. Kaya h'wag mong mamaliitin ang mga bagay na hindi mo nagawa, dahil para sa'kin, napakalaking kawalan no'n."

Umalis s'ya sa harapan ko at bago pa s'ya makalabas ng opisina ay tinawag ko s'ya. "Sandali!"

He turned, frowning. "What?!"

"Ah, eh, sorry, nawawala kasi yung last part, n-natatakot lang ako na magalit ka bigla sa'kin kaya I'll just re-write..." I gulped. "Yeah, I will re-write the ending."

"Hmm. Mabuti naman at marunong kang mag-isip."

I gave him a pout. "Teka, sandali, may itatanong ako," I said when he was about to go out.

"What the heck, ano na naman ba?!"

"Are you that guy last night?"

He automatically frowned. "Guy? Last night? Where?"

"L-last night! Hindi ba ikaw 'yon? Nakatanaw ka sa bahay namin. Sinundan mo 'ko 'no? Ayieeee!"

I teased him again and again until he stopped me. "Fine, yes, I am that guy yesterday night."

Napangiti tuloy ako ng hanggang tenga. Masaya akong lumapit sa kan'ya, "SABI NA EH! ANONG GINAGAWA MO ROON? MAY BALAK KA NA BANG LIGAWAN AKO?" I smiled like a dog waiting him to answer 'yes'.

Plagiarism Is Not A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon