PINAC 9

2 0 0
                                    


"Bakit kasi ganito pa rin kaliit yung sahod ko?!" rinig kong reklamo ni Lily pagkalabas ko ng elevator.

"Tumahimik ka nga, buti nga may sweldo ka pa," ani Jenny na katabi n'ya sa upuan ng editing department.

"Bakit, totoo naman ah? Isang taon na ko rito, pero ni di naman tumaas yung sweldo ko ni singkong duling, feeling ko talaga si Madam Victoria may kagagawan nito, nako, dapat talaga--"

Lumuwa ang mata ni Jenny at akmang tatakpan na ang bibig ni Lily nang lumapit si Madam Victoria sa kanila.

"Excuse me, Ms. Lily Escudero?" ngumisi si Madam Victoria sa harapan nilang dalawa. "Minsan n'yo na nga lang akong pag-uusapan, sa harapan ko pa. How ba, isn't?"

Napairap na lang ako at lumapit sa kanila. Nagkatinginan kami ni Madam Victoria at tinaasan n'ya ako ng kilay. Wow ha? Lumapit lang ako, nag-taray agad? Napaka-bitch talaga!

"E-eh, Madam... a-ano kasi, g-ganito..." hindi mapakali si Lily at mukhang pinagpapawisan na.

"Lily!'" Maddy interrupted the burning atmosphere between them. "Nakita mo na ba ang pinapahanap ko sa'yo?" she looked stressed and anxious.

"Hindi pa," pagtataray ni Madam Victoria. "Abala kasi ang dalawang ito sa pagrereklamo sa sweldo nila, and you know what's worst than that? Your junior's suspecting me about that. Ganiyan mo ba tini-train ang colleagues mo, ha, Maddy?"

Lalong namutla si Maddy nang s'ya pa ang sisihin sa ginawa ni Lily. "N-no, no, madam... Pag-pasensyahan n'yo na po si Lily, maybe she's not used of it."

"Used of it?" she glanced at Lily. "You are not used of this? Are you dumb, Escudero?"

Napansin kong hindi na makahinga ng maayos ang tatlo. Si Lily at Jenny naman ay nakatungo lang dahil sa kahihiyan. Bitch, lahat ng employees, nakatuon na ang atensyon sa kanila!

"I SAID ARE YOU DUMB, ESCUDERO?!" Lahat kami ay nagulat sa pagsigaw n'ya. I noticed how Madam Victoria cliched her fists in anger. Pakiramdam ko gustong gusto na n'yang sabunutan si Lily dahil sa naglalabasan n'yang ugat sa sentido.

"All of you," she looked around us, hearing her breath. "You went on her situation, right? Naging junior din kayo! How could you complain on your salary? You're just starting, Escudero! Walang fresh graduate na yaman agad! Don't you play dumb on us. Hindi mo nga magawa ng maayos ang trabaho rito, magrereklamo ka pa! Wala kang kwenta!" then, she walked out. We were left dumb-founded.

Narinig naming humikbi si Lily at nakahawak na sa dibdib. Tumayo rin s'ya at umalis, kaya sinundan namin s'ya ni Jenny. At ang ending? Sa coffee shop. Punyeta akala ko naman sa rooftop s'ya magd-drama.

Umorder s'ya gamit ang sinweldo n'ya. Nang mahimasmasan s'ya, siguro dahil na din sa inorder n'yang special pink cupcakes na may kung ano-anong kaartehang sprinkles, nagsimula s'yang magsalita.

"Ang akin lang naman, one-year na ako, pero bakit ganoon pa rin 'yung sweldo ko? Ang sakit kaya! Tagos dito oh!" tinuro n'ya ang parte kung nasaan ang puso n'ya.

"May puso ka pero wala kang utak, alam mo 'yon?" sabat ni Jennie. "Gan'yan din naman ako nung bago pa lang ako dito, trust me, lalaki rin 'yan pag two years ka na sa kumpanya."

Tumango ako. "Diba pareho lang tayo ng sweldo? Pareho rin tayong wala pang sariling pamilya, yung sinweldo ko nung isang araw, sobra na samin ng kapatid ko, h'wag mong sabihing 'di pa 'yan sapat sa'yo?" tinaasan ko s'ya ng kilay.

She gave us her disgusting pout. Akala mo talaga ang cute n'ya. Nilabas n'ya ang phone at may pinakita sa'min. "Look, ang ganda diba?" tinuro n'ya ang Gucci handbag. "Mura na s'ya ngayon, kaya gustong-gusto ko talaga mabili 'to."

Plagiarism Is Not A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon