PINAC 12

3 0 0
                                    


/JAX/


UNDERCOVER BOOKSTORE

"Jax?" narinig kong may tumawag sa'kin. I paused the game I was playing and looked at the entrance of the bookstore.

It's Solace.

Agad siyang umupo sa tabi ko, pinagpatuloy ko naman ang paglalaro ng mobile game.

"Ngayon na ba aalisin ang Soldier's March?" nananamlay na tanong niya.

Tumango lang ako at lalong nag-focus sa laro. "Aalisin na sa lahat ng bookstores ang libro ni Aeious." Napangisi ako. He deserves it.

"P-pero bakit?"

I looked at her. Mukhang kakagising niya lang ngayong araw at dumiretso agad sa bookstore para saksihan ang ginagawang pagliligpit ng mga employee sa shelves kung saan naroon ang libro ni Aeious. I sighed. Crush niya nga pala ang lalaking 'yon. "Don't worry, ibabalik din naman 'yan pagkatapos ng issue."

Mawawala rin ng pake ang mga tao sa issue nila ni Elvis.

"Alam mo bang ang lungkot ni Aeious kahapon? He offered me a beer, pero tahimik lang s'ya the whole time," kwento niya.

I shooked my head and didn't speak for a while.

"Oh, tignan mo oh," she showed me her phone. "Elvis will be put into jail?" pagbasa niya pa sa isang website. "... or else magbabayad si Elvis dahil sa ginawa niya?" napatakip s'ya sa bibig at 'di makapaniwala sa nabasa.

"What about Aeious?" I asked.

"I-I don't know... Basta ipapakulong si Elvis dahil nag-plagiarize pa rin s'ya, after all, si Aeious pa rin ang naunang magpublish. Ang maling ginawa ni Elvis ay nagrelease pa rin s'ya ng libro na kagayang-kagaya sa libro ni Aeious..."

Napatango ako. "He must be desperate. He should've just released a statement years ago and speak up about Aeious' book."

I heard her sighed. Tumunog ang notification niya na agad naman niyang binuksan.

"Omg..."

She started to play a video of Aeious. Kaka-upload lang nito sa lahat ng social media sites. Tinigil ko na ang paglalaro at pinanood ang video na iyon. He's apologizing for what he did.

It was short and specific. Kitang-kita na paga ang mukha niya, siguro ay umiyak. He looks sad and felt sorry. Nang matapos ang video ay napansin kong ngumiti ng malapad si Solace.

"Nakinig s'ya sa sinabi ko." At kinikilig pa.

Napailing na lang ako. May lumapit saming petite na babae at mukhang mamahalin lahat ng dala—especially her Gucci bag. Nakabusangot ang mukha nito at umupo sa harapan namin ni Solace.

"Lily?" ani Solace. "Anyare sa mukha mo? Namatayan ka?"

"Sayang si Elvis, nakakainis! Bakit ba kasi kailangan pa s'ya ipakulong? Sabihin n'yo nga sa'kin!" pagmamaktol niya.

"Bakit, kaano-ano mo ba si Elvis at nauulol ka?" pagtataray ni Solace na kinatawa ko.

"Ih! Crush ko 'yun eh!"

"Crush? Puta—seryoso ka?"

Kumunot ang noo ni Lily. "Ang ganda kaya nung book nya, nakakaiyak! Tapos plagiarize lang pala 'yun, ending lang binago, pero infairness, maganda pa rin pagkakasulat niya sa ending, dami ko kaya iniyak nun."

"Hindi mo agad napansin na plagiarize 'yun? Eh nung binasa ko nga sypnosis, plagiarism na agad pumasok sa utak ko. Don't tell me—"

Pinandilatan s'ya ni Lily. "Oh bakit? Required ba basahin works ng colleague natin?"

Oh, I see. Colleague sila.

Solace rolled her eyes. "Malamang! Bobo ka ba?"

"Aray ha! Baka gusto mong h'wag ko basahin libro mo, ano?"

Natigilan si Solace. Napaiwas naman ako ng tingin. Knowing her secret is such a dangerous one.

"S-so what? Alis na nga 'ko!" ani Solace at lumabas na ng bookstore.

Napailing na lang ako. "Una na rin ako, miss Lily," pagpapaalam ko sa kaniya at tumayo na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Plagiarism Is Not A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon