Trigger warning. Please, this is not for minors!-------------------------------------------------------
Ilang beses kong hiniling na sana, sa bawat pagpikit ko ng mga mata ay katapusan na rin ng mundo para sa akin. Wala na itong puwang, wala na akong lakas, wala na akong dahilan para manatili pa. Ilang beses kong hiniling na sana ibalik ako sa dati, ibalik ako sa mga panahong iyon at pipilitin kong hindi magkrus ang mga landas namin. Na sana, pwede kong balikan at ituwid man lang ang mga desisyon ko kahit hindi na siya mapasa'kin.
"Ate, wala talaga. S-Sorry, ate." Tumango ako kay Justin. Hindi na siya naghintay ng sasabihin ko at kusa na siyang lumabas.
Nawalan ako ng malay sa araw na iyon, paggising ko ay nasa bahay na ako. Nasa bahay kung saan ang mga magulang ko, malayo sa gulong pinagmulan ko. Natulog ako nang hindi ginagalaw ang pagkain, buong araw akong natulog at nanatiling gising sa gabi.
"Gwen, umayos ka nga. Magpapakamatay ka ba?!" isang araw bumisita si Mama sa kwarto ko. May dalang tray ng pagkain nang tingnan ko siya, nanlabo ang paningin ko at tumingin na lang sa ere nang napakatagal.
Bakit.. bakit nandito pa rin ako? Hindi ko gusto, para na rin akong pinaoatau sa bawat araw na gigising ako, sa bawat gamit na mulat ang pagkatao ko sa pangyayari ng kahapon.
"M-Ma, ayaw ko na... P-Pagod na pagod na ako" walang ibang bagay sa silid ko kung hindi ang matress na hinigaan at ang maliit na lamesa para sa pagkain ko. Ang mga damit ko ay nagkalat sa sahig, bawat umaga may kumakatok para samahan ako sa banyo pero ni isa wala akong sinamahan.
Hindi ko alam kung ilang araw na akong lutang, hindi ko na mabilang sa daliri ko kung pang ilang gabi at umaga ko na ito.
"Gwen, please lang, anak. Nahihirapan ang papa mo na ayusin ang gusot na kinasasangkutan mo. Kilalang personalidad ang pamilya ng lalaking iyon! We are trying our best to protect you. Menor de edad ka anak, iyan lang ang panlaban natin sa kapangyarihan nila!" nilapag ni Mama ang tray. Tinabig ko iyon dahil wala akong gana. Wala akong balak kumain, wala akong balak magpatuloy dahil sawang-sawa na ako sa sakit.
Lumabas si Mama, pumasok naman si Justin. Nilapitan niya ako at inayos nang bahagya ang pagkain sa lamesa. Nilapit niya ang lamesa sa higaan ko.
"Ate.. binilhan kita ng cellphone, please kumain ka. Ibibigay ko lang ito kung kakain ka." Nilipat ko sakanya ang paningin.
Nilapag niya ang mumurahing cellphone sa lamesa. Hinawakan ko iyon at nang makitang nag-on ay para akong baliw na ngumit. Memorya ko ang numero ni Lucas kaya iyon ang una kong ginawa.
"Ate, kailangan natin i-activate ang sim. Kumain ka muna, aayusin ko." Kaagad akong kumain dahil sa sobrang takot ko na bawiin niya ang cellphone.
Simula nang magising ako ay wala akong nakitang bag ko, wala akong nakitang bagay galing sa pinangyarihan ng hostage at maging ang cellphone ko ay nawawala. Tinanong ko si Justin para sa sarili niyang cellphone pero maging siya ay pinagkaitan ng mga magulang namin. Natigil si Justin sa pag-aaral dahil, hindi rin siya nakakalabas ng bahay at kung paano niya binili ang cellphone na ito ay isang malaking katanungan.
Hinintay niyang matapos akong kumain bago niya binigay ang cellphone. Nanginig ang kamay ko nang kinuha iyon at halos hindi na ako huminga habang tinitipa ko ang numero ni Lucas. Kaagad kong tinawagan iyon at halos isang daang ulit kong tinawagan ang numero pero walang sumasagot.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...