"ANNA!"
Napatingin ako sa taong tumawag saakin. Si Bea pala, matalik kong kaibigan.
"Ano ka na, ghorl?! Hindi ka nanaman ba sasama saamin? Last na 'to oh, college na tayo next s.y!" Inaakit kasi nila ako mag ilog sa kabilang bayan. Bakasyon na kasi namin ngayon at tapos na kami sa senior high. Last week ginanap graduation namin pero may mga inasikaso pa kami ngayong mga papel. Gusto ko naman kasing sumama kung wala lang talaga kaming pupuntahan ni mama ngayon.
"Sorry, Bea. May pupuntahan pa kasi kami ni mama bawi na lang ako sa susunod. Promise"
"Wala ng susunod ghorl mga pa-manila na sila Kia. Hays! Kulang nanaman kami oh! Lagi ka na lang M.I.A"
"Enjoy na lang kayo, pasabi sa kanila"
Mahaba-haba pang pilitan ang naganap bago ako nakaalis. Natyempo kasing may ginagawa ako kapag nangangakit sila kaya hindi rin ako nakakasama.
Umuwi na rin ako at tutulungan ko pa si mama mag gayak ng mga dadalhin namin sa mansyon. Nang makarating ako sa bahay naabutan ko si mama na nagsisilid ng mga damit namin sa bag kaya agad ko siyang tinulungan para matapos na kami. Papunta kaming mansyon ngayon, sa pinagtatrabahuhan ni mama, ipapasok na rin niya ako dahil gusto ko rin namang makatulong sa mga bayarin dito sa bahay. Halos dalawang buwan din kaming manunuluyan doon.
Nang matapos kami mag gayak ni mama. Umalis na rin kami agad, sumakay lang kami ng trycickle papuntang villa, pwede namang lakarin pero mainit kasi ngayon atsaka may mga dala kaming gamit.
Pagbukas pa lang ng gate mamangha ka na agad. Sobrang laki kasi nitong villa ng pamilya Monteverde. Kilala sila bilang isa sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya dito sa lugar namin.
"Nanjan ba si Ma'am, Nesto?" - tanong ni mama
"Nasa kusina ata sila, Lara"
Nag pasok na kami sa loob at naabutan namin si Aling Pasing na naglilinis sa sala
"Uy, nandito na pala kayo. Hello, Anna. Dalagang dalaga ka na ah"
"Ay, hello po, Aling pasing"
"Nandiyan si ma'am sa kusina naghahanda para sa pagdating ni señorito"
"Sinong senorito ang padating?"
"Si Senorito Zack, yung panganay"
"Ah, oo, yung nasa Manila"
Hindi ko pa nakikita ang panganay ng mga Monteverde dahil sa Manila ito nag-aaral. At sobrang dalang lang umuwi dito.
Nagpasok na kami ni mama sa kusina at naabutan namin si Ma'am Sheila na nakasuot ng apron at nagluluto.
"Magandang umaga po, Madam"
"Oh, Lara nanjan ka na pala" - habang hindi nakatingin saamin
"Opo, kasama ko po si Anna" Siya namang lingon ni madam saamin. Saglit na nangningning ang mata nito nang makita ako. Lumapit ito saakin at agad akong niyakap.
"Hala! Anna ang ganda mong bata ka. Bakit ngayon ka lang dumalaw dito? Sobrang na-miss kita"
Paborito kasi ako ni madam, siya na mismo nagsabi sakin noon. Wala kasi itong anak na babae kaya siguro gustong gusto niya rin ako dahil para ko na rin siyang nanay sa sobrang bait niya saakin.
Niyakap niya ako ng mahigpit dahil halos ilang taon din akong hindi nakapunta dito sa Villa.
"Namiss din po kita, Ta"
"Nakakatampo ka ha, halos dati lagi mo akong dinadalaw dito tas ngayon sobrang dalang na lang"
"Hehe, bawi po ako sa inyo, Ta. Ilang buwan din naman po akong magstay dito"
"Ayun! Buti naman at ng makita kita araw-araw. Halika tulungan mo akong maghanda ng mga pagkain at darating na si Senorito mo"
Tita na ang tawag ko sa kaniya dahil noong tinawag ko siyang madam ay nagagalit siya. Halos anak na raw niya ako kaya tita na lang raw itawag ko sa kaniya. Pero minsan hindi ko talagang maiwasan na tawagin siyang madam. Walang pinagbago ang muka ni madam, mas lalo siyang gumanda pero makikita mo na may mga puti puti na rin siya sa buhok. Magkasing edad lang din sila ni mama.
Nang matapos kami sa ginagawa ay nagpaalam akong pupunta muna sa garden para magdilig ng mga halaman. Naiayos na rin naman namin ng mga gamit namin at inilagay ito sa kwarto.
Lalong lumawak ang garden dito, dati ay dito ko paboritong maglaro at habulin ang mga paro-paro. Ang dami ko ring memories sa villa na ito noong bata pa ako.
Kinuha ko na 'yung pangdilig para masimulan ko na itong diligan. Tamang-tama at ang ganda ng sikat ng araw ngayon.
Madaming tanim dito at iba iba dahil mahilig sa bulaklak si madam, pati na rin ang mga anak nito. Tatlo lang ang anak nila madam, yung bunso ay halos ka-edadan ko lang. Yung ikalawa naman ay nasa manila rin pero madalas namang nauwi dito dahil meron siyang nobya na nakatira dito. Samantalang yung panganay ang hindi ko pa talaga nakikita, siya lang yung hindi ko nakalaro noong bata pa ako. Ang alam ko ay 3rd year college na 'yon, base sa kwento ni madam kanina. At ngayon ay pauwi dahil dito raw mag babakasyon.
Kumakanta ako habang nagdidilig, kinakausap ko na rin ang mga halaman dahil turo saakin ni mama na mas gaganda raw ang tubo ng isang halaman at bulaklak kapag kinakantahan at kinakausap ito.
"What are you doing?"
Napalingon ako sa likod ko ng may nagsalita. Lalaki ito at taimtim na nakatingin saakin. May dala itong bag pack at nakapolo shirt na white. Mestizo ito at ang tangkad niya, maayos na nakasuklay ang buhok nito. Halos ilang inches na lang ang pagitan niya saakin kaya napaataras ako. Pero halos wala rin akong maatrasan dahil halaman na ang nasa likod ko. Napa-tungo na lang ako dahil sobrang lalim ng tingin niya saakin na para bang may sinasabi ang mata niya.
"A-ah, nagdidilig lang ho ako"
Alam kong ito ang panganay na anak nila madam dahil kamuka siya ni Sir Jhon, ang tatau niya, at nakikita ko rin siya sa mga picture na nakadisplay sa mansyon.
"Where is mom?"
"N-nasa loob p-po" Hindi ko alam bakit ako nauutal at hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Ramdam ko pa rin kasi ang titig niya, hindi pa rin siya umaatras at sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa
"Next time, don't tie your hair up. Especially if you'll wear that kind of shirt"
Naka tali kasi ang buhok ko pataas dahil naiinitan ako at medyo back less yung suot ko na damit.
"H-ha?"
Doon na ako napatingin sa kaniya pero agad ko ring pinagsisihan dahil nakakailang ang titig niya. Umatras na siya at lumakad na paalis. Doon ko napagtanto na halos hindi na ako kumihinga sa sobrang kaba. Ewan ko kung bakit ko ito nararamdaman. Naweweirdohan kasi ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Spare (R-18)
Mystery / ThrillerR-18 Napalitan ng kadiliman ang dating makulay at masayang buhay ni Anna nang makilala niya ang lalaking handang gawin ang lahat maging kaniya lang ang babaeng iniibig "Akin ka lang, bakit ba hindi mo maintindihan?!" "Pakawalan mo na ako, please, pa...