Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napapaisip kasi ako kung bakit ganun na lang siya makatingin saakin. Para bang matagal na niya akong kilala at parang nangungulila ang mga mata niya.
"Anna, tawag ka na"
Saka lang ako natauhan ng tawagin ako ni Aling Pasing. Hindi ko napansin na umaagos na pala ang tubig sa hawak ko na pandilig. Itinabi ko na muna 'to at lumakad na ako papasok.
Naabutan ko sila sa sala na niyayakap ni Madam ang anak niyang bagong dating, nandoon na rin si Sir Jhon na asawa ni madam.
"Na-miss kita anak, kamusta ka na?"
Nadinig kong tanong ni madam sa anak niya bago ako tuluyang pumanhik sa kusina at tinatawag na ako ni mama. Hinanda lang namin ang lamesa para sa pagkain ng mga Monteverde.
Maya maya ay naririnig ko na ang mga boses nila na papunta dito sa kusina kaya agad na kaming pumunta sa isang tabi ni mama. Para kung sakaling may iuutos sila ay nandito lang kami. Nakayuko lang ako habang napasok sila, dahil kahit naman anak ang turing saakin ni madam, kapag nandiyan si sir at ang mga anak nito ay kailangan ko pa rin silang pagsilbihan sa hapagkainan.
"Niluto ko mga paborito mo anak at alam kong na-miss mo ito"
Nakaramdam nanaman ako ng kaba dahil feeling ko ay may nakatingin nanaman saakin. Hindi nga ako nagkamali, dahil ng saglit kong i-angat ang ulo ko ay nakita ko si senorito na nakatitig saakin. Naka-harap siya saakin habang nakain at sa buong oras na nandito ako sa kusina ay ramdam kong hindi niya inaalis ang tingin niya.
Ano bang problema niya? Hindi ko maintindihan bakit ganun na lang siya makatingin samantalang ngayon lang kami nagkita at alam kong hindi rin naman niya ako kilala.
Naguusap lang sila tungkol sa pag-aaral ni señorito at sa darating na eleksiyon. Si Sir John Monteverde kasi ay ang gobernador ng lugar namin at pinapatakbo niya ang panganay niya bilang mayor pagkatapos nito sa kolehiyo. Sa buong paguusap nila ay ilang beses ko lang narinig sumagot si senorito. Sobrang tahimik nito at tango lamang ang kadalasang sagot nito sa magulang niya. Pagkatapos nila ay agad na rin kaming nagligpit nila mama. At hinding hindi talaga naaalis ang tingin saakin ni señorito. Nawala lang noong umalis na sila at pinagpahinga muna ni madam ang anak niya.
Hanggang mag gabi ay hindi ko na ulit nakita si senorito. Madami rin kasi kaming ginawa maghapon dahil madaming utos si madam lalo na't padating na ang eleksiyon at paniguradong madaming mga bisita ang pupunta dito sa mansyon sa mga susunod na araw.
Nasa kwarto na ako ngayon, solo ako dito at hindi kami magkasama ni mama dahil may kasama na siyang isang kasambahay din, nakakahiya naman kung siya ang palilipatin ko dito e madami dami rin ang gamit niya don, maghahakot pa siya kung sakali. Maliit lang itong kwarto pero mas malaki sa ibang kwarto ng ibang kasambahay, nasa pinaka-dulo rin ito.
Pagkatapos kong magbihis ng pangtulog ay lumabas na muna ako para magtimpla ng gatas ko. Hindi kasi ako nakakatulog ng hindi ako umiinom ng gatas, ewan ko rin kung bakit. Hiwalay ang ref ng kasambahay at nila madam kaya ayos lang na pakuha kuha kami ng pagkain ng walang nawawala sa ref nila madam. Nasa dirty kitchen nakalagay ang ref para saamin at madadaanan mo muna ang main kitchen. Nang makalabas ako sa dirty kitchen ay may nakita akong pigura ng isang lalaki na papasok ng kusina. Alam ko na agad kung sino to dahil siya lang naman ang may ganitong pangangatawan dito sa mansyon. Napatigil ako sa paglalakad at hindi alam ang gagawin. Ng akala kong lalampasan niya lang ako ay nagkamali ako. Tumigil siya sa harap ko, pero madyo malayo kumpara sa lapit niya noong nakaraan.
"M-magandang g-gabi po, senorito"
Heto nanaman yung pakiramdam ko na hindi mapakali at halos sumabog ang puso sa sobrang kaba. Ramdam ko nanaman yung titig niya dahil kahit bahagya na lang ang ilaw dito ay aninag ko pa rin ang mukha niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ako. Saglit na tumigil ang tingin niya sa hawak ko na gatas.
"N-nagtimpla l-lang p-po ako ng g-gatas"
Lumapit pa siya ng kaunti saakin.
"Damn, you smell so good"
Doon na ako tuluyang hindi makagalaw. Ramdam ko na yung hininga niya na tumatama sa mukha ko. Hindi man niya ako hinahawakan o ano pero nakaramdam ako ng kilabot sa paraan ng pagbigkas niya ng salitang 'yon. Ako na ang umatras dahil hindi ko na talaga kinakaya ang kaba na nararamdaman ko.
"Alis na po ako"
Akmang lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pagalis. Inilapit niya ako sa kaniya at niyakap niya ang mga braso niya saakin. Sobrang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. Mas lalo pa akong naguluhan nang umimik siya.
"I missed you so much, My Anna"
BINABASA MO ANG
Spare (R-18)
Mystery / ThrillerR-18 Napalitan ng kadiliman ang dating makulay at masayang buhay ni Anna nang makilala niya ang lalaking handang gawin ang lahat maging kaniya lang ang babaeng iniibig "Akin ka lang, bakit ba hindi mo maintindihan?!" "Pakawalan mo na ako, please, pa...