CHAPTER 31

90 4 0
                                    

November 29, 2024, unang kaarawan ni Phoenix Frexel Kai V. Alinsky. Ang prinsipe ng Maleria at ang susunod na tanging tagapagmana ng Mafia Organization.

Lahat ng kaharian ng Zandeveille ay nag-diwang. Mga bawat bahay na nagbigay at nag lahad ng kani-kanilang mga regalo at grasyang natanggap. Gayon paman, samot-saring parangal mula sa iba't ibang mga matataas na opisyal.

Matapos ang pagdiriwang sa umaga, mismo ng gabi ay nag-ayos ako upang maghanda sa pagsalakay mag-isa sa lugar ng pamilya ko.

“Señorita Lilia, iiwan ko po muna sa inyo si, Lucky,” bilin ko kay Señorita.

“Kailan ka muling babalik, Mahal na Reyna?”

“Aabot ng isang buwan ata akong mawawala, kaya't nais ko na maitago muna dito sa inyo ang prinsipe.” Napakibit balikat na napatingin si Señorita sa akin ng napagtanto na ganoon pala ka tagal ang pagkawala ko.

“Isang buwan!? Paano aabot ng isang buwan kung ang magiging kaharap niyo lang po ay mga ordinaryong tao lamang?” Napangiti ako sa kanya at kaagad na napabuntong hininga nalamang ito.

“Hindi minamadali ang mga bagay-bagay, sabi niyo po hindi ba, Señorita Lilia?” Napataas ang kaniyang mga kilay at kaagad na napatango bago paman ako mahigpit na yumakap sa anak ko saka na umalis.

Alas sais ng gabi ng bumyahe ako papunta sa islang pinanggalingan namin. Ang isla na kung saan doon raw naninirahan ng mapayapa ang pamilya ko. Sana'y hindi hihigit pa sa sampu ang pamilya kong naroroon.

Sa gilid mismo ng sapa kami napahinto at mula sa kinahihintuan namin makikita sa mataas na parte ng isla ang mga kaunting ilaw na nanggaling sa mga bahay dito.

Alas sais palamang ng gabi kung kaya't hindi pa ganito kadilim ang paligid. Full moon ngayon kaya'y klarong nakikita parin ang daan papunta sa maliit na nayon.

Maraming mangingisda ang naririto kaya't nag umpisa na akong magtanong-tanong kung saan ang mga bahay ng 'Valencia'. Hindi nga naman ako nahirapan dahil sa halos lahat ng mga tao dito ay kilalang-kilala ang pamilya ko.

I wonder why?

Mariin akong napalakad mag-isa papunta sa isang barangay na tinitirahan ng aking mga magulang. May mga dala akong mga pagkain at pasalubong galing sa kaarawan ng anak kong si, Lucky.

Maaring magugustuhan nila ito. Mas maganda ng may dalang regalo, bilang respito at kakaunting pagbati bago paman mangyari ang ninanais ko.

Hindi lang pala sampu ang naninirahan dito. Sa tingin ko ay aabot pa ng dalawangpu ang mga kabahayan na makikita malapit sa kaunting bahay na nasa likuran.

Ngunit ang bahay na tinuturo sa akin ng karamihan ay medyo malayo ikumpara sa ibang bahay na dumidikit-dikit.

Ito ang masaya. Dahil sa mga malayong patlang ay mahihirapan silang humingi ng saklolo. Na sa oras na ng sigawan ay tatakbo pa sila ng ilang metro bago makapunta sa baryo.

Nakakaaliw titigan ng masilayan ko na ang kabahayan ng Valencia.

Kung ano ang naging estilo ng bahay namin noon hanggang ngayon ganito parin. Lumipat na sila ng bahay ngunit ang kulay at guhit ng bahay namin noon ay kahit kailan hindi naibangon sa kahirapan.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon