IMELDA'S POV:Andito ako sa aming silid at hinihimtay matapos maligo si Ferdinand. Halata kong may problema sya sa mga ikinikilos nya . " Ano kaya ang problema nya? nasabi ko na lang sa aking isipan.
Ilang sandali lang ay lumabas na sya na nakasuot ang paborito nyang bathrobe. Pinakiramdaman ko muna kung handa ba sya makipag usap bago ko tuluyang binuka ang aking bibig.
" Mahal , may problema ka ba? Gusto mong pag usapan natin?
malambing kong tanong habang sinisimulan ko ang pagmasahe sa kanyang balikat.Napahinga sya nga malalim at napabuntong hininga.
" Yung anak mo tumahan na ba? matipid nyang saad .
" Oo, nakatulog na sa kakaiyak. Eh, ano ba talagang problema? Alam kong meron kilala kita, tanong ko sabay upo sa tabi nya.
" Yung biyenan ni Benigno na si Don Gustavo. Matapos bilhin ang shares ng dalawang foreign partmers namin sa kompanya at baguhin ang pamamaraan ng pamamahala. Gusto naman na baguhin ngayon pati pangalan ng kompanya , panimulang sabi nya sa akin. "Mukhang pati ako at ang mga tao sa kompanya ay damay sa regudon ng dalawa, dagdag pa nya.
" Hay, nabalitaan ko rin nga na parte ng pagbabago nya sa mga kompanyang sya ang naging major share holder ay ang pagpalit ng mga tauhan dito. Sana naman hindi nya gawain yun sa inyo, pahayag ko naman sa kanya.
" Yun nga rin ang hinihiling ko. Kawawa kasi ang mga tao. Saka matagal na sila sa amin. Mula pa ng magsimula kami anjan na sila at kasama namin. Kaya nga kahit gusto kong umalma di ko magawa kasi kung meron man akong ipapakiusap ay ang mga tauhan namin yun, tugon ni Ferdinand.
" Hay, alam kong mabigat ang lahat ng ito sa loob mo asawa ko. Dugo at pawis ang ibinuhos mo sa kompanya nyo. Bakit kasi naisipan pa ni Benignong makipagmerge eh? Napakatuso pa naman ni Don Gustavo, saad ko na napabuntong hininga.
" Wala na tayong magagawa, eh anjan na yan! Mahalaga yung mga sususnod na mangyayari. Yun ang kailanganga pag isipan at paghandaan, sabi nya sabay kuha ng kumot namin.
" Katulad ng kalagayan ni Imee. Ang kailangang lang ay--naputol kong sabi dahil agad nag salita ang asawa ko.
" Kung ipipilit nyo ang gusto nya , at di nya pa rin irerespeto at papakinggan ang sinasbi ko gaya ng ginagawa nya palagi, bahala na kayo, wika nya sabay higa sa aming kama.
" Mahal naman! Hayy... Parehas namna tayong disappointed sa anak natin. Pero sa huli , hindi natin pwedeng pabayaan na lang sya , pangungumbinsi ko sa kanya pero tila di na nya narinig.
Wala na syang naging tugon.
At sa unang pagkakataon, hindi kami natulog ng magkayakap.--------------------------------------------------
THIRD PERSON'S POV:
Magdadalawang linggo na mula ng kausapin ni Imee ang buong pamilya tungkol sa pagbubuntis at planong pagpapakasal nila ni Tommy.
Mula noon ay naging tahimik na sa bahay nila . Biglang nawala ang sigla dito at laging seryoso ang mga tao.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakausap ni Ferdinand si Imee.
Sinubukang ayusin nina Irene at Imelda ang dalawa ngunit nabigo rin sila.Kasabay ng problema sa pamilya ang problema sa kompanya. Lagi na syang ginagabi ng uwi. Unti unti na rin syang nawalang ng oras sa pamilya nya. Dahilan ng tila paglayo ng loob nila sa isat isa.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanfictionThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...