TRIGGER WARNING:
“R*PE
SEXUAL ASSULT”
‘This chapter may trigger some readers, so if you know that this chapter can trigger a past trauma of yours please skip this immidietly. Though for those who chose to read this, I'll try to make it as light as possible for y'all- A.’
Florence's POV
Binuksan ko yung mga mata ko at bumungad saakin ay dilim.
Patay na ba'ko?
Ay hindi, pag patay kana pala dapat puti yung makikita mo....
Sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit ng katawan ko. Mas lalong lalo na yung pang ibaba ko.
Napansin ko naman yung isang lalaki ito ay nagaayos ng pantalon tas tumingin ito saakin.
Nung nakita niya ako ay bigla naman ito tumakbo papalayo. Gusto ko sana siyang habulin kaso sobrang sakit ng buong katawan ko...
Nagulat naman ako at nakita yung togang suot ko kanina na punit punit na. Yung dress ko naman sa ilalim nun ay puno ng dugo, pati yung mga hita ko.
Sunod sunod yung pagtulo ng mga luha ko.
Napansin ko din na wala na akong suot na pang ibaba. He did it...
He did it to me...
He r*ped me....
Yung heels na suot ko kanina ay nakakalat sa tabi ko.
Kinuha ko yung toga at pinangpunas iyun sa mga dugo sa aking hita habang umiiyak.
Tanginang buhay naman 'to eh bat di pa kasi ako mamatay?!
PUNYETA NAMAN!
Kinusot ko lang ng kinusot yung tela sa parte ng katawan ko na may dugo. Bakit hindi natatanggal?
Bakit ako pa?
Bakit ako yung ginanto nung lalaking yun?
Ano bang kasalanan ko sakniya?
Wala naman akong kaaway eh, maliban nalang kay Adrien. Pero imposible naman na siya yun.
Iyak lamang ako ng iyak habang pilit na pinupunasan yung mga dugo sa katawan ko.
Bakit ba nagkakaganto buhay ko?
Bakit buhay ko pa?
Billiones ang tao sa mundo pero bat saakin nangyari 'to?
Nung nangawit na'ko kakapunas ay tinigil ko agad at hinanap yung phone ko. Mabuti nalang at nasa sasakyan lang iyun.
Tinawagan ko agad si Sasha, kahit ayokong makagambala ay hindi ko na talaga kaya.
Sobrang sakit ng katawan ko at yung mga dugo nandon pa din sa balat ko...
"Flo? Bakit ka napatawag?" tanong nung kainigan ko sa kabilang linya.
"S-sha I n-need your h-help" nanginginig kong sinabi.
"What happened Flo? Are you ok?" nagaalalang tanong niya.
"P-pwede mo ba k-kong puntahan?"
"Where are you? Send me your location, Flossie" mahinhin niyang sagot.
Walang party ngayon kung nagtataka kayo, dahil bukas namin plinano yung grad party. Pero sa nangyari saakin ay hindi ako makakaattend.
Sinend ko kay Sasha yung location ko at pumunta naman siya agad.
Habang naghihintay sakaniya ay hunayaan kong umiyak ng umiyak yung sarili.
Sobrang sakit kasi eh, physically, emotionally, at mentally.
Feeling ko ay hindi na'ko inosente.
Ninakaw niya yung pagkababae ko!
Feeling ko ang dumi dumi kong babae... marunong akong magcombat pero galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari saakin 'to.
Ilang minuto ay dumating na din si Sasha at tumakbo ito saakin.
"Flo..... oh gosh what happened to you?" Lumuhod naman ito sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit.
"G-ginahasa ako n-nung lalaki. I don't know who h-he is. Naka b-bonet siya and may halong p-pampatulog yung glove n-niya" utal utal kong sagot sa kaibigan ko.
"Kung sino man yun pagbabayarin natin siya. He had the audacity to do that to my friend, humanda lang talaga siya kapag nalaman ko kung sino siya" galit na saad ni Sasha habang nakayakap lang ako sakaniya.
"Shhh I'm here babe, I'm here. Cry it out, I'm here" she whispered.
Ganto talaga siya, actually sila. Wala lang talaga si Connor ngayon pero ganiyan din yun.
"Sha, feel ko ang d-dumi dumi ko na! Feel ko n-nawalan ako ng k-karapatan sa pa-pagkababae ko" I said at umiyak lang sa bisig ng kaibigan ko.
"Hey no, hindi ka madumi Flo. At never kang mawawalan ng karapatan sa pagkababae mo. Yung nangyari sayo Flo, it doesn't make you less of a woman. You are still you Florence, at yung ginawa sayo nung hampas lupa na yun won't be enough reason para mafeel mo na you're worthless"
"Yung d-dugo Sasha. A-ayaw maalis!" Turo ko sakaniya...
"It's ok babe, we'll clean you up ok?" I nodded at mas kumapit sakaniya.
"Can you walk?" Tanong niya at umiling-iling nalang ako. Ramdam ko kasi yung pagkatuyot ng lalamunan ko.
"I'll help you to my car. Ipapasundo ko nalang sa mga body guards yung car mo. Is that ok with you?" Tumango ako bago niya ako inalalayan para tumayo.
Akay-akay niya ako at sinakay sa passenger seat ng kotse niya. Sobrang sakit talaga nung pang ibaba ko. Ano bang ginawa nung lalaking yun saakin?
Tinakpan naman ni Sasha yung katawan ko ng kumot bago siya magdrive pauwi.
Sa sobrang pagod ay nakatulog na ako sa byahe. Ginising nalang niya ko nung nakarating kami sa condo niya.
Doon niya ako tinulungan na maglinis ng katawan. I trust Sasha with my body and we've been friends since we were in diapers.
Kaya naging komportable ako nung siya yung tumulong saakin.
Dahil sa nangyaring iyun ay mas naging insecure ako sa katawan ko.... Hindi ko kayang tignan ito dahil naiimagine ko pa din yung dugo sa balat ko.
Pagkatapos niya ako bihisan ay doon niya ko pinainom ng pain reliever tas pinahiran niya din ng ointment yung mga pasa at sugat ko.
"Are you ok?" She asked when she tucked me in her bed.
Sa tabi ko siya matutulog at ok lang sakin dahil feel ko ay mas safe ako pag kasama ko siya.
Nakatulog ako ng mahimbing pero hindi ko maiwasan mapaginipan yung nangyari kanina. Kung sino man yung lalaking iyon ay sana masaya siya ngayon.
Dahil ako hindi, kelan pa ba ako naging masaya?
Bwiset na buhay kasi 'to eh, kala mo nakikipag joke time hindi naman.
Lakas ng amats, ako pa talaga yung trip.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
