REALITY VS FILIPINO DRAMA

1K 56 26
                                    

Thanks for reading! Sana mag-enjoy din po kayo kagaya ko. :D

-1-

REALITY: Hoy limang taon na ang nakalilipas. Magbayad ka naman ng utang mo. Ang tagal na n’un. Kelan ka ba magbabayad?

FILIPINO DRAMA: (hihithit ng sigarilyo sabay buga) Hampaslupa, kailan mo balak magbayad ng mga kautangan mo sa’min? Limang taon na’ng nakalilipas. Mahiya ka naman sa pagmumukha mo!

-2-

REALITY: Sige na, kunin mo na ‘tong pera. Hindi ko kailangan ng bayad mo. Sige na, kunin mo na ‘tong perang ‘to.

FILIPINO DRAMA: Eto ba ang ipinagmamalaki mo? (sabay bato ng pera sa pagmumukha ng kausap) Hindi. Ko. Kailangan. Ng. Pera. Mo!

[tseke version]: (pupunit-punitin ang tseke sa harap ng kausap at ibabato sa pagmumukha niya) Hindi. Ko. Kailangan. Ng. Mga. Kayamanan. Mo!

-3-

REALITY: Just leave! Umalis ka na. Umalis ka na sa bahay. Lumayas ka na. Parang awa mo na!

FILIPINO DRAMA: Ikaw walang-hiya ka! (bato ng kumot) Umalis ka sa pamamahay ko! (bato ng sapatos) Lumayas ka! (bato ng unan) Lumayas ka! Shet ka!

 -4-

REALITY: Grabe! ‘Di ko alam na gan’un ang gagawin nila sa pamilya ko. Magbabayad din sila sa mga pananakit na ginawa nila sa’min.

FILIPINO DRAMA: (iinom ng wine) Pwes! Magbabayad sila sa mga pananakit na ginawa nila sa pamilya ko!

-5-

REALITY: I just wanna tell you something. May cancer ako. Sa dami-dami ng tao na pwedeng magkaroon ng cancer, ako pa ang napili. Ako pa ang nagkaroon ng cancer.

FILIPINO DRAMA: (sasandal sa pader) May. Cancer. Ako. May cancer. May Cancer! (hahawak sa dibdib) Bitawan niyo ako! (hawi ng kamay sa kaliwa) Bitawan niyo ako! (hawi ng kamay sa kanan) Waaaaahhh! (at unti-unting magi-slide pababa sa pader habang humahagulgol ng iyak.)

-6-

REALITY: N’ung bata ako, na-rape ako. Na-rape ako n’ung karpintero. ‘Di ko sinabi sa inyo kasi nahihiya ako eh. Pero ngayon alam n’yo na.

FILIPINO DRAMA: (sasandal sa pader) Na-rape ako! (hahawak sa dibdib at iiyak) Bitawan niyo ako! (hawi ng kamay sa kaliwa) Bitawan niyo ako! (hawi ng kamay sa kanan) Na-rape ako! (at unti-unting magi-slide pababa sa pader habang humahagulgol ng iyak.)

-7-

REALITY: Pwede ba sabihin mo na kung meron kayong relasyon ng asawa ko para hindi ako nagmumukhang tanga. Sabihin mo na! ‘Wag ka nang magsinungaling! Sabihin mo! May relasyon ba kayo ng asawa ko?!

FILIPINO DRAMA: May relasyon ba kayo ng asawa ko? Don’t tell me, hindi mo alam kung ano’ng ibig sabihin ng relasyon. Kerida. Kabit. Mistress. Relasyon! Are you fuuuuuuuccckkking my husband?!

-8-

REALITY: Miss, pakisabi naman d’un sa anak mo mag-ingat siya kasi natulak niya ‘yung anak ko eh.

FILIPINO DRAMA: Miss, pwede ba sabihin mo d’yan sa hampas-lupa mong anak na walang breeding na magdahan-dahan at nakakaabala siya ng ibang bata!

-9-

REALITY: Oyyyy! Ang ganda mo na ngayon ah! Nag-transfooooorrrmm! Ganda mo!

FILIPINO DRAMA: Well, well, well! (titingnan ang kausap mula baba hanggang taas habang nasa nasa bewang ang kanang kamay at nakataas ang isang kilay) Tingnan mo nga naman ang buhay. Ang dating mukhang alipin, isa nang maharlika!

Ano ang mas bet n’yo? :D

REALITY VS FILIPINO DRAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon