CHAPTER 3

33 2 0
                                    

Maaga akong ginising ni mama para samahan si Aling Pasing na mamalengke. Sobrang bigat pa ng mata ko kasi anong oras na rin ako nakatulog kagabi. Pagkatapos sabihin ni señorito 'yung mga salitang yon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, sobrang naguguluhan ako dahil sa pagkakaalam ko ay ngayon lang kami nagkita ni senorito. Ilang segundo pa nagtagal ang yakap niya saakin bago ko pinilit na humiwalay at dali dali akong pumunta sa kwarto ko. Halos madapa na nga ako sa pagmamadali.

"Anna, pahawak"

Patapos na rin kaming mamalengke at sobrang dami talaga ng dala namin. Hindi namin to kayang bitbitin dahil dalawa lang naman kami ni Aling Pasing at mabibigat din ito.

"Tulungan na kita"

Napaangat ang ulo ko ng may kumuha ng ibang pinamili namin. Si Alex pala, kababata ko. Na-excite ako nang makita ko siya dahil huling kita namin ay noong graduation pa, last week.

"Ang dami niyo namang pinamili, hindi niyo 'to kayang dalhin lahat. Ay, hello po, Aling Pasing"

"Ikaw pala, Alex. Ke-gwapong binata mo na ah. Dati patulo-tulo pa 'yang sipon mo"

"Si Aling Pasing talaga oh"

"Maigi pa't tulungan mo kaming bitbitin 'to at ng magkapuntos ka naman jan kay Anna"

Napatingin naman saakin si Alex at agad namang namula ang pisngi ko sa hiya.

"Ay tamang tama po dala ko yung trycickle ni papa. Halika po at ihahatid ko na kayo"

Dinala na namin yung mga pinamili namin sa trycickle. Sa backride na ako umupo at puno na ang loob ng trycickle.

"Kapit ka, Anna"

Pinaandar na niya ang makina at nagsimula na kaming bumyahe. Malayo layo rin ang palengke sa mansyon, siguro'y may 30 minutes din. Buong byahe ay nagkwentuhan lang kami ni Alex, kami kasi dati ang laging magkasama at siya rin 'yung nasasabihan ko ng problema. Pero ngayon ay madalang na lang dahil may kaniya-kaniya na rin kaming pinagkakaabalahan.

Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo 'tong si Alex, dahil dito saaming lugar ay lagi siyang kinukuha na escort. Matangkad din kasi siya at mestizo. Madalas kaming mapagkamalan dati na may relasyon dahil lagi kaming magkasama, halos hindi kami maghiwalay noon. Mag kaibigan din kasi ang mga magulang namin.

Nang makarating kami sa villa ay pinapasok agad kami ng guard. Tinulungan na rin kami ng ibang kasambahay na magbitbit nga mga gamit. Hindi pa rin kami tapos magusap ni Alex, madami kaming kwento sa isa't isa kaya pagpasok namin ay nagtatawanan kami.

"Sinabi niya 'yon? Hahaha grabe naman"

"Tawang tawa nga kami nung nadinig namin 'yon"

Hindi na kami pumasok sa loob, nandito lang kami malapit sa garden, hinayaan na lang namin na yung iba ang magpasok.

"Una na muna ako, Anna. Baka hinahanap na ako ni papa e"

"Salamat sa paghatid, Alex"

"Basta sa susunod sabihan mo lang ako kapag papunta kayong palengke, sasamahan ko kayo"

Tumango na lang ako. Nag ngitian pa muna kami bago pa siya sumakay sa trycickle

"Ingat ka"

Nagbusina pa muna siya ng tatlong beses bago tuluyang umalis. Nang papasok na ako ay nakita ko si senorito na nasa nakaupo sa garden, may hawak siya na libro at halata mong nagbabasa. Masama ang tingin nito saakin na akala mo ay anumang oras ay susugudin na niya ako. Nang makita kong tatayo na siya ay dali-dali akong pumasok sa loob.

Pagkatapos kong tulungan si mama na ayusin yung mga pinamili namin ay tumingin ako sa garden kung nandoon pa rin ba si senorito. Nakita ko namang wala na siya kaya pumunta na ako para diligan ang mga halaman. Nag-prisinta kasi ako kay madam na ako ang magaalaga ng mga halaman dito tutal ay gustong gusto ko itong ginagawa. Kahit nang matapos ako ay hindi ko nakita kahit anino ni señorito sa garden. Buti na lang, dahil hindi nanaman ako mapapakali kapag nandiyan siya.

Kumakain kami ng mga kasambahay ngayon dahil tapos nanaman sila madam. Hindi na ako sumama sa pagaasikaso ng kakainin nila dahil inayos ko sa garden.

"Beh, palinis naman ako mamaya ng kwarto sa 3rd floor. Hindi ko na kasi magagawa at may inuutos pa saakin si Madam" sabi ni Ate Jonna

"Sige po, Ate"

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ulit kami sa mga gawain namin. Kumuha muna ako ng mga gagamitin ko sa panglinis bago ako umakyat sa 3rd floor. Isang malaking kwarto ang nandoon, walang gumagamit pero pinapanatili pa ring malinis nila madam. Nandito rin sa 3rd floor ang rooftop.

Nang nasa 2nd floor na ako ay nakasalubong ko si Senorito Zack at Senorito Emil, ang bunsong anak nila madam. Tumabi lamang ako para makadaan sila. Nakayuko lamang ako pero ramdam kong nakatingin sila pareho saakin. Tumigil sila sa harap ko.

"Hi, Anna"

Saka ko lang inangat ang ulo ko ng batiin ako ni Senorito Emil.

"M-magandang umaga"

Hindi na talaga siguro maaalis saakin ang mautal kapag nandiyan si Senorito Zack. Ewan ko ba kung bakit.

"Lalo kang gumaganda ah"

Ngumiti lang ako ng bahagya kay Senorito Emil ng hindi tumitingin sa panganay nitong kapatid. Yumuko na ulit ako

"Let's go"

Madiin na sabi ni Señorito Zack. Humalakhak naman ang isa.

"Bye, Anna. See you around"

Hindi na ako tumugon dahil umalis na rin naman sila. Pinagpatuloy ko na ang pagpunta sa 3rd floor para masimulan itong linisin.

Spare (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon