Chapter 48: What if?

180 6 0
                                    

"Paano kapag negative 'yon? Paano kapag hindi talaga ikaw 'yong tatay nong baby? Paano ka na?" Sunod-sunod na tanong ni Oheb sa kanyang kaibigan na si Kaiden nang malaman nilang tinanggihan niyang buksan o tanggapin 'yong paternity result na bigay ni Dra. Mia. Nalaman nila na sinamahan niya si Dreams na magpacheckup pati doon sa pangsasawalang bahala niya sa resulta nong pinakahihintay niyang paternity test.

"Malakas ang kutob ko na akin 'yon, Heb." Walang alinlangan na sagot ni Kaiden at may pagmamayabang pa sa kanyang boses. Nagkatinginanang tatlo niyang kaibigan dahil sa kanyang isinagot.

"E paano kapag hindi?" Usal ni Marco, nakataas kilay na animo'y kinukumbinsi si Kaiden na tignan ang resulta nong paternity test upang matahimik sila.

Binato siya ni Kaiden ng nakarolyong tissue na nagamit, hindi 'yon tumama sa pagmumukha ni Marco dahil mabilis siyang umilag. "Akin nga 'yon. Nararamdaman ko. Hindi pwedeng magkamali 'tong tinatawag nilang luksong dugo kapag hinahawakan ko 'yong tummy niya."

"E sana manlang kasi sinilip mo kahit isang beses lang 'yong resulta." Suhestiyon ni Edward, napakamot ito sa kanyang ulo saka napasandal sa kanyang kinauupuan.

"Kayo ba ang tatay ha? Kayo ba?" Palipat-lipat siya ng tingin sa tatlo. "Forget about the test dahil malakas ang kutob ko na akin 'yon, okay?"

"Nabaliw ka na talaga. Dati dinaig mo pa ang demonyo dahil wala kang puso kung itrato mo si Dreams noon. Ni hindi mo nga tanggap 'yong baby non e tapos ngayon naman para ka ng mauulol sa excitement na lumabas 'yong bata." Singhal ni Oheb sa kanya.

"Wala e, mahal ko na siya e." Sagot ni Kaiden na hindi maipinta ang tuwa sa kanyang mukha. "Isipin niyo ah, dati, para akong napapaso sa babaeng 'yon non. Ni mukha niya kinaiinisan ko ng sobra, pati 'yong boses niya. Ni wala akong pakialam non sa baby niya malusog man o hindi. Pero ngayon, tangina, nabaliw na ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni baby. Alam niyo bang adik na adik na akong hawakan 'yong tiyan niya, pakinggan, saka kausapin. Para na nga akong tanga e." Nakangiting pagkwekwento niya't bumabalik sa alaala niya 'yong moment na hinahawakan niya 'yong tyan ni Dreams saka ito nagnanakaw ng tingin sa babae.

"E akala ko ba, gusto mo sa bata pero ayaw mong magkaroon ng anak?" Patutsada ni Edward.

"Dati 'yon, okay? Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit tuwang-tuwa 'yong mga tatay kapag magkakaroon na sila ng anak. Ganito pala sa pakiramdam, kakaiba. Sa lahat ng achivements ko sa buhay, dito ako mas lalong sumaya."

Ginusto niyang maging Pediatrician dahil mahilig siya sa bata pero wala siyang balak magkaroon dati ng anak o pamilya manlang. Sapat na sa kanyang may nagagamot siyang bata kapag nasa ospital siya. Malaya siyang tawagin na anak 'yong mga bata kahit hindi naman sa kanya. Nakakaya niyang maging tatay sa mga batang hindi naman niya kadugo. Pero simula nong  magkagusto na siya kay Dreams, doon na nagbago ang papanaw niya. Nacurious siya kung paano maging tatay at padre de pamilya. Naexcite siyang mahawakan at kargahin ang kanilang anak ng walang pag-aalinlangan. Naexcite siyang may tumawag sa kanya ng 'Papa' at 'Daddy'. Naeexcite na siyang makilala ang anghel na nagpabago sa kanyang buhay.

"Doc, ayaw ka namin na masaktan incase hindi 'yon sa'yo kaya hinihikayat ka namin na tignan 'yong resulta. Kita namin na excited ka kaya concern lang kami." Depensa ni Oheb na may pag-aalala s kanyang boses.

Noon lamang nila nakita si Kaiden na ganon kasaya sa isang bagay. Noon lamang nila nakita na naexcite ito sa isang hindi material na bagay at hindi patungkol sa medisina. Masaya sila oo, pero sa kabila  ng tuwa nila may takot silang nararamdaman para sa kanilang kaibigan.

"Hindi naman mahirap maging masaya para sa akin, di ba?" Wika niya na ikinatahimik nina Oheb, nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinabi nito. "Look guys, ngayon lang ako sumaya ng ganito. Ngayon lang ako naexcite hindi dahil nagtop ako sa klase, hindi dahil makakasama ko 'yong idol kong surgeon, hindi dahil magiging magaling daw ako na doktor kundi dahil magiging tatay na ako. Yes, it was not my plan pero wala e, nandito na. Gets ko kung concern kayo pero paniwalaan niyo 'yong nararamdaman ko. Overthinking can kill you, guys. Ayaw niyo ba non, magiging tito na kayo ha?" Palipat-lipat siya ng tingin kina Oheb na hindi pa rin maipinta ang kanilang mukha sa pag-aalala.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon