iv.

584 13 0
                                    

Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko. Suspended ang klase namin for three days dahil sa bagyo na maglalandfall mamayang alas singko ng hapon.

I was making a research proposal. By group naman ito pero wala naman akong ibang gagawin ngayon kaya ako nalang ang gagawa. I-sesend ko nalang sa kanila baka sakaling may idadagdag ang iba.

I got thirsty, so I went downstairs to get some water. Nasa second floor kasi ang kwarto ko.

While I was walking down the stairs, I saw one of our maids talking to someone. Kumunot ang noo ko. Nakatalikod kasi ang lalaki sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha.

Lumapit ako sa kanila and I was shocked nang makilala ang lalaki. It was Mago. Anong ginagawa ng lalaking ito sa bahay namin?

"Maris?" tawag ko sa pansin ng kasambahay namin. Nilingon naman ako nung dalawa.

"Ay, ma'am. Nandito pala kayo. Hinahanap niya daw po si Sir Eios." Namumulang sabi ni Maris.

Si Kuya Eios pala ang hinahanap, eh bakit namumula ka?

Si Maris ay ang anak ng mayordoma namin. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon.

I almost raised my eyebrow at her pero naalala ko na hindi lang pala kami ang nandito, nakatingin rin pala si Mago.

Inutusan ko nalang si Maris na tawagin si Kuya sa library. Tumango naman ito at umalis na.

I turned to face Mago. Nakatitig pa rin siya sa akin kaya medyo naasiwa ako.

I was contemplating whether I should call him Kuya Mago or just Mago. Nakakahiya naman kung tatawagin ko siya sa pangalan niya. First name basis ang atake, ganun? eh hindi naman kami close.

Kuya nalang siguro ang itatawag ko sa kanya. Obvious namang mas matanda pa ito ng ilang taon sa akin. I cleared my throat before speaking.

"Uhm, What would you like to have, Kuya? Juice or -"

"I'm fine. I'll just wait for your brother here." Putol niya sa akin at walang pakialam na umupo sa couch sabay kuha ng kanyang cellphone.

Uminit naman ang ulo ko sa inasta niya. Bwesit! Bastos at walang modo ang lalaking ito. Nakakainis talaga ang ganitong klase ng tao.

Tumingin siya sa'kin nang hindi ako kumibo sa aking pwesto. Nang makita niya ang nakasimangot kong mukha ay tinaasan niya ako ng kanyang makapal na kilay at umangat ng konti ang gilid ng kanyang labi. Was this idiot mocking me?

Ayaw ko namang bastusin ang bisita ni Kuya kaya mas pinili ko ang umalis nalang sa harapan niya. Akmang tatalikod na ako nang magsalita siyang muli.

"And one more thing -" I looked at him and raised an eyebrow.

"Don't call me Kuya, I'm not your brother." Istrikto at aroganteng saad niya.

Napanganga ako sa sinabi niya. Buti nalang at bumaba narin si Kuya. Nagtaka pa nga si Kuya nang makita ako sa harapan ng kaibigan niya na nakatulala. At nang mahimasmasan. I just composed myself, then decided to leave them.

Before I went upstairs, I heard my brother's stern voice.

"What are you doing here, Mago?" Matigas at galit na tanong ni Kuya Eios.

Magkagalit ba silang dalawa? Pero bakit nandito ang Mago na iyon?

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga naiisip at dumiretso sa kwarto.

As soon as I entered my room. I continued making the research proposal. It was already evening when I finished. Bumaba lang ako saglit para kumain at bumalik rin agad sa kwarto.

It's already late, and I still couldn't sleep. Iniisip ko iyong Mago at ang nangyari kanina.

Bumabalik sa isip ko ang pakikitungo ni Kuya sa kanya. Hindi naman ganoon si Kuya sa ibang tao, lalo na sa isang kaibigan pa niya. Bakit parang ayaw ni Kuya na nandito ang lalaking iyon?

Sa pagkakaalam ko merong bestfriend si Kuya noong college siya ngunit pagkagraduate daw ay pumuntang ibang bansa. Baka nakauwi na.

Pero imposible namang si Mago iyon dahil sa pagkakaalam ko mabait daw iyong bestfriend niya. Or baka naman nag-iba lang ang ugali, may ganoong klase ng tao naman talaga.

Kahit hirap matulog, pinilit ko parin. Ayaw ko namang mapuyat. Ilang minuto lang ay nakatulog narin ako.

Kasalukuyan kaming kumakain ni Kuya ng breakfast. Sa susunod na araw pa makakauwi sila Mom at Dad.

They always go overseas to manage our companies there, but they don't fail to take care of us.

They always make sure that Kuya and I are okay. They always make time for us kaya ni minsan hindi rin namin naisipan ni Kuya na magbolakbol. Dahil ganun naman iyon diba? Kapag masyadong focus ang mga magulang sa work, nagbobolakbol ang mga anak.

Other children rebel against their parents because they feel like their parents don't care about them. Kaya nagpapapansin nalang sa pamamagitan ng pagrerebelde.

Pero hindi naman ganoon ang nangyayari. Napapansin ka na nga nila pero nadidismaya naman sila sa mga pinag gagagawa mo.

Sometimes I don't understand why other people choose to do wrong deeds over good ones.

"Erza, you remember that man who visited yesterday? That's Mago. And I want you to avoid him from now on. You get me, young lady?" Kuya abruptly spoke, causing me to stop
eating and look at him.

"Why, Kuya?"

"Don't ask, and just follow what I told you." pinal niyang sabi bago nagpatuloy sa pagkain.

I eyed him curiously. Why does he want me to avoid the man? Anong bang meron sa lalaking iyon?

Captive Love Where stories live. Discover now