Chapter 29

37 8 0
                                    



Sobrang bilis din ng oras at araw, alam kong pagkatapos ng New Year balik Manila nanaman kami at syempre balik aral. Parang sobrang kulang pa ang bakasyon, doon na din kami sa Palawan nag New Year. Akala ko aalis na si Levi pero gusto pa daw niya mag stay dito kaya sa Pinas. Buti nalang may condo siya dito at doon nalang muna siya titira, mabuti na nga lang din at nandito siya pwede ako magpatulong sakanya kapag Internship ko na.




Back to Normal nanaman kami, nakatira pa din kami sa condo ni kuya. Balak na din namin maghanap ni Aziel ng sarili naming condo pero ang sabi niya siya nalang daw ang bahala. Umagree naman ako tutal mas maalam siya sa pagpili pero sa design ako na ang bahala.


Hanggang ngayon curious pa din ako sa sinabi ni Levi. Pagkatapos kasi niyang sinabi nakatulala kaming tatlo sakanya, nakita ko din ang kakaibang tingin ni Miya at Ayani saakin.


Third year na kami ni Miya at konting kembot nalang talaga malapit na kaming mag Internship. Nakakaexcite pero nakakakaba din hindi ko alam kung anong mangyayari saamin pero sana kayanin namin kahit gaano kahirap.


Nandito na kami ni Miya sa room, late nga lang dumating ang prof. Nag discuss lang siya about sa topic hanggang finals actually wala na masyadong gagawin dahil hinahanda na kami for Internship kailangan daw Limang company ang papasukan namin para matapos ang Internship. Iniisip ko palang parang sobrang nakakapagod na agad.


Pagkatapos ng discussion nagpunta na kami ni Miya sa canteen wala ngayon si Ayani at Kurt dahil busy na din silang dalawa lalo na si Ayani. Kita ko kung paano siya mahirapan sa mga subjects niya ngayon. Gusto man namin siyang tulungan kaso hindi naman namin alam kung paano.


"I miss Aziel!" Pagrereklamo ko, hindi ako sanay na hindi siya kasamang kumakain ngayon! Dati kasi halos magharutan pa kami sa harap ni Miya. Pero busy na siya dahil malapit na din ang graduation niya


"Gaga magkasama lang kayo kahapon ah parang ilang dekada kayong hindi nagkita!" Inukutan niya ako ng maya dahilan para matawa ako sakanya


"Magkaiba pa din kapag kasama ko siya! Pinipilit ko na nga lang pumasok para kahit papaano hindi ako mabulok sa condo" Sa totoo lang wala na akong gana pumasok, para kasing lumalayo ako lalo dito sa course ko kahit malapit ng matapos. Pagkatapos ng klase namin, tumawag si Levi na magkita daw kami sa mall. Niyaya ko si Miya na sumama saamin kaso ayaw niya, siya ba ang may gusto kay Levi or si Ayani?


Nagpaalam na din ako kay Aziel na magkikita kami ni Levi. Nagreply lang siya na magenjoy daw kami but not in a bitter tone. Alam naman ni Aziel na magkaibigan kami ni Levi at marami din akong itatanong sakanya. Sinundo niya ako sa school namin kitang kita ko ang mga babaeng nakatingin sakanya, ang sabi niya sa mall magkikita bakit siya andito!


"Why are you here?! Baka maissue tayong dalawa" Reklamo ko sakanya, nagkibit balikat lang siya at nagsimula ng magdrive. Padating namin sa mall sinundan ko lang saan siya pupunta, pumunta kami sa Musar music nagtaka naman ako kung anong gagawin namin dito. May kinausap siya doon ako naman nagtingin tingin lang


"Hi ma'am welcome to Musar, what instrument you like?" Tanong saakin ng lalaki dito. Nginitian ko lang siya at tumingin tingin lang. May nakita akong Piano kaya agad ko pinuntahan, sabi naman dito pwede daw itry, umupo at nagsimulang magtugtog. Nasa labas itong Piano kaya nakikita ako ng mga taong naglalakad at napapahinto sila sa tapat ng piano.

Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon