Pain, the love of my heart

627 14 3
                                    

"Ayenne, can you be my girlfriend?"

Tinitignan niya ako nang diretso sa aking mga mata. Nakikita ko na totoo siya sa mga sinabi niya. 

"Yes, Pain. Yes,"

Niyakap niya ako nang mahigpit. Damang-dama ko ang pagmamahal niya. Masaya ako ngayon dahil dumating na itong pagkakataon na ito.

"I love you, Ayenne." napangiti ako.

"I love you too, Pain."

**

Kabaliktaran ng pangalan niya ang ipinaparamdam at ipinapakita niya sa akin.

Hindi man naging perpekto ang relasyon namin, pero masaya kaming dalawa sa isa't-isa.

Hindi rin maiiwasan ang konting pag-aaway at pagtatampuhan pero hindi namin pinapalipas ang isang araw na hindi kami magkakabati.

Pero dumating ang panahon na kung kelan mahal na mahal ko na siya--na hindi ko na siya kayang mawala sa akin, saka niya sinabing..

"Sorry, but lets just break up."

Tinanong ko siya kung bakit biglaan, kung bakit ganun-ganun nalang.

Pero nagawa niyang sabihin sakin nang nakatingin ng diretso sa mata na hindi na niya ako mahal.

Alam kong hindi lang yun ang dahilan kaya hindi ako tumigil na magmakaawa sa kanya.

Pati pamilya niya, nilapitan ko pero ang sabi nila, hindi nila alam ang dahilan.

Hindi parin ako tumigil hanggang may makarating sa aking balita na naging biktima lang pala niya ako.

Naging biktima, naging bihag niya ako sa laro niya. Pero wala akong pakialam. Mahal ko siya at ipaglalaban ko iyon. Malay ko ba kung iba pala ako sa kanya, na hindi ako katulad ng ibang nabiktima na niya.

Gusto ko sa kanya ko marinig ang lahat. Handa akong makinig sa lahat ng sasabihin niya, masakit man o ano.

Dumating na nga ang araw na nagkausap kami. Sobra ang takot at kaba ang naramdaman ko ng araw na yun.

Sinabi niya sakin ang lahat. Tama nga ang sabi nila, na nabiktima niya rin ako.

Tinanggap ko ang lahat ng yun ng buong puso. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, tiniis ko. Gustuhin ko mang magalit sa kanya, pero hindi ko kaya. Hindi kaya ng puso ko.

**

Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Kinalimutan ko ang mga ginawa niya sa akin dati at inisip na lamang na hindi niya ako kilala. Lumbaga sa isang artista, ako yung taong labis na humahanga sa kanya. Hanggang sa umabot na sa pagmamahal. Na kapag nakikita o nalalaman mo na may kasama silang babae at hindi mo maitatanggi na bagay nga talaga sila--nasasaktan ka. Ganun ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya sa piling ng iba. Marami namang taong ganun diba? Hindi ako nag-iisa.

Habang buhay kita mamahalin, Pain. Kahit na alam kong hindi ito mapapalitan ng kahit anong galing sayo.

~

Pain, the love of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon