CHAPTER 4

30 3 0
                                    

Lumipas ang isang linggo ng mas lalo akong hindi napakali sa pag-stay ko dito sa mansyon. May mga oras na nakikita ko na lang si Senorito Zack na pinagmamasdan ako sa malayo. Lalo na kapag nasa garden ako nakikita ko siya sa labas ng bintana niya na naka-titig saakin. May mga oras din na tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ako. Sobrang creepy na ng dating niya saakin. Hindi ko naman masabi kila mama dahil baka nago-overthink lang ako.

Katulad na lang kanina, pinatawag ako ni madam para linisan ko ang sala, pero nandun pala si Senorito at habang naglilinis ako ramdam ko ang pagtitig niya saakin. Pinilit ko na lang na hindi siya pansinin at nag pokus na lang ako sa paglilinis para mabilis ko itong matapos at nang makaalis na.

Sa loob ng isang linggong 'yon ay feeling ko laging may matang nakatingin saakin. Kahit saan, basta dito sa loob ng mansyon.

"Wala pa rin pong tubig?"

"Wala eh, liligo ka na ba?"

"Opo, sana"

Hindi ko alam kung bakit walang tubig dito sa banyo namin. Hindi naman nawawalan dito e, ngayon lang.

"Ay diba maglilinis ka naman dun sa 3rd floor? Dun ka na maligo"

"Baka pagalitan ako ni madam, Ate Jhonna"

"Hindi! Alam na rin naman ni madam"

"Talaga po? Sige po"

Kumuha na ako ng mga damit ko at gamit panglinis para makaakyat na sa 3rd floor. Habang papalapit ako, hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Heto nanaman yung feeling na parang may nagmamasid saakin. Isinawalang bahala ko na lang at naglinis na muna ako. Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako. Papalabas na sana ako ng banyo ng bigla akong makaramdam ng hilo. Parang nagdidilim ang paligid ko. Pinilit kong lumakad ng deretso para makalabas na pero hindi ko kaya. Bumagsak na ako ng tuluyan pero bago ko ipikit ang mata ko nakita kong bumukas ang pinto.

Nagising ako ng nakahiga na ako sa kama, madilim na rin ang paligid. Tatayo na sana ako pero sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko at medyo nahihilo pa ako. Ano bang nangyari? Wala na akong matandaan simula ng bumagsak ako.

Kahit medyo nahihilo pa rin ako ay bumaba na ako. Gabi na at panigurado hinahanap na ako sa baba. Nadatnan ko silang lahat sa kusina, nakain na sila madam. Napatingin sila nang pumasok ako kaya napayuko na lang ako at pumunta sa tabi ni Ate Jhonna.

"Oh, Anna. Kamusta pakiramdam mo?"

"Ayos na po madam. Pasensya na po"

"Okay lang, magpahinga ka na lang muna sa kwarto mo"

"Salamat po"

Nang matapos sila kumain ay kumain na rin kami. Hindi ko nakikita si mama. Asan kaya yon?

"Uy, Anna. Kamusta na pakiramdam mo? Nakita na lang kitang nakahandusay sa sahig kanina"

Si Ate Jhonna pala yung nag bukas ng pinto kanina bago ako mawalan ng malay.

"Ayos na ate, medyo nahihilo lang. Salamat po pala. Pero, asan po si mama?"

"Pinasama ni madam kay Senorito Emil para raw may maglilinis ng bahay ni señorito doon"

Hindi dito nakatira ang dalawang anak nila madam. Meron silang kaniya kaniyang bahay simula nung nag 18 sila, regalo ng tatay nila kaya madalang ko rin silang makita rito.

Palaisipan pa rin saakin kung anong nangyari kanina. Maayos naman ang pakiramdam ko bago ako mahimatay, pero siguro nga ay dahil na rin sa pagod dahil sunod sunod naman ang gawain namin nitong nakaraang araw.

Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw ito.

****

From: Alex

Magandang gabi, Anna. Kailan kayo ulit papuntang palengke? Hahatid ko kayo ha.

****

Napangiti ako sa nabasa ko. Akala ko nalimutan na niya 'yung sinabi niya saakin. Tamang-tama, kasasabi lang sakin ni Aling Pasing na mamamalengke kami bukas.

"Ngiting-ngiti ka diyan ah, sino 'yang nag-text ha?"

"Ay, hehe, si Alex po ate"

"Aba si pogi pala, kaya pala abot tainga 'yang ngiti mo"

Napatawa na lang ako sa sinabi ni ate jhonna. Napansin kong kaming dalawa na lang ni Ate Jhonna ang natira dito mga nagsialisan na yung iba naming kasama, siguro ay nagpapahinga na sa mga kwarto nila.

"Ikaw na muna ang bahala rito, Anna ha. Antok na talaga ako e"

"Sige po, Ate. Pahinga na kayo"

Nag-reply muna ako sa text ni Alex bago ko simulang magligpit. Naglinis lang ako ng kaunti dahil hinugasan na naman nila ang mga pinagkainan nila. Nagpunas na lang ako ng lamesa at lababo at nagwalis na rin, nakapagbihis na rin ako ng pangtulog ko. Pagkatapos kong gawin ang lahat ay nagtimpla na ako ng gatas ko. Sa kwarto ko na 'to iinumin.

Papalabas na ako ng kusina nang makita kong may kasamang babae si Senorito Zack. Nagtatawanan sila habang magka-akbay na papunta sa taas, halata mong lasing sila pareho at pagewang-gewang ang lakad nila. Nagkatinginan pa muna kami ni Señorito, ngumisi siya saakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago sila umakyat pataas.

Spare (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon