Chapter 1: Darkness Welcomes

50 1 0
                                    

Hi! If you're familiar with this writing style, it's me who wrote this story. After almost eight years, napag-isipan ko rin i-publish. I have purely lie issues back then and note this story contains nothing but story to tell how lazy my brain to bring such storyline. Out of boredom, my hands created together with my brain a tale for everyone to get rid of boring days. You have nothing to enjoy this, basa lang.

Welcome to another world of fiction. And Welcome to a world of boredom. Nawa'y maintindihan ni'yo na hindi ako *tagalog speaker o *english speaker dahil may iba-iba po tayong ginagamit na salita pang komunikasyon, ( * kind of not my first language) kaya sa mga nagbabalak itama ang mga gramatikong nagamit, intindihin na lamang.

- Arkilohikal :)






The Tale of Darkness

Chapter One



Alauria Monterey







I can't think of my death.

Thinking of it makes me want to die.

"Wake up, sleeping beauty."

Nagising ako sa maliit na boses na iyon, pero sapat na upang magising ako sa mahimbing na pagkakatulog. Umalis ako sa malambot na kama, ngunit hindi ko masasabi na nasa silid ako dahil nasa gitna ako ng napakalawak na dilim.


Hindi ko alam kung bakit tila pamilyar sa akin ang tagpong ito dahilan kung bakit ako nalulungkot. Hindi ko alintana ang pagod sa paglalakad sa napakalawak na dilim, ang bawat hakbang ko ay nagbibigay ng mabibigat na pakiramdam sa aking dib-dib. Umaapaw ang takot. Hindi ko alam kung bakit ako huminto sa paglalakad na wari'y alam ng aking sarili ang susunod na mangyayari kung ipagpapatuloy ko ang kuryosidad maabot ang hangganan ng lugar na ito.

Nilingon ko ang kama. Puting-puti samantalang nababalot ng kadiliman ang paligid.

Ang kaninang bumabalot na kadiliman ay unti-unting lumihis nang ituon ko sa direksyon na aking pupuntahan sana. Ang dahilan: ulap na tumatakip sa liwanag ng bilog na buwan sa kalangitan habang kumikislap pa ang maliliit na mga bituwin sa likod niyon. Ang kaninang malawak na dilim ay napakalawak pala na hardin, puno ng rosas na pinapalibutan ng kagubatan. Sa linyang humahatid sa akin, may nakatayong malaking mansion na hindi kumawala sa aking paningin. It's a scary thing to say how beautifully they don't know what darkness may bring.

Hindi ko na lamang pinansin ang naisip kong iyon nang namalayan ko na tila ba may sariling pagiisip ang aking mga paa kung kaya't ay kusa na lamang sila lumakad palapit roon.

Kusang tumigil ang aking sarili paparoon at pinagmasdan ang buong kabuuan ng malaking mansion na hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.

Ang bawat detalye ng bahay ay pamilyar sa akin, ngunit hindi ko maiwasan ang mamangha sa laki at ganda nito. The fountain located on its front perfected the scene, but not only the ambiance, but all the surroundings that surround the mansion. Ang pagkamangha ay napalitan ng lungkot. I hate myself for admitting that I am weak and longing for some reason. 

I don't know why I feel that way. The more I search for answers, the more I swim deeper in the dark.

Dahan-dahan ako naglakad paroon at nang nasa tapat na ng malaking pintuan ay tinulak ko iyon ng bahagya. Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa akin ang sapat na rami ng taong nagkakasiyahan doon. Wearing their sophisticating dresses and tuxedo's. Ang magagarbong kagamitan sa loob ng bahay ay nagsusumigaw ng karangyaan ng mga taong may ari nito.

"There you are." A woman welcomed me. Muli, ginawa ko ang kanina. Nilingon ko ang kadiliman na para bang ibang dimension ng daigdig pagkatapos binalik muli ang tingin sa babae.

Lumapit ang babae. Hindi nalalayo na isa siya sa nakikisaya rito. "Come with me," Alok niya at saka nilahad sa harapan ko ang malaki at maputla niyang kamay. Hindi ko alam, nang simula kong hawakan ang kaniyang kamay ay nabalot ako ng magaan na pakiramdam. But on the other thought was longing. Nalulungkot ako. Marami kaming nadaraanan habang hawak niya parin ako ng mahigpit sa kamay.

Saka lang kami tumigil nang may humarang sa kaniya at hindi ko alam kung papaanong nangyari na may kausap na siya. Luminga ako sa paligid at may mga batang masayang naghahabulan roon. Kanilang kasuota'y naiiba sa amin pati na ang lugar na kung saan doon lang sila at kami'y sa enggrandeng mansyon.

"Go play with them."

Lumingon ako sa bumulong na iyon at napatingala sa hindi ko maaninag na mukha nito. Her voice reminds me of my mother's. The smile on her face is visible in my eyes, even though her face is blurry.

That smile painted on hers was like assuring me of something. Something that says everything will be fine.

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa aking kamay at naglakad palayo sa kaniya ngunit natigilan ako nang may tumawag sa aking pangalan. Hinanap ng aking mga mata ang taong iyon at hindi naman ako nabigo dahil kumaway ito sa ere habang ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi maalis.

Tinawag ko siya subalit ang sariling boses ay hindi ko narinig. Kumaway ako pabalik.

Lumakad siya palapit sa akin pagkatapos noon. May inabot itong apat na puting rosas sa akin habang ang mga ito'y sariwa pa sa aking paningin. Inabot ko naman ang mga iyon at saka pa inamoy-amoy ang samyo nito.

White. Am I going to die? Ang kaninang masaya na mukha nito ay unti-unting nawala. Hanggang sa napalitan ng walang bahid na ekspresiyon sa mukha, but the emotion forming in his eyes is something I can't explain because horror filled the room. Sunud-sunod na putok ng mga baril ang umalingawngaw sa buong paligid dahilan upang matuon doon ang aking paningin sa mga oras na iyon.

Guns are on fire. 

Bullets are fired. 

Everything turned into a mess.

Takot ang nababakas sa aking ekspresiyon. Nanginginig ang buong katawang dahan-dahang umaatras paalis doon sa pinangyarihan ng barilan.

Nararamdaman ko na lamang na para bang may likido na unti-unting dumaloy sa aking kamay. Nanginginig pa ako na inangat ito. Doon, kita ko ang dugo na para bang ugat na dumaloy pababa sa aking kamay. Ang dating sariwa at puti na mga bulaklak, ngayon naging kulay dugo at unti-unting nalalanta at bumabagsak sa sahig ang tumutulo na ngayon nitong dugo.

Napapaatras ako sa nakikita habang nanginginig ang kamay na binibitawan ang mga bulaklak.

Subalit huminto ako nang may maramdamang malamig na bagay sa aking sentido. Nanigas ang aking katawan sa bagay na iyon at nanlalaki ang mga matang takot itong lingunin. The painful scene is slowly fading travel me to black messy forest. Nang hindi na magkamayaw ang senaryo doon, nakita ko ang sarili na nakaharap sa parihabang salamin-hindi kalayuan sa aming distansya. Mirroring me with a man wearing a black suit and mascara that covers the three-fourth of his face, pointing me a black gun at my precious head.

Ang kaninang ngisi nito'y napalitan ng mas malawak at mala-demonyong ngisi sa kaniyang mukha. Ang senaryong iyon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang lamig.

When things were fading and also the devil, the last thing I knew was that everything'd gone blank—the moment he pulled the trigger, the moment I woke up in a bloody nightmare.

Quick breathing and sweating told me I was again in my darkest dreams. Makalipas ang minutong sariwa pa ang panaginip na naglalaro sa aking isipan, pinikit ko at isinantabi upang makaalis na ng kama. Matapos ang mga pangyayaring iyon, napagpasyahan ko na lumabas ng aking silid at noon ko lang napagtanto, huli na naman ako sa klase.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon