Sorry to ruin your imagination for Alauria, because I do not want to use any artist to portray my characters. A simple reminder before you proceed: do not use or repost any form of the image above without my permission. Portrait made by me, Arkilohikal.
Chapter Two
"My ghad! You're late again, Ms. Monterey!"
Whoa! Napakagandang bati sa unang araw ng buwan—oh well! Tinanguan at hindi na lamang pinansin ang guro na laging sumisira ng araw ko at saka siya nilagpasan at nagtungo sa silya ko at doon sinalampak ang sarili upang makinig ng morning discussion nito.
Titigan ang labanan sa tuwing ganito. Hindi na matatanggal ang kulturang ito sa W. Field High School na bawat estudyante, hindi alam ang salitang mind your own business, pero ginawang trabaho araw-araw. Kung sabagay, bagsakan nga ng mga walang kwenta ang paaralang ito tapos ay mag didemanda ng special treatment—that applies to some.
Lumipas ang ilang minuto at habang nakikinig kami ng walang sawang pagdidiskusiyon ni Sir John, dahan-dahang pagbukas ng pintuan ng silid ang agad na pumukaw ng aming pansin at doon natuon ang aming atensiyon sa kapapasok lamang na babae.
According to my observation, she had the usual, typical boring look of a girl who loves to read books and used to be alone in the corner. In short, a nerd.
Whoa! Akala ko ako na ang pang huli sa tinapon rito pero nasundan pa pala. Ayon sa hitsura niya, mukhang naligaw yata. Malamang ay hindi alam kung anong naghihintay sa kaniya rito. Kung ako sa kaniya ay lilipat na ako ulit ng eskuwelahan pagkatapak palang dito--Well, I'm not her. I don't know how many days, weeks, or months she'll survive entering this hell-like school. Nakapagtataka lang, tapos na noong nakaraan ang eksaminasyon namin.
Dumako ang kaniyang paningin sa akin nang masiguro yata na may nakatingin sa kaniya, but actually, lahat kami... or maybe, nagkataon lang. Subalit ang simpleng pagdako ng kaniyang tingin ay nagbibigay sa akin ng kakaibang lamig. It chills me.
Hindi ko na lamang pinansin ang pakiramdam na iyon at pasimpleng tinuon sa ibang direksyon ang aking paningin habang ramdam ang pagka balisa sa kung anong enerhiyang lumalabas sa babae.
"Oh, I'm sorry. I forgot. You have a new classmate." Paghinging tawad ng aming guro sa harap saka niya tinuro ang nasabing bago naming kaklase.
Sinenyasan ni Sir John ito ng isang tango bagay na upang magpakilala ang huli sa harapan. Simple at disente niya pinakilala ang sariling walang bahid ng kaartehan. Pangalan at simpleng taon niya lamang:
"Hi." Pauna niyang bati. Walang emosiyon ang mukha, pero sa mata'y nakikita ang emosyong tinatago.
"I'm Naomi Rose. Eighteen years old," Huminto siya saglit at nagpatuloy, "Gusto ko lang matuto." Pagbitaw nito ng kasunod, nagkaroon ng katahimikan. Naghihintay kung dudugtungan pa niya pero seryoso ito na hanggang doon lang kaya nabuhay ang ingay.
Ang iba'y nagtawanan sa munting speech na kaniyang binitawan, ang iba'y nagbulungan ngunit ako'y napabilib sa lakas ng kanyang loob na sabihin iyon gayong kilalang terror ang nasa harap naming guro. Palihim na lamang akong nangisi sa kanya, pinanatili ang katahimikan habang naiibsan ng kanyang winika ang aking nararamdaman.
"Please be seated." Natahimik ang lahat sa pagtikhim ng aming guro at pagkatapos no'n, iginiya sa bakanteng upuan sa likuran ang babae.
Natapos ang klase matapos tumunog ang pinakahihintay na tunog ng bell saka ang "Class dismiss," ni Sir John. Mabilis ako nagtungo sa cafeteria at um-order. Pagkatapos makuha ay agad kong binayaran sa counter at saka nagtungo sa pinaka malayo at bakanteng upuan kung saan ito ang iniiwasan ng mga estudiyante rito. How typical high school story, tsss... pero nga naman, doon pumupwesto ang hari ng students. Duh. Who cares?
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Misterio / SuspensoAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...