Chapter 4: The Sandwich and the J-rk

17 2 0
                                    

Sorry to ruin your imagination for Herlliot because I do not want to use any artist to portray my characters. A simple reminder before you proceed, do not use to any form the image above and reposts without my permission. Portrait made by me, Arkilohikal.





Chapter Four







Ano pa ba ang pwedeng nangyari ngayong araw? Well, hindi ko alam kung anong kasalanan ko at kung anong batas mayroon ang bias na eskwelahang ito. Umirap ulit ako sa ikasiyam na pagkakataon sa isiping iyon. I got detained after that encounter without the girls, who were probably making fun of me. Doon ay hinintay pa ako hanggang uwian ng aking kapatid na nakipagdebate pa sa principal na ayaw man lang makinig.

And now this white malnourished girl initiated to drive me home. Baka naman ay gusto niya lang ako samahan upang sabihin ang mga nagawa ko ngayong araw? Pero sigurado ako lumipad nanaman ang balita kay, Pierre—oh well! sanay na ako. Pero kapag nalipat na naman ako, I am surely gonna miss my current school, especially 'yong mga pangpa-tanggal stress ko. Ang mga babae na walang ginawang maganda at naninira ng reputasyon.

"My goodness, Alaurria!" York overreacted. Hindi niya maituon ang pansin sa akin na alam kong hindi kaaya-ayang tignan. At dahil lumaki akong kasama siya, alam kong naiinis ito sa inakto ko.

"Hmmm?" tanong ko habang pinapanuod ang bawat nadadaanang mga puno sa tanawin. Humilig ako sa kinauupuan ko at isinandal ang ulo sa matigas na salamin ng pintuan upang makita ang repleksyon ko sa side mirror.

"Last na 'yon, ha. I swear kapag nalaman na naman iyon ni Pierre, he might send you to another school without consideration." Pagalit niyang ani habang ikinukumpas sa ere ang kaliwang kamay upang maisiksik yata sa kukote ko ang sinasabi.

Yeah, yeah, malaman lang ni Pierre. Umirap na lang ulit ako. Hindi na makamove ang mga tao ngayon and it seems walang balak kalimutan ang nangyari kanina. Kailan ba matatapos ito ng hindi binabanggit si Pierre? Tsk!

"Hayaan mo, hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari. Sinabihan ko na rin ang Principal ng eskuwelahan ni'yo na huwag nang ipaalam iyon." Napahinga ako ng maluwag dahil doon.

Matapos iyon, katahimikan ang naghari sa pagitan namin hanggang sa makauwi kami ng mansion. I silently cheered in silence.

Maluwag na binuksan ang makapal, itim, at matatayog na gate habang umaandar papasok ang sinasakyan namin at nang huminto na ang sasakyan ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Mabilis akong nagtungo sa double doors ng aming mansion. Bukas iyon kaya hindi na makakaabala pang buksan ng aking kamay.

Diretso ang lakad sa loob at bumungad sa akin ang maayos na istruktura ng bawat detalye ng bahay. Mahahaba ang mga kurtinang madilim na berde na nakasabit sa bawat gilid ng bintana na malalaki din. Simple but the elegance is in there. Ang puting chandelier sa itaas ng kisame ay tila nagniningning sa liwanag, it is designed like a forbidden stair, na ang pinaka gitnang nakasabit dito ay nakadirekta sa aking ulunan. The vases, paintings on the wall, and carpeted floor are designed to emphasise the elegance of the mansion's interior. 

Naagaw ng aking pansin ang kapatid. Tahimik nitong tinahak ang daan patungong library. Dinig kong pinindot nito ang locker upang walang sinuman siguro ang bigla na lang pumasok ng walang pakundangan, even though the room is sound proof. Pero kahit na ganun pa man ay sinarado pa rin niya iyon. I wonder what makes it private... ipinagkibit balikat ko na lang at tinahak ang hagdan patungo sa aking kuwarto.

Pasalampak akong nahiga sa malambot at malaking kama. Huminga ako ng malalalim. I stared at the white ceiling when I felt my body get tired. I didn't intend to change my clothes, take off my shoes, or even take a bath for any refreshments when I felt that I was falling asleep.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon