Song for this chapter: Champagne Supernova by Oasis | Idon'twannabeyouanymore by Billie Eilish)
Chapter Five
"Slowly walking down the hall." Alingawngaw ng tugtog. Late ng anim higit na minuto ang pagdating ko sa W. Field. Mga hiyawan, tugtugan, at mga malilikot na ilaw ang agad na sumalubong sa akin pagpasok ko ng party room na animo'y sumasabay sa mga estudiyante na nagkakasiyahan sa gitna ng dance floor. Right. This party is for the seniors pero nagmukhang bar ang ganap.
"Slowly walking down the hall
Faster than a cannonball
Where were you while we were getting high?
Someday you will find me
Caught beneath the landslide
In a champagne supernova in the sky..."Ang bawat estudyanteng nakikita ko ay nasisiyahan sa nangyayari. Subalit sa kabilang dako, nakikita ko ang mga milagrong ginagawa ng mga estudyante kaya muntik ko nang matawag ang mga santo.
Nakalimutan na yata nilang nasa eskuwelahan sila. Hindi ko alam kung masusuka ba ako o aalis na lang.Hindi ko na sana papansinin ang mga ito nang mamukhaan ko ang babae roon. Buddah! Hindi ko alam na make out party pala ito at hindi lang acquaintance party! Nakakadiri. That girl, that leader girl, making out with her boyfriend, maybe.
Kahit hindi ko masikmura ang mga nakita ko ay sinubukan ko pa rin na huwag na lang iyon pansinin pa. Humanap na lamang ako ng mauupuan pero lahat na yata ay okupado na ng mga estudiyante kaya naman ay naghanap ulit ako ng maaaring maupuan at hindi pa okupado. Mabuti namang mayroon pang natitirang isa sa counter kaya naman agad akong pumuwesto roon.
Ang kantang naririnig sa dance floor ay hindi ayon sa nangyayari. "Where were you while we were getting high?"
Sinabayan ko ng kaunting headbang ang kanta at natigil sa akmang paglingon sa mga nagkakasiyahang estudiyante nang may mag-alok sa akin ng isang alak. Hindi ko alam na may lahing kabute ang nakasabayan ko sa kantina noong nakaraan.
Hindi ko siya sinagot imbis ay inabot ko ang nakatapat sa harapan ko na alak sa maliit na shot glass and we toss at saka uminom ng kaunti doon. Naramdaman ko ang bahagyang pag lamig ng aking lalamunan hanggang sa aking sikmura. Napatitig ako sa inumin at nagpasalamat dahil hindi iyon alak. Siguro upang hindi mawala ang enjoyment sa party kaya ganito.
"Jensky, Bellacris." Pagpapakilala niya sa sarili sabay taas ng maputla niyang kamay hudyat na nakikipagkamay siya sa akin. At dahil kampate ako sa ipinapakita niyang ugali ay hindi ako nag-alinlangan na kunin iyon at aluin ang kaninang hinihingi niyang kamayan.
"Alauria Monterey." Pagpapakilala ko naman at uminom muli. Lumingon ako sa mga estudiyante na nagkakasiyahan sa gitna ng dance floor habang tahimik na pinapanuod sila sa bawat paggalaw nila.
"How many special people change?
How many lives are living strange?
Where were you while we were getting high?
We were getting high
We were getting high
We were getting high
We were getting high
We were getting high
We were getting high
We were getting high
We were getting high
We were getting high (oh oh oh)
(Oh oh oh)...""You're quiet. You can tell something about yourself to add a little noise to our place." Napalingon ako sa gawi niya pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumungga naman siya sa hawak niyang shot glass habang nakatingin sa mga nagkakasiyahan doon sa dance floor. Kita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan sa bawat lagok at pagkatapos ay binaba ang baso. Ano ba dapat ang sasabihin ko?
Muli ay hindi ako umimik at tumungga na lang ulit. Wala akong masabi. Now the next song played a sweet and igniting melody to the bones. Hindi pamilyar ang kanta pero nadadala niya ang lahat na narito sa munting pagsayaw ng... uh! Nevermind.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...