Song for this chapter: Check Yes Juliet by Red Jumpsuit Apparatus
(Author's note: Alawria not Aloria)
Chapter Eight
I lay myself on the bed of roses, but it's like a bed of thorns torturing my back. No thorn can match the pain I feel whenever I lay on this bed. It's like an endless pain, like a nightmare that always hunts me. I wish someone would wake me up from this kind of dream and that there would be no more sleeping beauty.
But no.
Seeing blood around suffocates me together with the guns and the pains that cause me to scream how it hurts like hell in this void dream.
Dahan-dahan akong uma-atras paalis doon hindi malaman kung anong nangyayari. Tila lumalayo ang buong paligid habang mulat ang aking mga mata na halos ayaw kumurap. Ang malakas na putok ng baril ang agad na pumukaw ng aking pansin. Habang ang pansin ko'y nakatuon doon, saka ko lamang naramdaman ang sobrang hapdi na tumutusok sa aking kamay na mahigpit na nakakuyom. Unti-unti kong inangat ang kamay na nakahawak sa mga rosas. Kasabay ang unti-unting paglanta ng mga ito, nanginginig na binuksan ko ang aking palad. Dugong dumadaloy at magkakasabay na pumapatak ang nakikita't naririnig ko sa malawak na dilim.
Muli kong tinuon ang aking paningin sa taong may hawak na baril. Lumihis ang makakapal at madidilim na ulap sa kalangitan, napalitan ng gubat ang kadilimang sumasakop sa kapaligiran. Nakapalibot din ang napakaraming salamin kaya nilibot ko ang aking obserbasyon sa buong paligid. Nakikita ko sa magkakaibang panig ang aming repleksyon.
Matapos kong libutin ang aking paningin saka ko naman tinitigan ang nakaharap sa akin na salamin. Unti-unting nababasag ang mga salamin kasama ng aking repleksyon kaya napapikit ako at tinanggap ang kapalaran subalit napalitan ng lambot ang naramdaman ko nang muli kong imulat ang aking mga mata.
Ngunit winakasan ng nagngangalit na tubig ang komportableng pakiramdam na iyon. Parang bula na agad nawala ang kaninang lambot na napalitan ng dagat na dugo.
Mga nakalutang na patay ang Nakikita ko sa guhit-tagpuan. May mga nalalanta ring bulaklak na animo'y nakikisali. Ang lahat ng mga iyon ay para bang nagpapahiwatig na ako na lang ang natitira.
"Alaurria." Paulit-ulit niyang tawag. Lumulusong ang tunog sa hindi makita kung anong uring alon ang naririnig ng aking tainga.
"Alaurria." Rinig kong muling boses sa kawalan habang hinahanap ko ang nagmamayari ng boses na iyon kanina. Natigilan ako sa paghahanap nang sa wakas nakalubog na ako at makita ang salamin sa ilalim ng dagat. Nakabaon ng kaunti sa buhangin. Nasa loob niyon ang repleksyon ng tao.
Dumistansya ako sa nakikita. Tanging alam ko lang ay ang nais na makaalis. Gayunman kita ko parin mula roon ang senaryo ng masukal na kagubatan at ang pamilyar na bulto ng tao. Kahit anong nais kong makaalis, hindi naman nangyayari.
Nababalutan ng misteryo ang tao pero nababasa ko ang nais niyang gawin. Unti-unti niyang itinaas ang hawak na baril saka itutok sa aking direksyon ng walang halong paggalaw.
"Hindi."
Kasabay ng putok ng baril ang agad nagpabangon sa akin sa madilim na kwarto at nasisilayan ko mula rito ang kaunting tagos ng liwanag ng bilog na buwan sa kalangitan.
Napakaraming bituwin ang aking natatanaw mula rito sa aking kinatatayuan. Ang buwan na tila ako at ang mga bituin na pumapalibot doon ay tila mga bulaklak na pumapalibot sa akin. Mula sa kawalan nakikita ko ang isang nakatayong mansion. Diniretso ko ang lakad papunta roon na para bang wala sa aking isipan na huwag huminto sa paglapit.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Misterio / SuspensoAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...