Chapter Twenty-one
"Alauria."
Tinuon ko ang aking atensyon sa taong tumawag sa aking ngalan at hinintay magsalita. Tumikhim siya, "Halika na." Tawag niya pero tumalikod muna ako upang bigyan ng huling tingin ang ospital. Pinagmasdan ko ng mabuti ang bintana ng aking silid saka muling humarap sa kausap na nginitian ako. Nagsimula siyang maglakad papasok ng kotse, gayundin naman ay sinundan ko siya sa paglakad papasok.
Kasing bilis ng takbo ng kotse ang pangyayari o baka gawa lang ng mga bagay na pinapapasok ko sa aking memorya upang tandaan at tanawin ang ibang detalye.
Something rung. He picked up the phone saying, "Magandang hapon," and he laughed heartily. Mula sa mga oras na iyon nagtagal ang paguusap nila.
Hindi ko na lamang inintindi iyon. Tinuon ko na lamang ang pansin sa kalsada. Magmula sa gusali hanggang sa mapuno na kalsada'y hindi man lamang ako inantok sa boring ng aming biyahe. Ni hindi ako kinausap ng lalaki sa dahilan na abala ito sa pakikipagusap sa kabilang linya. Pang pito na yatang phone calls ang nakukuha niya ngunit hindi na iyon nasundan hangang makarating sa puting mansion.
"Nandito na tayo." Umunat ang kanyang kamay sa pagpresenta sa malaking bahay.
Una akong bumaba at sumunod sa kanya. Pinagmasdan ko ang ayos ng struktura mula bubong hanggang sa paligid subalit ang makapal na bushes ang nakakuha ng aking pansin. Pinaligiran ang buong mansion na parang pader.
"Halika sa loob."
Pumasok na ako kasabay ito. Naroon sa loob ng bahay ang naghihintay na mahahabang sofa, ang engrandeng hagdan, at mga mamahaling gamit.
May naiwan pang chessboard sa mesa na hindi pa natapos doon, kitang-kita na hindi na makagalaw ang hari. Lumapit ako roon saka umupo sa may tapat nito. Inabot ko ang rook at ginalaw. From d1-square to d8-square. Napakapamilyar ng mga tagpong ito.
"Back-rank mate!" Bulalas niya na akin namang tinanguan ng kaunti. Tumayo ako subalit kasabay noon ang pag agos ng dugo sa aking ilong.
Pumikit ako. "Mama..." hindi ko na natapos ang sasabihin nang bumagsak ako sa sahig at magising. Tumutunog na pala ang alarm clock. Sinubukan kong tumayo ngunit ang hapdi ng sugat sa aking likod ay hindi ako pinahintulot bumangon.
"Good morning." Si Herlliot iyon.
"Yeah." Tanging sagot ko at inabot ang kamay sa kanya upang tulungan ako.
"How are you feeling?" Aniya nang sa wakas nakabangon ako sa tulong niya. Hindi ko pinaunlakan ang sarili na sagutin ang kanyang katanungan upang makatayo na. Umalis ako nang kama habang iniisip mga nangyari noong nakaraang gabi.
Tahimik akong nagpasalamat pagkatapos kong maligo nang araw na iyon. Ni hindi na ako nagsuot pa ng tuwalya at hinayaang mabasa ang sahig gawa ng tumutulong tubig sa aking katawan. Matapos ang mahabang proseso ng ritwal sa umaga'y tinali ko naman ang buhok na katatapos ko lamang tinuyo gamit ang tuwalya.
***
I can not believe my own eyes. Am I seeing the most anticipated reunion of Llansante and Amara? But my eyes betrayed me without me noticing I am giving away my attention for free. Hindi ko na pinagtaka pa ang rami ng tao sa hallway, dahil abala ang lahat sa nakapaskil na notice sa bulletin.
"Hey." I looked annoyed at Malcolm and shoved his hand over my shoulder. He. Lahat na lang ba kailangan maging close?
"I have no time for this."
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...