Chapter 30
Nang matapos kami sa mansyon, ay dumaan lang kami saglit sa kompanya niya para maglibot. Sinamahan niya ako at siya mismo ang nag-explain ng mga ginagawa doon.
I enjoyed his tour kaya naman hindi ko na rin naisip ang nangyari noong umaga.
Kinabukasan ay umuwi na nga kami, kasama ang contract ni Syntia. Matagumpay ang naging lakad namin ni Caden. At ang alam ko next week, magsisimula na ang preparations. The next weeks and months will be hectic until this project ends.
Itinuptop ko ang mga papel na nai-print sa mesa upang magpantay, matapos ay nagbind na ako sa folder. I already finished and printed the final script. Natapos ko na itong narevised ng weekends and approved na rin by Caden.
Ibibigay ko na lang ito sa kanya ngayon for final checking, tapos na ay tapos ang trabaho ko. Kumatok ako sa pinto nito, bago pumasok. He quickly glanced at me, I smiled as I walked towards his table.
When we arrived from New York, I suddenly felt the heaviness in my chest disappeared. Siguro ay dahil nailabas ko na iyong matagal ko ring itinago?
O, kahit papaano, nakapag-open up ako kay Caden. That's why I feel more relaxed now.
Inilapag ko ang folder sa mesa, "Done, Sir." ani ko.
Kinuha niya iyon at binuklat. "You already emailed the soft copy to me, right?"
Tumango ako. "Yes, Sir."
Kumunot ang noo nito at bumaling sa akin, "What's with the sudden, 'Sir'?"
I shrugged my shoulders. "Nasa trabaho tayo?" balik ko.
He chuckled. "Ngayon lang talaga pumasok sa isip mo iyan? Kung kailan patapos na ang trabaho mo?" may pagdududa sa tanong nito.
"I'm just doing my job!" katwiran ko, unti-unti nang nabubura ang linya na ginawa ko sa aming dalawa.
Oras na para mawala rin ang inis na ipinapakita ko sa kanya, that lame defense mechanism.
"May ginawa ka ba, Yara? Are you meeting with Leonix again?" ngayon ay seryoso na ang tono nito.
Kumunot ang noo ko, paanong nadamay na naman si Leonix? At hindi talaga niya pakakawalan ang isang iyon.
"What? No, wala akong ginawa Caden. At hindi ko kikitain si Leon." paninigurado ko sa kanya.
"Leonix." mariin niyang sabi. Lalong nagsalubong ang kilay ko.
"What's with his name?"
"Call him, with his real name. Leonix."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Pati iyan ay napapansin niya? Hindi ba pwede tinamad lang ako banggitin ng buo?
This guy and his jealousy!
Natatawa akong bumaling sa kanya. "Ang seloso mo." turan ko.
Mas dumilim ang mukha nito at hindi na ako pinansin, ibinalik niya na ang atensyon sa ginagawa niya.
"You will feel it, if I tried to date other girls."
Tumaas ang kilay ko, "Kaya mo?" paghahamon ko.
Natigilan ito, ngunit hindi pa rin tumitingin sa akin. A-Ano? K-Kaya niya?
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.
"Hindi." malamig niyang sagot.
Napangisi ako, mabilis naman palang kausap. Tumikhim ako at umayos na ng tayo.
"Aalis na 'ko." paalam ko at nangingiting lumabas.
Natapos na ang araw at lahat sila, sobrang busy na. Sinubukan ko rin tumulong kela Mira, kahit may print and magsend lang ng emails.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...