Chapter two

2 0 0
                                    


Naghahanda ako ng agahan namin ng kapatid ko, wala pa rin si mama siguro mamaya pa ‘yon dadating.

Tumunog ‘yung cellphone ko, hudyat na may notification.

Someone just sent me a message.

“giddy sent a picture. giddy? sino ‘yon? ”

I stalk his account, inilapit ko pa nang maigi ang mukha ko sa screen ng phone ko kung tama ba ‘tong nakikita ko.

Gideon?

Ini-stalk ko pa ‘yong account niya ang dami niya palang followers, famous rin ‘tong isang ‘to. No wonder, ang gwapo nya rin naman kasi.

Teka? May isang picture ang naka agaw ng pansin sa akin. Nakangiti lang si Gideon sa camera, ito ata 'yung event last year. Ako ba 'yung nasa likod niya? gagi ang pangit ko naman!

I viewed the message and it was a picture of me. I’m holding the ball while widely smiling.

“ Ang tagal na nito ah. ”

Nag tipa ako ng mensahe,

mariadettie: tagal na nito ah, bakit may picture ka sa'kin?

Agad siyang nag seen sa message ko pero ang tagal mag reply, nilagay ko muna ‘yong phone ko sa mesa at ipinagpatuloy ang pagluluto. Pagbalik ko may reply na si Gideon.

giddy: nakita ko lang.

nge? anong nakita mo lang? ang cold naman nito!

mariadettie: saan mo ‘yan nahalungkat oy?!

giddy: obviously, sa gallery ko.

mariadettie: alam ko naman pero ang ibig kong sabihin saan ka galing nyan? Bakit may picture ka sa‘kin? Paulit ulit na ako dito Gideon ah!

giddy: daldal mo.

Hinayaan ko nalang siya at tinapos ang ginagawa ko.

“ Dumating na si mama, ate! ”

“ Okay bro! aayusin ko muna ‘to wait lang. ”

Sumilip ako ng kaunti sa may bintana, hindi nag-iisa si mama may kasunod siyang lalaki na bumaba sa kotse. May kasama siya...
Lalaki? Who is that? Kaibigan ba ni mama ‘yan?

Pumasok na sila dito sa loob, nag mano ako kay mama at tumingin ako sa lalaking kasama niya. Parang kaedad lang siya ni mama,

“ Sino po siya ma? ” Ngumiti lang silang dalawa sa akin.

Katabi ko lang rin ang kapatid ko,

“ Maupo muna tayo mga anak. Humprey take a seat. ”

“ Odette, Isaac. This is Humprey De Constavo, he is my boyfriend..”

It took me a minute to fully process this situation right now. Boyfriend?

Kaya ba hindi nakauwi si mama kahapon dahil sa kaniya?

Umiling ako... Hindi ko matanggap...

Dahan dahang tumayo si mama, nagtatangkang lumapit sa akin but I stood up and leave a word before she touch my hand.

“ Ma.. kaya ba parang nagbago ka? kaya ba hindi ka umuuwi minsan? Bakit naman po ganito? ”

“ anak... Intindihin mo naman ako, alam mo naman na...”
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko,

“ na ano ma? na wala na si papa, ma? gano'n ba ‘yon? Hindi ‘to tam-”

“ Iniwan na tayo ng papa niyo Odette! ”

The Wandered Life Of OdetteWhere stories live. Discover now