Prologue

150 7 1
                                    

Suminghap ako.

"Sigurado ka bang kaya mo?"

I smiled. "Of course. Gusto kong maging civil. Ang tagal na rin kasi..." Humalukipkip ako. "It's been six years."

Umupo si Kae sa harapan ko. Hindi agad ako nakatakas sa talim ng tingin niya sa akin. Kae is my best friend—or baka siya lang ang tanging kaibigan nanatili sa akin. Best friend na naman siguro ang tawag do'n.

"Tapos?"

"Casual lang. Let's try to be civil."

Kae chuckled.

"Sa tingin mo... kakayanin niyong maging civil pagkatapos ng nangyari? Come on! This is reality! You can't be friends with your ex."

Nilingon ko si Finn na dahan-dahang umupo sa tabi ko. She's very sweet and very pregnant with Lewis' baby. Mas gumanda siya lalo. Her short hair suits her at mas pumuti siya ngayon. She looks fragile dahil dumaan din siya sa maselang pagbubuntis. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na nakikita ko siyang masaya. She deserves good things in life. A genuine like her deserves to be happy. Like Kae, she became my friend. Seeing her... marrying the love of her life... ang sarap siguro no'n sa pakiramdam.

"Pasensya na kayo kung—"

"Don't." I stopped her. "They are Lewis' friends. Dapat lang na nandito sila dahil kaibigan sila ng fiancé mo."

Kae rolled her eyes. Pabaliktad siyang umupo ngayon at tamad na ipinatong ang kamay sa sandalan ng upuan. "Hindi na kami magkaibigan ni Brix so don't expect na kaya kong makipag plastikan, okay? I'm doing this for you, Finn. This is your day kaya gagawin ko 'to."

I agreed.

Finn pouted. "Malay niyo... maging tulay pa 'to para—"

Namilog ang mga mata ko. Agad akong umiling kasi alam ko na kung ano iyong idudugtong niya. Ayoko na. Masyado ng maraming nangyari. Kae is disgusted too.

"Girls... nandito na sila," Lewis gave us a signal. He smirked. Hindi siya nakatakas sa pambabatok ni Kae kaya naging palaban siya sa fiancé niya.

"Labas muna ako," Kae said and lit her cigarette.

A black sedan made its entrance. Alam ko na kaagad kung kanino iyon. Nagtatahulan ang mga aso nila Lewis dahil sa mga panauhing dumating.

Nalula ako sa sasakyan niya, he really did it. He can now afford to buy expensive things. May sumunod rin na puting Fortuner kaya tumayo ulit si Lewis para salubungin ang mga kaibigan niya.

Huminga ako nang malalim. You can do this, Ellisa. It's been six years, right? Nasa isang lugar na kayo. Iisang hangin nalang ang nalalanghap niyo.

Binalingan ko si Kae na diretso lang ang tingin sa kanila. Mas malayo na siya sa amin ngayon at kahit na nagtatago siya sa dilim, I can see how her eyes flickered when she saw who's coming.

Lumunok ako. Sana 'di ganoon kumurap ang mga mata ko kapag nakita ko siya.

My heart pounded so fast when Angelo walked towards Lewis. Ngumiti siya nang bumaba sa black sedan niya. Ang laki rin talaga ng pinagbago sa pisikal na anyo niya. Noon, lamparorot 'to ng batch namin, e. Pero kita mo naman ngayon, may nakikita ka ng muscles sa katawan niya. Mas lalo na siyang gumwapo.

Sumunod sa kanya si Brix kaya nagtawanan agad ang tatlo. Finn held my hand kaya ngumiti ako.

Angelo moved on kaya dapat ganoon din ako.

"Finn! Congratulations!" Brix's voice thundered.

Nakita ako ni Angelo pero mas pinili kong lingunin si Brix na halatang nagulat sa presensya ko. Hindi ata nila inaasahang pupunta ako. Akala nila... tulad pa rin ako ng dati. Ang dami ko na rin kasing invitations na tinaggihan kaya 'di ko rin sila masisi.

"Ellisa—"

"Hey," I moved a bit para mayakap ko siya.

"How are you?" I chuckled.

"I'm fine! Mabuti naman at pinaunlakan mo na ang imbitasyon ni Finn."

Tumango ako. "Of course. Hindi na ako busy, e."

He chuckled. Nawawala na iyong mga mata niya dahil sa laki ng ngiti niya pero nang ilipat niya ang tingin sa bandang pintuan, biglang nagdilim ang mukha niya nang makita si Kae na lumapit kay Angelo. I pursed my lip and tried to make a conversation with him kaya bumalik sa dati ang awra niya.

Dumating na rin ang mga magulang ni Lewis. Aligaga na ang mga kasambahay para makapaghapunan na ang lahat. Angelo didn't try to talk kaya hindi rin ako nag-initiate na batiin siya. Mas okay siguro na 'wag nalang kami mag-usap.

Inalu ni Lewis si Finn dahil umiyak ito. Maybe, pregnancy hormones? Natawa ako dahil pulang-pula na ang kanyang mukha at ilong dahil umiiyak sa dinner gathering nila.

"Baby... hush... don't cry. Pinag-aalala mo naman ako, e."

Finn sobbed. "Masaya lang ako dahil sa nangyayari. Akala ko 'di na darating ang araw na 'to. I grew up without parents at nasanay ako... na mag-isa lang sa buhay. Dumating kayo at naging pamilya ko kayo. Masaya ako dahil kumpleto tayo ngayon sa pinaka-espesyal na araw ko."

Lewis kissed her head. "Tahan na. You're scaring me. The baby will be sad. Sige ka at baka pumangit 'yan."

I chuckled. Natawa na rin ang dalawa. Tumahan na rin si Finn kaya nakahinga na ng maluwag si Lewis. Hindi pa rin talaga nagbabago si Finn, napaka-crybaby pa rin talaga.

Lewis made his message. Galak na galak iyong mga madre na nagsisilbing guardian ni Finn kaya mas lalo lang siyang umiyak. Ganoon din ang mga magulang ni Lewis na excited na para sa apo nila.

Kae found a seat beside me. Nilantakan niya kaagad ang pasta niya bago abala ulit sa cellphone. Nahuhuli kong panay ang lingon ni Brix sa kanya at sa tuwing magkakasalubong ang tingin namin, ngingiti lang siya na para bang 'di ko nahuli kung saan napako ang tingin niya.

Hindi pa rin sila magkaayos ni Kae.

But Kae—

"Ellisa," Angelo called my name.

Napakurap-kurap ako. Ayan na naman at sobrang lakas na ng tibok... ng dibdib ko.

"You can't eat that."

Bumaba ang tingin ko sa brownies na kinuha ko.

"May mani. You're allergic to peanuts, right?"

"Ah, yes."

"Have this," iniabot niya sa akin ang leche flan.

"Thank you."

Hindi na siya nagsalita pa at tahimik nalang na kumain. Uminit ang pisngi ko dahil 'di ko inaasahang kakausapin niya ako! Leche, akala ko ba gusto mong maging civil, Ellisa? Bakit kinausap ka lang, andiyan na naman ang pakiramdam?

After a minute, Angelo excused himself because of a sudden call. Nag-kuwentuhan nalang kami ni Kae nang bumalik si Angelo para tawagin si Lewis.

"Aalis ka?" tanong ni Lewis.

Angelo's jaw clenched. "Yes."

"Saan punta mo, bro? Sama mo na rin ako kasi bibili ako ng mga inumin natin," si Brix.

"I'm going to get my Nikki," he answered. "Babalik din ako."

Lumunok ako. Si Nikki? Si Nikki  iyong... babaeng sinabi niya sa akin na 'di ko dapat pagselosan at katakutan?  Sila na pala?

"Your girlfriend will come, Gelo?" tanong ni Finn.

Natahimik ang lahat. Hindi ko magawang iangat an tingin ko sa kanila dahil pinili kong ituon ang atensyon ko sa leche flan.

"I'll be right back," he said and walked away before I laid my eyes on him.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon