Chapter 1

83 5 1
                                    

Inayos ko ang tali huis laso sa likod ng aking buhok. I smiled widely as I fixed my hair more. Kanina pa ako tinatawag ni Mommy sa ibaba kaya 'di na ako nagtagal pa sa pag-aayos. Ayaw na ayaw kasi nilang pinaghihintay ang pagkain.

I saw my parents having a silent breakfast. Parehong tahimik ang mga magulang ko kaya 'di sila masyadong nag-uusap. Nilingon kaagad ako ni daddy at inimbitahan sa hapag.

"Good morning," he said without looking at me.

"Good morning po," I even bowed a bit for formalities.

"Ihahatid ka na naming sa school. What's your first subject today?" Mommy asked me. Ibinaba niya ang table napkin niya at iniabot ang fresh milk.

"Science po."

Tumango siya.

"Okay. Ihahatid ka na namin. Siya nga pala, may meeting kami ng daddy mo—out of town. You're going to be okay, right?" Tumaas ang kilay niya bago nagsalita ulit. "Of course, honey. You should be okay."

I nodded. "Yes po."

"Good," she casually said. Tahimik na ulit kami at seryoso na ulit sila sa pagkain. Ganito na talaga ang ambiance namin kapag nagkakasama. Ang tahimik pero alam mong may bumabagabag sa 'yo.

Parehong nasa business world ang mga magulang ko. Pareho rin silang abala sa kanya-kanyang kompanya. Business molded them kaya ganoon nalang sila devoted sa mga negosyo nila. My mother owns a hotel and home development corporation while my father is a CEO of construction and aggregates company. At dahil sa pagiging abala, bihira nalang kaming mag-usap gaya nang ginagawa ng ibang pamilya.

"Darling? May pera ka pa ba?" tanong ni daddy sa akin.

Tumango ako. "Yes po. May pera pa po ako."

He smiled. "Tell me if you need anything, okay? I'll give you more money..." then he kissed my head bago kami pumasok sa sasakyan. My mother kissed my hand too.

Natulala ako.

Parang may mali. Hindi lang mahanap ng utak ko iyong tamang salita pero alam kong may mali. Sa loob ng sasakyan, kahit na magkakatabi kami—pakiramdam ko may mali. Si mommy, abala sa kausap niya sa phone at si daddy naman, abala sa binabasang folders.

I waved my hand to say goodbye. Bumusina lang ang sasakyan bago ako tuluyang iniwan sa gate ng school namin kasama ang iilang estudyante na papasok pa lang.

"Ellisa!"

Kumaway si Kae sa akin. Tumakbo ako para tuluyang makalapit sa kanya. Kae is my friend since kinder kaya dugtong na iyong bituka namin. Tulad ko, nag-iisang anak lang din siya kaya nagkakasundo kami sa kahit anong bagay. Abala rin ang mga magulang niya sa family business nila kaya minsan, sa bahay siya tumatambay.

"Kumain ka na ba?"

"Yup. Ikaw ba?"

"Nope. Sa canteen nalang ako kakain."

Sabay na kaming tumungo sa classroom. As usual, maingay na naman dahil wala pa si teacher. Nahanap ko kaagad ang upuan ko at binati agad ako ng mga classmates. Hindi nagtagal, tumunog ang bell hudyat na flag ceremony na kaya bumaba ulit kami.

"Sa harapan ka, Ellisa. Mas matangkad ako kaysa sa iyo," she smirked.

"Gusto mo lang diyan, e."

Tinulak niya pa ako. Sinimangutan ko siya dahil ayan na naman siya sa kabaliwan niya. I positioned myself kasi naninita na ang mga seniors naming. Ayokong mapagalitan!

Nakalinya na ang lahat base sa tangkad at section. Tahimik na rin ang lahat kasi magsisimula na ang seremonyas. Nanatili ang tingin ko sa harapan nang sundutin ako ni Kae.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon