masakit

85 3 1
                                    

Isang umagang napakasakit.

Kahit ano man ang gawin ni Elise, pilit pa rin pumapasok sa kanyang isipan, kung bakit ba ang hirap tanggapin na wala na ang pinakamamal niyang lolo.
(Sambit ni elise habang tumutulo ang kanyang luha) "Sa lahat ba naman ng mawawala bakit pa yung taong nagmamahal sa akin ng buong puso."
"Siya lang naman yung taong nakakaunawa sa akin, hinding-hindi niya ako pinapabayaang masaktan.."

Niyakap ko ng mahigpit si lola.. "Elise apo ko, wala na yung tatawag sayo para kumain, hindi na kayo makakapag-duet ng lolo mo sa pagkanta at sayaw, wala na yung maghahatid sayo sa school kapag busy si papa mo, wala nang magtatanggol sayo kapag pinapagalitan ka ng mama at papa mo.. Apo maraming salamat sa pag-aalaga mo sa lolo mo."

Lumapit kay elise ang kanyang ina at ito'y pinapatahan.. "Elise, alam ko kung gaano kahirap mawalan ng lolo, pero kailangan mo ding isipin ang sarili mo." Habang binabanggit niya ito lalong nasasaktan si Elise, kaya naman hindi napigilan ni Elise na humagulhol ng malakas.
Tinanong ni Elise ang kanyang ina, "Ma, bakit parang andali lang para sa inyo na kalimutan si lolo? Kase kung madali para sa inyo, sakin hindi e"

Umalis si Elise at pumunta sa kanyang kwarto.

Tiningnan niya ang picture ng kaniyang lolo, "Lolo, bakit naman ganun, iniwan mo agad ako?"(habang umiiyak)
Niyakap ni Elise ang picture at naalala ang huling sinabi sa kaniya ng kaniyang lolo.
"Elise, kapag ako'y nawala huwag na huwag mong pabayaan ang sarili mo ha.. Alagaan mo si lola mo, huwag mo siya kainisan kapag matigas ang ulo ganun na talaga ang natanda, si mama at papa mo mahalin mo hanggang sa pagtanda nila.. Nandito lang ako lagi para gabayan ka, mahal na mahal kita apo ko."

Dahan-dahang tumitigil si Elise sa kaniyang pag-iyak at sinabing "Lolo, paalam sa lahat ng ating pinagsamahan, mahal na mahal kita."

Lolo's GirlWhere stories live. Discover now